IKALAWANG Alumni Homecoming pa lang iyon ng Ledesma High sa loob ng mahigit tatlumpung taong pagkakatatag nito. At bilang isa sa officer ng graduating class, dumalo sa pagtitipong 'yon si Francis Ledesma.
He's Mr. popular
King of the Night
Head -turner Man!
Kahit ano pang itaguri ng mga kaklase niya sa binata, sa kanya iisa lang ang kahulugan ni Francis... He's the love of her life. Ang nag-iisang lalaking idambana niya sa kanyang puso.
Inilagay niya sa pedestal si Francis sa loob ng apat na taong magkasama sila sa high school. Kahit pa noon ay halos hindi siya nito mapansin kung hindi magtatanong ng tungkol sa kanilang test.
O di kaya'y magpapagawa ng asignment. Para sa binata, isa lang siyang piraso ng utak. He never viewed her as a beautiful girl. Smart. Iyon lang ang katangiang ipinagmamalaki niya.
Pero hindi sapat para kunin ang atensyon ng isang heredero! Hindi mapigilan ni Victoria na ma-fustrate sa tuwing naaalala iyon. Hindi niya mapigilang ibalik sa gunita ang mga nangyari.
Agad itong pinagmamasdan ang binatang kadarating pa lamang. Kung noon ay guwapito na ito, ngayon, understatement na iyon. Matter of factly, he's the most dashing man in that room!
Agad itong sinalubong ng isang grupo ng kababaihan. Beso-beso sa binata kahit pa bakas sa mukha ng huli na hindi na kilala ang mga ito. Ang mga babae naman,makahalik lang kay Francis ay kinapalan na ang mukha!
Gusto niyang mainggit sa mga ito. Mabuti pa sila at may lakas 'ng loob na i-approach siya. Hanggang kailan kaya ako mananahimik dito sa isang tabi at panonoorin na lang si Francis?
"Hoy!Ang gabi kahit hindi hukayin ay lumalalim." Untag sa kanya ng bestfriend niyang si Haubrey. "Tutunganga ka na lang ba riyan? Aba'y mauubusan tayo ng pagkain!"
"Oo nga naman,Victoria." Ayon dito ni Mark. "Pare-pareho lang naman tayong nagbayad ng entrance dito sa Edeliza Hotel a. Kailangang masulit natin ang ating ibinayad."
"Kung nagugutom na kayo,sige na. Mauna na kayo. Mamaya na lang ako." Hindi lang niya masabi sa mga ito na sulit na ang ibinayad nang masilayan si Francis!
"Killjoy ka talaga, kahit kailan!"
"Sabihin na ninyo ang gusto niyong sabihin.Kiyeber ko!"
"Bahala ka." Walang pakundangan na umalis ang dalawa.
"Aba't ang mga mokong,iniwan nga ako!" Hindi tuloy siya magkandatuto sa paghabol sa mga ito.
"Hoy,sandali lang. Gutom na rin ako. Hintayin n'yo naman ako."
Huli na para ma-realize niyang nagkamali siya ng hakbang.
May napatid siyang kung ano.
"What the---" anang isang tinig.
At bago namalayan ni Victoria,naroon na siya sa tiled flooring. Pingag-uusyosohan ng kanyang mga co-alumni. Isa namang nakakahiyang karanasan na idaragdag niya sa kanyang diary!
"Of all times,bakit ngayon pa?" Parang gusto niyang sumbatan ang kapalaran sa nangyaring iyon sa kanya. Ang masakit pa roon, parang walang plano ang sinuman na tulungan siyang bumangon.
BINABASA MO ANG
That One,Strange Dream ( Ongoing Series)
Teen FictionFRANCIS BROKE VICTORIA's heart six years ago. Mas pinili ng binatang tahakin ang tagumpay at kasikatan sa halip ng simpleang buhay kasama ang kasintahan. But one fateful day, he encountered a strange dream. Wherein he saw what life have been for bot...