"Mayroon akong nabalitan. Sa isang silid-aralan malapit sa Dentention Room, mayroon daw isang babaeng nagpakamatay at dahil daw sa boyfriend niya. Grabe noh? Sasayangin mo ang buhay mo para sa isang lalaki lang. Tsk tsk ."
Isang gabi, JS Prom namin yon sobrang saya nga eh. Party-party, inuman at kung anu-ano pa. Natapos na yung program noon, eh sobrang ihing-ihi na ako kaya nagpasama ako sa kaibigan kong si Marie eh kaso andiyan na daw yung sundo niya kaya mauuna na daw siya.
Naglalakad tuloy ako mag-isa papunta sa Comfort Room. Sa School lang kasi ginanap yung JS Prom namin alam mo na, walang budget. Sa Victory Hall (Third Floor) ginanap eh sobrang dami ng nakapila kaya bumaba nalang ako sa Second Floor kung saan wala ni-isang nagc-cr.
Sakto nandoon yung kakilala kong janitor si Mang Celso, kaya kinausap ko siya bigla. "Mang Celso, pakisamahan naman ako sa cr oh? Natatakot kasi ako baka may biglang lumabas. Hihi."
"Ay nako Janice, pasensya na at di kita masasamahan. Naglilinis pa kasi ako at nagmamadali din ako kasi birthday ng anak ko. Dito nalang ako sa labas."
"Eh, Mang Celso. Natatakot po kasi ako, alam niyo naman po yung bali-balita."
Humingi ulit siya ng pasensya at umo-o naman ako. Nasa tapat kasi siya ng Boy's CR after noon ay may isang classroom bago yung Girl's CR.
Nalalakad na ako papuntang girl's cr ng maalala ko na yung kwarto pala na yon yung Grade 7B- Crystal na Room. Kung saan may bali-balita na may nagmumulto nga daw.
Nilaksan ko nalang yung loob ko dahil konting kembot nalang anytime pwedeng sumabog ang pantog ko at sinabayan pa to ng pagkatakot ko.
Di pa ako nakakalagpas ay nagsitayuan na ang mga balahibo ko at halos mapatigil ako sa aking narinig. Ungol at hikbi ng isang babaeng umiiyak.
Ayan na siya.
Humihingi nanaman siya ng tulong.
Hindi ko na ininda yung pagkatakot ko basta makaihi lang ako.
Habang nararamdaman ko na ang masayang pakiramdam dahil ihing-ihi na nga ako ay may nakita naman akong anino na pumasok sa CR. Nakapaa lamang siya at mahaba ang suot.
Lumipas ang ilang minuto ay pumasok na siya sa isang cubicle malapit sa cubicle ko.
Shit... Shit..
May nakita akong umaagos na dugo galing cubicle niya papunta sa cubicle ko.
"Bakit di mo ko binigyan ng oras para tulungan? Bakit hinayaan mo kong mamatay? Di mo ba narinig ang mga iyak ko?!"
Nagflush na ako at dali-daling lumabas sa cubicle ko at sa hindi inaasahan.......
Nakita ko siya.
"Ano bang kailangan mo sakin?!" pasigaw kong sabi sa kanya habang bakas sa boses ko ang pagkatakot.
Iba ang itsura niya. Puro dugo at sugat kaya di mo na siya makikilala.
Tumakbo ako palabas ng CR. Gustuhin ko mang tumakbo ng mabilis ay hindi ko magagawa dahil
"HINDI MO BA TALAGA ALAM ANG GUSTO KO?!!!"
Hinila niya ako papasok sa classroom at sinimulan na niya akong saktan. Kumuha ako ng kahit na anong bagay na maaring ipanangga. Bangko, libro, lapis, at maging ang lamesa ngunit hindi padin siya nagpadaig. Sa lahat ng estudyante sa paaralang ito, ako lang ata ang minulto at sinugod niya.
"ANO BA TALAGANG KAILANGAN MO SAKIN?!" Sigaw ko sa kanya.
"HINDI MO BA TALAGA AKO KILALA? AKALA KO KAIBIGAN KITA!! "
Tumakbo ako palabas ng silid-aralan at sakto nakita ko si Marie na pababa ng hagdanan.
Dali-dali ko siyang hinatak palabas ng school.
"Marie, akala ko umuwi ka na? Di ka maniniwala sa nangyari sakin. Ginulo ako ng multo sa Crystal Room. Eto pa nga yung sugat niya sakin oh. Nakakatakot talaga." kwento ko sa kanya ngunit wala siyang sagot.
Patuloy parin kami sa pagtakbo. Pumunta kami sa kabilang kanto mula sa School namin para mag-abang ng taxi.
"Janice."
"Oh bakit? Okay ka lang ba? Masama ba pakiramdam mo?"
Hinawakan niya ako ng mahigpit na mahigpit kaya inalalayan ko siya.
"Inutil."
"Huy Marie? Okay ka lang ba?"
Mas lalong humigpit ang hawak niya sakin.
"Kamuka ko ba talaga si Marie HA JANICE!"
"Wag ka namang magbiro ng ganyan hahaha. Alam mo namang takot na takot na ako kanina diba? Wag mo namang dagdagan."
"Inutil ka talaga Janice. *higpit na hawak* inahas mo ang boyfriend ko."
Pagkalipas ng ilang buwan kong Coma ay ikinuwento sa akin ang lahat. Nakita na lamang daw akong nakahandusay sa tapat ng classroom. Dinala ako ng mga magulang ko sa ibang bansa upang makalimot at wala na daw silang balak na dalhin ako ulit sa Pilipinas dahil sa nangyari. Pero bakit ako? Bakit hindi ang kapatid ko?