Twenty-three

1.2K 13 0
                                    

LUNA couldn't make her hands steady while slicing the chicken in front of her. With Kit and her father being in the same table, pakiramdam niya ay nakatuntong ang isang paa niya sa numero. Kailanman ay hindi niya inasahang bigla na lamang susulpot si Kit sa mansion at guguluhin ang kaniyang buhay at pati na rin ang kaniyang puso. Ang puso niyang kung ilang beses na niyang nilinlang sa loob ng dalawang taon at patuloy niya pa rin nililinlang hanggang ngayon.

"So, tell me Mr. Vera, ano na nga uli ang iyong business?" tanong ng kaniyang ama rito bago nagpahid ng table napkin sa bibig. "It was what we are talking about before Luna arrived."

"It's a car business, Don Constancio," tugon naman ni Kit sa baritono nitong tinig na hindi niya itatangging labis niyang kinasabikang muling marinig. "We upgrade vintage cars and remodel the modern ones for both oldies and millenials." nagpahid din ito ng table napkin sa bibig. "It's what I really want to do since College."

Sinulyapan siya ni Kit pagkasabi niyon. Napalunok siya. It's as if he's intentionally bringing up memories from their past.

"Interesting," komento naman ni Don Constancio na napatango-tango. "You know, I am quite enthusiastic with cars myself. I used to collect vintage cars back then. Pero kinailangang naming i-auction ang mga iyon para maisalba itong rancho at mansion."

"What?" ani Kit na hindi naiwasang ma-curious sa huling tinuran ng matandang Don. "You mean, you almost lose this?"

Biglang nakaramdam ng pagkataranta si Luna. Hindi niya gusto ang tinatakbo ng usapan ng dalawa. Bago pa man tuluyang maibuka ng ama ang bibig para sagutin ang tanong ni Kit ay agad na siyang pumagitna sa mga ito.

"Come on, pa, we are not supposed to be talking about this," sabi niya rito. "Baka makasama lamang sa kalagayan ninyo so please?"

"Yeah, right," pagsang-ayon naman nito na muling bumaling kay Kit. "It's a long story, Mr. Vera. It's not important, anyway. Ang mahalaga ay hindi nawala sa amin itong rancho at mansion."

Nakahinga nang maluwag si Luna. Samantalang si Kit naman ay tumango-tango ngunit hindi nawala ang kuryosidad sa dibdib. Sinulyapan niya si Luna ngunit nag-iwas ito ng tingin sa kaniya. Kung ano man ang misteryong bumabalot sa rancho at sa mansion, nasisigurado siyang may kinalaman iyon sa bigla na lamang pag-alis ni Luna dalawang taon na ang nakalilipas.

THE GYPSY WHO STOLE MY HEART [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon