Summer Song ft. GeeVee

46 1 0
                                    

Wala talaga sa hinagap ko na ipost to. haha.

Nakita ko lang to sa notes ko sa FB and malayo din ang title sa mismong story.

So I just hope na matuwa kayo. haha xD

This is for the QUISUMBING! :))

*******

Pitong taon rin ang nakalipas nang huling magkasama-sama ang isa sa mga grupong nabibilang sa Quisumbing (Section po namin ito nung high school). Kahit hindi sila masyadong nagkakasama ay hindi pa rin matatawaran ang closeness nila tulad noong high school. Marami nang nangyari sa nakalipas na pitong taon at lahat sila ay matagumpay na sa kani-kanilang propesyon.

Summer vacation nang muli clang magkita-kita at dahil tag-init ay naisipan nilang mag-outing para magrelax.

"Na-miss ko kayong lahat. Ang dami nang nagbago. Biruin mo may teacher na sa grupo ntin. Meron pang nurse, business woman at iba pang propesyon", pasimula ni Robin na kasalukuyang kumakain ng fries.

"0o nga. Yumayaman na nga yung iba stin, e. Di manlang manlibre", biro ni Angelica na nakatingin kay Rozelle.

"Oh, ano? Bakit sakin kayo nkatingin? 'Di aq mayaman 'no!", nakangiting sagot ni Rozelle. Ngunit parang nilamukos na papel ang muka.

Nagkatawanan ang lahat dahil sa itsura ng muka ni Rozelle. Talagang na-miss nila ang klase ng tawanang pinapakawalan nila. Ang tipo ng tawang parang sila lang ang nagtataglay. Ang tawang animo'y wala ng bukas.

"Saan tayo ngayon mag-a-outing? Kung sakaling matuloy tayo?", basag ni Nj sa tawanang nakakaagaw na ng atensyon ng mga tao sa McDonald's.

Hindi pa rin mapigilan ni Kathleen ang pagtawa nang sumagot siya, "0o nga. Saan nga ba maganda?"

"Magbeach tayo mga 'dre", anyaya nmn ni Rian.

"Masaya 'yan! Sa'ng beach tayo?", excited na sabi ni Matt.

"Tarang Subic o kaya Boracay! Para maraming chickas", wika ni Arbee na sumisipol-sipol pa.

"Nako! Alam ko na nasa isip n'yan A.ng L mo talaga", pang-aalaska naman ni Kathleen.

"Yaan mo siya. Di naman tayo dun pupunta. Masyadong matao don, di tau mkakapagrelax", sagot naman ni Joyce."Mas maganda kung wag na sa beach", dugtong pa niya.

"E saan kapatid?", tanong nmn ni Nj.

Matagal na nag-isip ang lahat. Ubos na ang pagkain nila ay hnd pa rin nila napagdedesisyonan kung saan sila pupunta para sa bakasyong gugugulin nila.

"Tara na lng sa Bataan!.May dagat din nmn don. Hindi na tayo gagastos para sa Hotel", si EdEm ang bumasag ng katahimikan.

"Magandang ideya yan. Ano sa tingin nyo?" segunda ni Ara.

"0h,'di tara. Makakatipid tayo. Pagkain at transportasyon na lng ang poproblemahin natin", pagsang-ayon ni Rozelle.

"Hindi na problema ung pagkain!" may pagmamayabang na sabi ni Arbee.

"Bakit? Sagot mo ba?", sagot nmn ni Kathleen.

"Hindi.Si Rozelle", natatawa namang sagot ni Arbee. Pati ang iba ay natawa na din.

"In your dreams!", pagsusungit ni Rozelle .

"Napakakuripot mo talaga. Pagkain lang naman e. Kung ako ganyang mayaman, hnd lng pagkain sasagutin ko, pati pocket money nyo pa", natatawang wika ni Nj.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Summer Song ft. GeeVeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon