Frank Called

3K 122 142
                                    

Abby's Point of View

"Frank"

"Frank"

"Frank"

Nandito lang ako sa sulok ng kwarto ng apartment ko habang nakayakap sa isang manika na may litrato niya at pinagsisiksikan ang sarili ko sa isang maliit na espasyo.

Paulit ulit kong sinasambit ng pangalan niya. Nagbabakasakali lang naman ako na marinig niya ako...

Marinig niya ang paghihirap ko nung iniwan niya ako..

I know the things i'm thinking are nonesense, but what can I do? rather than hope?

Buong buhay ko sa kanya lang umikot ang mundo ko. Siya lang ang inibig ko ng ganito. Halos mabaliw baliw na ako.

baliw na talaga ako..

Paulit ulit ko siyang tinatawagan. Bakit ayaw niya bang sumagot?

I can feel beads of tears forming over and over again at the corner of my eyes.

Kulay itim na ang luha ko, hindi ko pa kasi tinatanggal ang mga palamuti ko sa aking muka.

Tumingala ako at muli nanamang humagulgol.

The darkness enveloping this room doesn't help my depression at all.

Patuloy lang ang pagring sa kabilang linya pero hindi niya sinasagot.

"Ano bang ginawa ko sa'yo?! Bakit mo ako iniwan! Sumagot ka!" Bulyaw ko sa manikang may litrato niya hawak hawak ko na itinuring kong anak namin at dinuro duro ito. Pero kahit na anong sigaw ko hindi parin ito sumasagot.

Kinuha ko ang cutter na nasa tabi ko lang at madiin pinadaan ito sa pulso ko.

Napaungol ako at napatikom ng kamao ko dahil sa sakit na naramdaman ko. Ramdam ko ang pag-agos ng dugo ko sa pulso ko.

Ang sakit...

Pero mas masakit ajg nararamdaman ko ngayon...

KRRRRIIIIINNNGG...

KRRRRIIIIINNNGGG...

Napabalikwas ako at napatakip sa tenga ko nang makarinig ako ng matinis na mga tunog pero napaisip ako bigla.

Alam ko ang tunog na iyon, galing iyon sa telepono sa sala.

Teka baka si Frank na'yon!

Dali-dali akong tumayo pero bigla akong nakaramdam ng hilo kaya bahagya akong natumba sa sahig.

At kahit na halos madulas na ako sa dugo ko na nagkalat sa sahig ay pinilit ko paring tumayo...

Kinuha ko ang manika ko na may bahid na nang dugo at niyakap ako..

Tumawag na siya.

Ang saya-saya ko.

At tumawag na siya.

"Tumawag na si Frank. Tumawag na si Daddy!" sabi ko sa anak naming ni Frank na hawak hawak ko ngayon.

Pasuray-suray man ay pinilit ko paring tumungo kung saan nandodoon ang telepono ko.

Babalik na siya sakin..

Babalik na si Frank sakin!

"Hello?" kumapit ako sa lamesa para alalayan ang sarili ko. Dahil sa totoo lang nanghihina na ako marahil sa dami na nawalang dugo sa'kin.

"Hello!" muli kong inulit ang pagbati ko sa kabilang linya pero mas malakas kesa kanina.

Hindi ko mapigilan ang ngumiti dahil alam kong si Frank na nga ito.

Frank Called[One Shot Entry]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon