Two: TIMY

3 0 0
                                    

Pagka tapos ko maligo ay nag bihis ako ng shorts at at white shirt na medyo maluwang saakin. I looked at myself on the mirror. Then I saw the scar on my forehead. Sa unang tingin ay hindi iyon gaanong kita ngunit kung pag mamasdan itong mabuti ay makikita ang bakas na nangyari taon na ang nakalipas.

Mapupungay na brown eyes, makakapal na kilay, matangos na ilong, mapupulang pisngi, at mapupulang mga labi.

Nasa isang skwelahan ako nakaupo sa ilalam ng puno habang nag gigitara. Masaya akong kinakalabit ang aking gitara habang kumakanta.

Nakita ko si Marifer na papalapit saakin kung kaya't binitawan ko muna ang pag kalabit sa gitara. Sinalubong nya ako ng kanyang mahigipit na yakap. Kaibigan na walang sawang iparamdan saakin kung gaano ako kahalaga sa kanya.

"Nag gigitara kana naman dyan." Bungad na sabi nya saakin.

"Alam mo naman na ito ang hilig kong gawin. Tsaka alam mo naman na hilig nya akong titigan kapag ginigitara ko ang tugtog na paboritong paborito nya." Sagot ko sa kanya.

Tumili sya na animo'y kinikilig sa aking sinabi. Bumalik ako sa aking pwesto at tumabi sya saakin. Maya Maya pa ay may nakita akong Lalaking palapit saamin, ngunit malabo. Sobrang labo na makita ko kung sino ang Lalaking iyon.

Napa hawak ako sa aking ulo. Napaka sakit nito pinilit kong alalahanin kung sino ang Lalaki na iyon. Ngunit sa ginawa ko ay mas lalo lamang sumakit ang aking ulo. Parang pinupukpok ng martiylo sa sakit.

Pumunta ako sa cabinet Para kuhanin ang gamot sa tuwing mangyayari ito saakin. Nanginginig ang aking kamay habang binubuksan ang gamot na hawak. Nang makakuha na ay dali ko itong ininom na mabuti na lamang ay may isang basong inumin sa ibabaw ng maliit na cabinet na ito.

Nang mahimas masan ay naupo ako sa sahig at lumanghap ng hangin.

Five years. Five years ng paulit ulit na iyon ang nakikita ko. Hanggang ngayon ay hindi ko padin maalala kung sino ang Lalaki sa nakaraan ko. Inilingan ko na lamang iyon at baka sumakit na naman ulit ang aking ulo.

Tumayo na ako at nag linis ng aming pinag kainan. Para hindi na muling maisip iyon ay nilinis ko ang Buong condo ko sa kasuluk sulukan.

Patihaya akong naupo sa couch at pinunasan ang pawis gamit ang towel na isinabit ko dito kanina.

Nasa ganong posisyon ako ng tumunog ang aking cellphone. Pag tingin ko ay tawag mula kay Mommy.

"Galing ba dyan saiyo si Atherine kanina?" Bungad saakin ni Mommy pag ka sagot ko ng tawag.

"Uhm, yeah. She also told me to call you but I forgot. Pumunta kasi dito ang mga kaibigan ko, I'm sorry Mom." Paliwanag ko. Habang hinihilot ko ang sentido sa biglaang pag kirot nito.

"It's okay, I understand. How are you Jouszella? Hindi kana nagagawi dito." Pangangamusta nya at saka ako tumayo papunta sa cabinet na maliit at kinuha iyong baso diretso sa ref sa dining at uminom.

"I'm okay Mom. I'm sorry po busy lang talaga ako sa Hotel Mom kaya hindi ako gaanong nakaka bisita. Don't worry Mom, I'll check my sched later to make a visit there if maluwag ang sched ko." I opened the speaker of my phone at isinandal iyon sa Pader. Hinugasan ko ang baso na ginamit kanina at saka ito nilagay sa tamang lalagyan.

"Hindi ka naman ba nahihirapan sa Trabaho mo?"

"Hindi naman po. Kaya ko naman tsaka napag aralan ko naman na iyon.

"Eh, iyong ulo mo sumasakit paba? Yung mga vitamins mo meron paba? Anak, wag ka masyadong mag papagod huh?" Sa tono pa lang boses ng aking Ina ay ramdam ko kung gaano nya talaga ako ka Mahal.

Till I Met You(SECOND CHANCE SERIES:2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon