Chapter 7

442 14 0
                                    

Hinang-hina ako habang sinusubukang gamotin ang sugat ni Zach, Ayaw niyang magpadala sa hospital para ipagamot ang sugat sa mukha dahil baka mayrong media. kaya heto ako ngayon, kahit uwing-uwi na para kausapin ang mga pinsan ko ay walang nagawa.

Tumulo ang luha ko ng maalala ang nangyari kanina. Lahat ng nangyayari sa akin ngayon ay hindi ko inaasahan. Napapikit nalang ako, nagbabakasakaling panaginip ang lahat. gusto kong magising sa isang masamang, napakasamang panaginip.

Isang malakas na suntok din ang natanggap ng lalaki galing kay Zach ng sinubukan niya akong hawakan sa braso, dali-daling tumayo ang lalaki ngunit napigilan na siya ng pulis at agad na nalagyan ng posas sa dalawang kamay. Umiyak ang girlfriend niya, gusto ko sanang maawa pero sila naman talaga ang may kasalanan eh. kaya dapat lang para magtanda sila.

"Patawad po Mr. Sarmiento. Hindi na po mauulit ang ganitong aksidente, lalong-lalo na po sa inyo. Kita naman po sa cctv ang totoong nangyari kaya konting impormasyon nalang po ang kukunin namin galing sa inyo." sabi ng pulis sabay sulyap sa akin. Napansin iyon ni Zach, agad niyang hinagilap ang kamay ko at tsaka mahigpit na hinahawakan.

"Masama ang pakiramdam ng girlfriend ko, abogado ko na ang bahala. We need to go." tumango naman agad ang pulis, may dalawa pang dumating na siyang kumuha sa magkasintahan. Sinubukan kong kumawala galing sa mahigpit na hawak ni Zach pero hindi ko nagawa dahil mas lalo lang niya itong hinigpitan. Bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa aking katawan, parang biglang nawala ang epekto ng alak sa at biglang umayos ang utak ko. Para bang naramdaman ko na noon ang ganitong klaseng pakiramdam, hindi ko matukoy kung saan at kailan ngunit sigurado akong naranasan ko na ito.

"Sir kunin ko nalang po buong pangalan niyo." rinig kong habol na tanong ng isang pulis. Bago niya ako naitulak papasok sa kotse.

"Si Sir Zach yan, hindi mo ba nakilala..?" bulong ng isang pulis.

"Yvo Zachary Sarmiento."

Wala akong imik at tila bumalik sa pagiging lutang sa narinig. May kausap si Yvo sa telepono.

Si Yvo Sarmiento?! Pinalis ko agad ang luhang tumulo sa aking pisngi. Bakit nga ba hindi ko manlang naisip ang apelyido niya.  Bakit hindi ko na agad siya hinanap pagkauwi ko. Nataranta ang utak ko, alam ba to ng mga pinsan ko? Alam ba ni Kuya Sirius na siya si Yvo Ang lalaking hinahanap ko.?

"Kayo na ang bahala Attorney." Ramdam ko ang pag sulyap niya sa akin ngunit di parin ako umimik, ni hindi ko na siya matignan pabalik. "Opo, salamat."

Pagkatapos niyang inilapag ang cellphone sa lagayan ay marahan niyang hinawakan ang pisngi ko na parang sinusuri kung may sugat ba o ano, ngunit ng pinunasan niya ang luha ko gamit ang kanyang daliri ay napaangat na ako ng tingin sa kanya.

Kaya pala hindi ako mapakali kahit na unang kita ko palang, hindi ko man masabi ay may kakaiba sa kanya. May kakaiba din sa nararamdaman ko. Hindi ko man maipaliwanag noon,ngayon ay klarong-klaro na sa akin.

Noong una akala ko galit lang ako kay Kara dahil sa pagiging anak niya sa labas, sa pagiging anak ng daddy ko at pagiging kapatid namin. Kahit na alam ko sa sarili kong may namumuong selos kapag magkasama sila ni Sir Zach at kinakampihan siya ay nasasaktan ako.

"Are you okay?Tss..Hindi dapat ako nagtatanong. Alam kong hindi, nasaktan ka ba?natakot ka ba?" May pag-aalala sa boses niya 

Mabilis akong umiling, tipid siyang ngumiti. Hindi na ako nakapagsalita muli, hanggang sa natauhan nalang ako bigla ng makarating kami sa apartment na tinitirahan ko.

Oo nga pala at nakausap ko si Lolo at Kuya Sirius na magbubukod ako ng bahay, wala akong makitang dahilan sa pagpayag nil agad, pero napansin kong umiiwas sila sa at doble ang mga nakabantay na tauhan sa akin ngayon.

SelenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon