Ikaw Lang∞

30 0 0
  • Dedicated kay Djibril Margarette Taldo
                                    

Tauhan:

André Perez

Danica Cruz

Beatrice Salaga

Sean Loquere

[Extra Casts]

Mama

Girl 1

Girl 2

Girl 3

Bb. Kath

Tagpuan:

St. Celestine High, Paranaque City

Prologue:

       “Sa pag-ibig, hindi lahat ay mapupunta sa forever. Lahat may hangganan pero may isang taong darating na nakatadhana para sa’yo.”

Danica’s POV:

       Kasama ko ngayon si Sean, 9 months na kaming magkarelasyon. Nasa paaralan kami mgayon. Bago ang lahat, ako si Danica Cruz 16 years old at 4th year high school sa St. Celestine High. Naglalakad kami ni Sean papunta sa classroom kasi may kukunin ako na aklat. Tahimik lang kaming naglalakad dahil tahimik na tao talaga si Sean. Natapos ko ng kunin ang aklat at pauwi na kami.

“Uh Sean?” inumpisahan ko ang usapan

“Bakit?” sagot niya.

“Uuwi na ako.”

“Sige. Mag-ingat ka. Bye.” Tipid na sagot ni Sean sa akin.

Tumalikod na si Sean sa akin. Isang linggo ko ng napapansin na parang nag-iba ang turing ni Sean sa akin. Parang palagi siyang may ibang iniisip. Hindi na rin siya sweet sa akin di gaya ng dati.

Naglalakad ako ngayon papuntang bahay ng maisip kong pumunta muna sa mall para bumili ng requirements para sa project namin.

Nasa mall na ako ng bigla kong nakita si Sean na kasama ang best friend ko na si Beatrice. Di ko na alam kung ano ang aking nararamdaman. Magkahalong galit, at lungkot. Naramdaman ko na lang na tumulo ang aking luha ng makita kong hinawakan ni Sean ang bewang ni Beatrice at pareho silang masaya.

Di ko na namalayan na dinala na ako ng aking sariling paa papunta sa kanila. Umiiyak ako sa harap nila.

“Sean? Beatrice? Ano tong nakikita ko?!”

“Danica, magpapaliwanag ako!”

“Paliwanag?! Nakita ko na lahat! Ikaw Beatrice, akala ko bestfriend kita yun pala mang-aagaw ka!!”galit nag galit na sinabi ko.

“I’m sorry Danica pero mahal ko si Sean at mahal niya rin ako.”

“Mahal ka niya? Ako ano ako?! Matagal niyo na ba akong niloloko?!”

“Danica, making ka. Mahal kita noon pero isang araw bigla ko nalang narealize na mas mahal ko si Beatrice. Mag-iisang linggo na rin kami.” kalmadong paliwanag ni Sean sa akin.

Dahil sa seryosong paliwanag ni Sean parang MAS nadurog ang puso ko at nawalan na ako ng pag-asa na sana magkaibigan lang talaga sila. Di ko na sila sinagot pa. Tumalikod ako at walang tigil sa pag-iyak. Oo, alam ko na pinagtitinginan na ako ng mga tao dito sa mall pero wala na akong paki-alam, nasasaktan ako.

Ikaw Lang∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon