May crush ako sa school, classmate ko siya yung first honor namin. Hindi ko alam kung may gusto rin ba siya sakin kasi lagi ko siyang nahuhuli na nakatingin. Pero sobrang sweet nila ng bestfriend niya, sabay nga sila laging kumain eh kaya alam ko nang wala siyang gusto sa akin
Friday Morning nun
"Helen! Nakita mo nung yung result ng exam?" Excited na bati ni Raya
"Uhmm.. hindi pa, pero alam ko naman na hindi ako ang magf-first" sabi ko
"Nooo!! You are the first!!!" Masaya niyang sabi
"Really??" tumakbo ako dun sa board at tinignan yung list na nasa bondpaper lang kaya siksikan talaga yung tao
"Yess!!" napatalon ako sa tuwa ng makita ko na ako nga ang nagfirst
Na-hug at kiniss ko sa cheek si Raya na nasa may kanan ko.. pero.. uhmm si Kush pala
Ohhh myyy… hala nakakahiya x///x
Nagsmile lang siya, ang cute talaga
"Congrats" bati niya
"Uhm thanks" nahihiya kong tugon
"Sige" sabi ko tas bumalik na dun sa may upuan
"Nice one Len" sabi ni Raya
"Gaga ka! Kala ko ikaw yung nasa kanan ko. Ba't ka nawala?" mejo naasar kong tanong
"Kasi sabi ni Kush excuse me, kaya umusod ako sa may likuran mo" paliwanag niya
"Okay" sabi ko nalang
Lunch Break na namin nun, yun nakita ko nanaman si Kush at Angel na sobrang sweet papalabas ng room, siguro kakain nanamang magkasama sa ilalim ng puno
Naaasar ako.. Kaya nung Physics na namin si Angel ang reporter, kaya mejo ginantihan ko pagtapos mag report
Madali lang naman ang report niya about Light and Sight
"May mga katanungan ba kayo?" sabi nung teacher namin
I raised my hand kaya tinawag ako
"Why the sky is blue?" diretso kong tanong kay Angel
"U-uhmm.. ehh.." napatingin siya kay Kush na nakatingin naman ng masama sa akin
Matagal na siyang nakatayo dun at palinga-linga
"What is the answer Ms. Domiguez?" tanong ng teacher
Hindi parin siya nakasagot
"That is your report you should just be ready in the questions of your classmates! Ang dali-dali lang ng tanong, nabanggit mo na nga kanina ang sagot" galit na tono ni ma'am
"Does anyone know the answer?"
"Ms. Rivera do you know the answer in your question?" tanong nang teacher namin sa akin
"Yes ma'am, Nitrogen and Oxygen molecules make up most of the atmosphere. Among different colors in white light, violet is scattered the most by oxygen and nitrogen. Other colors are scattered in the following order: blue, green, yellow, orange and red. Red is scattered only a tenth as much as violet. Although violet is scattered more than blue, our eyes are not very sensitive to violet. The scattered blue light predominates, so we see the sky as blue." Paliwanag ko
"Very good, well explained Ms. Rivera" sabi ng teacher namin at umupo na ko.
Nang matapos na ang class at uwian na