Chapter 1 - Introduction Keneso

2 0 0
                                    

Nilagay ko yung Chapter 1 sa taas pero hindi ko talaga alam kung paano magputol ng mga chapters eh. Hindi naman ako bihasa sa pagsusulat. Pero mahilig akong magsulat.

I have no standards to follow. Ayoko ng na pepressured ako. Wala akong makausap ngayon, time check? 4:01 AM Sept. 2, 2019.

Hindi maganda ang bungad sakin ng Bermonths pero hindi naman ako naniniwala sa malas. Tao pa rin ang may hawak ng kapalaran thooooooooo I do believe na lahat ng bagay na mangyayari ay matagal ng nakasulat at nakaplano para sating lahat... and I thank you! Bow! Charot!!!!

Hindi ako makatulog kasi iniisip ko pa rin yung crush ko. Yung crush kong napaka gago na hindi naman ka-keep keep pero shukangina, mahal na mahal na mahal ko pa rin! He was just a dream for me way back then, pangalanan natin siyang Ian. Our fairy tale love story ended "tragically"... in a way, ha! Wala namang namatay. Just to clarify.

Pakiramdam ko isa akong eroplano na naglalakbay sa himpapawid papuntang langit peroooooo... biglang bumulusoooooooooook at un-ti-un-ting lumagapak sa lupa! AROUCH!

Alam nyo yung movie ni Kim Chiu? Bakit 'di ka kras ng kras mo?! Favorite ko yun eh!!!!
Di mo alam? Search mooo, gandayon!

Dream love story ko talaga na magkagusto sa isang lalaki na hindi ako gusto, yung ako yung maghahabol, pa hard-to-get si Kyah, Suplado, na eventually, after all my prayers every night to all the saints that I know, all the efforts, time and landi that I will invest, sa mga kamay ko pa rin ang bagsak niya! Bwahahahaha.

Ohhhh diga? Ambisyosa ako eh! I know right!

At dahil ambisosya ako, nagkaroon na nga ako ng crush nung 19 years old ako. Pasulyap sulyap lang, pakyut ako ng konti kahit di ako kyut. Papansin kay kras pag dumadaan sa harap ng bagong nilipatan naming bahay. Hihihihihi. At eto na nga!!!!!



Kaso kasiiiiii mga kapamilya, kapuso, kapatid at mga kababayan ko???!!!!!

...ang hindi ko pa rin matanggap ngayon is....

YUNG KRAS KO NA BUMUO NG DREAM LOVE STORY KO, NA HINAROT KO, PINAGHIRAPAN KONG LANDIIN -- NA NAPAKA HIRAP MAKUHA E NGAYON.....


SHUKANGINAAAAA....
EX KO NALANG!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crush mo? Kras ka ga?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon