Chapter 34

138K 8.1K 2.3K
                                    

Chapter 34

Bersyon

Mariing magkadaop ang mga kamay namin ni Dastan na kapwa nakatuon ang mga mata sa lotus na kasalukuyang lumulutang, ang tubig na nagmumula rito ay patuloy na umaagos dahilan kung bakit mas tumataas na ang tubig.

Nang sandaling dapat ay gagamitin kong muli ang aking kapangyarihan at mag-angat ng mga kamay, tila may kung anong klase ng enerhiya ang tumama sa akin dahilan kung bakit ako nanghina at natumba.

Bumigay ang mga tuhod ko at agad akong nasambot ni Dastan. Naalarma ang magkakapatid ng Gazellian sa biglaan kong pagbagsak.

"S-saan galing ang atake?!"

"Shit! Nalampasan tayo?"

"Didn't see it coming."

Sunod-sunod na boses ng mga Gazellian ang narinig ko ngunit mas namayani ang nangangambang tinig ni Dastan habang nakayakap ang mga braso sa akin para suportahan ako.

"L-leticia..."

Napahawak ako sa aking naninikip na dibdib, hindi ako makahinga kasabay nang panlalabo ng aking mga mata. Agad akong ginapangan ng kaba, ano itong nararamdaman ko?

Wala akong naramdamang pag-atake mula sa kahit sinong diyosa, ngunit ano itong nararanasan ko? Ito ay manggagaling lang sa isang mahika.

"L-leticia..." rinig ko ang matinding pangamba sa boses ng hari ng Sartorias. Sinubukan niyang gisingin ang diwa ko habang patuloy sa pagtawag sa pangalan ko, maging ang mga kapatid niya'y nagkaroon ng takot sa kanilang presensiya dahil sa nangyayari sa aking katawan.

Ngunit hindi ko ito maipaliwanag, ngayon lamang ako nakaramdam ng ganito. Sobrang sikit ng dibdib ko na tila nais nitong sumabog, ang init, sakit at sa bawat pagbuka ng bibig ko para gumagap ng hangin tila mas lalo akong nanghihina.

"D-dastan... tulu—" sinubukan kong abutin ang kanyang mukha ngunit mas namayani ang kadiliman sa aking mga mata.

**

Patuloy sa paglalakad sa unahan ng silid aralan ang isang bampirang maestro habang hawak ang kanyang aklat. Tanging mga yabag nito, ang paglipat ng bawat pahina ng aklat at ang paminsang paghaplos ng hangin sa itim na kurtina ang naririnig sa loob ng silid.

"Our world was once called as Nemetio Spiran, consisted by seven empires with great kingdoms and ruled by different creatures equally. These empires are, Parsua, Lodoss, Mudelior, Interalias, Halla, Jedalya and Gosos."

Tumigil saglit ang maestro sa pagbabasa para sulyapan ang kanyang mga estudyante bago ito nagpatuloy.

"Ruled by different creatures means we were once lived with mermaids, werewolves, fairies, nymphs, dwarves, enchantresses, witches and other creatures as equals. Isa lang ang ibig sabihin nito, ang mga uri natin noon pa man ay marunong makibagay. Our kind never destroy, instead we build and diversified without stepping on other creatures."

Sumang-ayon ang mga mag-aaral na bampira sa kanilang maestro. Ngunit agad nagsalubong ang aking mga kilay habang tumatagal ang kanyang pagsasalita, bilang diyosa na may nalalaman sa totoong nangyari sa nakaraan, tila isang pasakit hayaan para sa aking sarili ang marinig ang kwentong malayo sa katotohanan.

"Our kind from the very beginning valued peace and harmony with other creatures. Isa sa bagay na hinangaan ko sa haring ipakikilala ko sa inyong lahat." Inilipat ng maestro ang pahina ng kanyang aklat at iniharap niya ito sa kanyang klase.

Isang larawan ng kilalang bampira sa buong kasaysayan ng Nemetio Spiran, ang pagkakaguhit ng kanyang mukha ay tila isang obra maestrang gawa ng isang bihasang mangguguhit dahil tila buhay ang kanyang larawan na nakalapat lamang sa isang manipis na papel.

Moonlight Blade (Gazellian Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon