CHAPTER I: STUPID JANITOR
Lecheng beki to, pinagtritripan na naman ang mga tourist students.
"1..2..3 say beh"
"Behhhhh" naiiyak na yung mga estudyante.
"Pang-model na pose naman! okay.. Group Hug, Look up, Wacky, closer, Very good, okay last pose. Great"
Buong tapang naman siyang sinusunod ng mga uto-utong estudyante. Hay.
"Oy Kasandra, tama na yan. Lawit na panga ng mga estudyante o maawa ka."
"Hay naku friend keribells lang yan, nageenjoy naman sila. Right guys?"
"Ah..ehh---"
"Right?" ಠ_ಠ
"Yes okay lang kami, saya nga whooo ." ಥ⌣ಥ
Tell me may magagawa ba ko? After 113435652766465271577 years natapos din ang pictorial na mas matagal pa kesa sa tour.
Ganito lagi ang scenario namin sa museum na to. Konti na nga lang ang pumupunta pinapahirapan pa. I can't blame Kass, kailangang mag-sideline.
(Kasi yung picture ang binabayaran nila ng bongga.)
Tinanggap ako sa museum na to dahil sa tita ko kakilala niya daw ang may-ari. Naalala ko yung Auntie ko na yun, pinasok niya lang ako para may pambayad sa bahay na inuupahan ko sa kanya ngayon. Alam ko naman na pasekreto niyang kinakausap si mommy. Gusto nila akong pahirapan.Itxt ko nga.
"Hi Aunt Marie, wala pa ako maiibayad sa rent ngayong month, napasakto kasi na may babayaran akong books sa school, next month na lang ha? Thank youuu."Kung hindi ko lang kelangan ng extrang pera hindi naman ako magaapply.
Speaking of the boss, mameet ko na siya at last may importanteng meeting daw sa sunday. Napakamisteryoso kasi. Ayokong magilusyon na gwapo at mabait ang boss ko na yun, pleasee. Sa wattpad lang nangyayari yun. Tumunog yung phone ko.
"♫♫ oya ni hagureta hinadori mo
itsuka wa yasashii futokoro ni
aeru ashita mo...♪♪" (Chichi wo Motomete -- End theme song ng voltes 5)
1 message
From: Aunt Marie
"Klaud, ok na ok lang yun. Wag ka magalala"Hmmm. Seryoso ba to, o may sapi? Nakakapagtaka hindi naman kasi ganitong reply inaasahan ko. Dapat galit na to o dapat sasabihin niya 'HAY may magagawa pa ba ko'.
Reply: Me
"Auntie, may nakain ka bang sira kanina? Anong kailangan mo?"Sa pagaantay ng text, di ko napansin si Kass.
"Hoy, Klaudette! iniisip mo na naman ba yung pogay na crush mo?""Ay bakla!"
"Yes, and the most beautiful"
"Kadiri tumigil ka nga ipasok kita sa cabinet eh. Saka anong pinagsasabi mong crush crush. Hoy. Masyado pa kong bata para lumandi, wala pa yan sa isip ko"
"Sus, inosente. Patingin nga? Maryosep may inosente bang naka lipstick?"
"Magtigil ka anemic ako, kung wala akong lipstick baka mapagkamalan akong exhibit" hindi naman ako ganung kaputi (pa-humble) pero napagkakamalan lagi akong anemic, minsan pa nga albino, huhuhu it hurts. Kaya hindi ko maintindihan ang iba kung bakit gustong gusto nilang pumuti.
"Be sana exhibit ka nalang para marami pumapansin sayo"
"Chararat ba ko? HAHAHA"
"Oh, inookray lang kita. Syempre nagmana ka sakin kaya maganda ka. oh siya uwi na ko maaga, para makaquota ng gagayumahin" sabay halakhak ng pagkatinistinis.
Yung matinis na parang dinosaur? ( ̵˃﹏˂̵ ) hindi ko alam kung paano niya ginagawa yun all at once.
Bigla akong kinabahan sa tawa ni Kass.
Dim light lang ang ilaw sa museum (too much light exposure damage museum objects), kaya may baon ako laging flashlight. I'm so girl scout and at the same time I'm so proud of myself. :D
*creek...............creek..................creek* ay butiki. Wag naman ngayon.
*pssst...............pssssttt.............psst* patay malisya kong ginawa yung assignment ko.
Baka hallucination ko lang to di na ako manunuod ng walking dead. huhu
Tagumpay.
143 items na quiz pa ang kalaban ko bukas. Review na. Game.
*Psst........Psst* Ay PISTI.
"Si.. sino ka?" (/_\)
Wag kang lalapit kung ayaw mong mabalatan! Seryoso ako.
*Psst..*
*creek*
*psst*
*crreeeek*
palapit nang palapit
*Psst...* sa right side ko pala nanggaling. Nasa Counter ako sa may entrance. Nanggagaling siya sa mahaba at madilim na hallway."Alam kong lalapit ka. Wag mong tangkain." Jusme hihimatayin na ko dito. Walang silbing flashlight naubos ang battery. WHY NOW?
"Psssssssss.........BANGGGGGGG!" Huh? Jusme wag, nais ko pang mabuhay.
Kitang kita ng dalawang mata ko ang isang tao na nakahiga. Murder scene ba to?
Lord may quiz pa po ako bukas, ayaw ko pa pong makulong.
\(º □ º l|l)/
"F*CK. Aray ko naman. SH*T badtrp na buhayyyy!" narinig kong sigaw niya. Sabay mabilis na tumayo, dala yung mop? at pail? Highblood?
"♫♫ oya ni hagureta hinadori mo
itsuka wa yasashii futokoro ni
aeru ashita mo...♪♪" (Chichi wo Motomete -- End theme song ng voltes 5)
"Ay butiki!" asan na ba yung cellphone ko? Nawala yung atensyon ko sa highblood na multo na medyo malayo na sakin, hingkay na lumalakad palayo.
"aru darou..♪♪" ayan asa ilalim pala ng mesa.
2 messages
From: Aunt Marie
"Klaud, dahil malaki naman yung inuupahan mo, at vacant yung isang kwarto, maghanda ka sa dalawang taong parating bukas. Diyan na sila titira, babawasan ko na lang yung rent mo."
Reply:
"Seryoso? Ok Auntie. Thanks."kaya naman pala. ( º _ ºノ)
Binuksan ko yung isang message.
From: Kassandra"Be, nakalimutan ko palang sabihin, wag ka magugulat sa bagong janitor natin. Masakit daw throat baka di makapagsalita ng maayos. Bahala na kayong magkaintindihan.
Siya magbabantay ng cashier habang nagtoutour ka, sakaling may mga estudyanteng dumating. Nakita mo na ba siya?"Reply: Me
"Kass salamat sa napakaagang paalala -,-"
