Chapter 1 : SWERTE O MALAS?
Ako si Eunice Ann Gonzales, Eunice for short. Hehe.. 3rd yr high school ako at nag aaral sa St.Jude HS. Syempre madaming friends na makikilala dun sa school kaya super excited na talaga ako pumasok. 7 palang gising na ako at pagtapos ng breakfast, eh ayun! alis na agad. Si mama kasi medyo busy kaya di na kami nagkakasabay kumain. At ang papa ko? hmm.. wala na sya nung 3 yrs old pa ako. Kaya eto naghahanap nang tatawaging papa. ( teka, PAPA = tatay! baka isipin nyo eh Papa = lover hihi ;p )
First day sa school. Ang daming mayayaman. Nabigla ako dahil ang daming may kotse. Motor lang kasi ang ginagamit ko. Pero sanay na naman sa motor ko. No need ng kotse at ng kung anu anu pa. Palingon-lingon ako, kasi ba naman sa laki nitong school na to eh mahahanap ko pa kaya ang room ko? Nagtanung-tanung ako kung kani-kanino. Naku! Ang tataray at ang yayabang. Ganito ba ang mga richkid dito? Pumunta ako kung saan saan hindi ko namamalayan.. napalingon ako sa left side ko at nakita ang....
Eunice : "WAAAAAAAAAAH" sumigaw at tinakpan ko ang mata ko sa aking nakita..
Migs: Huuuy!!! BASTOS KA BA!!!!! Anu bang tinitingin tingin mo jan?
Eunice: TSSS! eh pano naman kasi nagCR kapa bukas naman ang pinto,*eh kng d ka naman shongak...
* <-- means nagsasalita ng pabulong..
Migs: Nu pa binubulong mu jan? Tss.. Kala mo di ko narinig, Dun ka na nga! Ngayon ka lang ba nakakita nito, OH gus2 mo pa ba makita!??!!
Eunice: *ang yabang. away ata gs2 nito huh.) Hoy! Lalaking Palaka! Kahit ipakita mo yan, WALA ako makikita jan noh! Hahahaha!
Migs: Aba! humanda ka sakin. [kumuha ng timba at tubig at bubuhusan si Eunice]
Eunice: Nyaaaay! Pikon Pikon Pikon. Lalaking Walang TOOOT=)) Hahahaha.
Sabay takbo na ako! Haha. Kahit ganun eh, ang sarap niyang inisin. Kahit sa pagtakbo ko lagi ko siya inaasar. Nakakatuwa, may mga mayayaman palang ang gaslaw kumilos at loko loko magsalita. Sana naman no, hindi ko na sya makita ulit. At baka masipa ko pa siya sa mukha. TIKTOKTIKTOK* AMP! hindi ko namalayan ang oras, malalate na pala ako. Peste kasi yung lalakeng palaka na yun. Nasayang tuloy ang oras ko. Naku, kelangan ko na talagang hanapin ang klase ko. TSK* 1st day? Eh, malalate ako. Anu ba yan?! Sa paglalakad ko eh may nakasalubong ako. ..........
Parang huminto ang oras nung nakita ko yung lalaking lagi nakayuko at nakasuot ng jacket. ?Nung tinitigan ko siya, hindi ko napansin na tumingin na pala sya sa akin. Totoo ba ito o panaginip lang, Hay Eunice,Eunice! Nananaginip nanaman ng gising. Kasi ba naman, makakita ka ba naman ng super sa Gwapo e di ka ba naman matutulala. Napangiti na lang ako. At pagkita ko nanaman eh nasa harap ko ang Man of my dreams.
Chris: Ahh.. Miss?
Eunice: *woo, ang swerte swerte ko naman:) Yeah bakit?
Chris: Kasi napapansin ko lang, eh, parang kanina ka pa pabalik balik? D mo ba mahanap ang klase mo?
Eunice: ah, oo eh. kanina pa nga. saka bago lang din kasi ako dito eh,...
Chris: kaya pala, teka anu ba number ng room mo?
Eunice: 11..
Chris: Oh? same pala tayo ng room.
Eunice: talaga, mabuti naman kng gnun.. *kilig*
Chris: Sige, tara! Sabay na tayo.
Eunice: Ok:)
Hayyyy! Sa puntong iyun eh, parang malalaglag ang puso ko. Klasmate ko pa sya, Napakaswerte ko naman oh! Pero pinagtataka ko lang bakit ang dami daming nakatingin samin tuwing naglalakad kami? Bakit kaya? Siguro naiinsecure sila sa akin kaya ganun. Dahil kasabay ko ang Hearthrob ng School na itech! Hahaha. Joke. Ayun! Nahanap na din ang room, salamat naman. Kahit ba naman sa pagpasok sa room eh, nakatingin sila sa akin. Tsk tsk.
Aya: Gurl!
Lumingon lingon ako at parang may tumatawag sa akin..
Eunice: Huh? Ako ba?
Aya: oo ikaw nga..
Eunice: .......
Aya: Lika dito, may tatanung lang ako sayu.
Eunice: ah, o sige. anu ba yun?
Aya: Hmmm, kilalang kilala mo na ba si Chris?
Eunice: Chris??? sinu yun?
Aya: ung kasabay mo pagpasok..
Eunice: Ah, hndi pa eh bakit?
Aya: Ahhh.. wala lang. Sige, salamat!
Napaisip ako, at may itatanung din ako sa kanya.
Eunice: teka lang..
Aya: Bakit?
Eunice: Bakit nung kasabay ko siya, bakt ang dami nakatingin???
Aya: Hahaha. Yun ba? Lam mo kasi Gurl, Hearthrob yan d2 sa School na to. Lahat pinapangarap siya maging bf. AS IN! kaso, kahit ata magpapansin sa kanya lahat ng babae dito, eh di niya mapansin pansin.
Eunice: Talaga?
Aya: Oo, kaya nga ganun na lang ang tingin ng mga insecure jan sa tabi tabi, dahil wala pang nakakasabay na babae yun. IKAW palang.
Eunice: OHhh?? Ako lang talaga?
Aya: Oo nu, kaya swerte mo.
Eunice: Eh, Wala ba syang gf dito?
Aya: Gf ba? Yun ang hindi ko alam.. ? So, ano ok na ba. Sige ha.. May gagawin pa kasi ako.
Eunice: Sige salamat ha.
............
End na ng klase, Papauwi na ako. Grabe yung shinare sa akin ni Aya. Ako pa lang pala ang nakakasabay nung Chris. biggrin.gif Kaya napapangiti na lang ako tuwing naiisip ko yun. Super cool guy kasi sya then, ang dami namang pretty girls dito, eh wala syang natitipuhan. Papauwi na ako. Medyo magdidilim na din kasi, bawal malate. Kukuhanin ko na sana ang motor ko, kaso pagkita ko WALA?! hinanap ko kung saan saan, kaso hindi ko talaga makita. Hanggang nakita ko nanaman ang Lalakeng palaka.
Migs: Ikaw nanaman, Ba yan. Panget na nga araw ko, panget pa nakasalubong ko. >_<
Eunice: Kesa naman sayo? Pumangit na araw ko, Tabi nga jan. May hinahanap ako eh.
Migs: Eh kung ayoko?
Eunice: Kulit mo ha! Lalakeng palakang to! Tabi na jan, gagabihin pa ako oh! bilis!
Migs: Anu ba kase hinahanap mo, yung motor mong bulok. [napangisi]
Eunice: Ungas ka ba, o sadyang pinanganak kang kulang kulang, tss. di ako magtataka sayo bat ganyan ichura mo e..
Migs: Tss. Ayos ah! Hay ewan ko sayo... Bahala ka na jan, Lam mo ba.. madaming mamaw na kumakalat dito, sige.. babay Miss!
Mejo kinabahan ako dun ha? Mamaw. Weee! Tsk, kaso kelangan ko tlga hanapin motor ko kung hndi eh, lagot ako nito....
Chris: Uy..
Bigla ako napatingin, at si Chris agad ang bumungaw sa akin. Napakaway sya sakin gnun dn ako sa kanya...
Eunie: Hi!
WAAAA. pahiya ako. hindi pala ako yung kinawayan ni Chris, si Lalaking palaka pala, Hmp! Magkakilala pala sila, Tsk,. Cool guy at ah.. Mayabang?
Chris: Magkakilala pala kayo?
Eunice: Ah kame.. actually hin--
Migs: oo, magkakilala kami nian pare. Tinutulungan ko nga sya hanapin yung motor niang bu--
[kabum! sinapak ko sa tummy]
Chris: Haha, kakatuwa pala kayo?? Motor mo? Bukas mo nalang hanapin, tara sabay ka na lang samin..
Eunice: Huh? Wag na nakakahiya naman. *pero sige,basta ikaw:)*
Migs: Hahaha, may hiya ka papala..
Tumitig si Chris kay Migs na parang ewan. At hinawakan niya ang kamay ko. Sweet ha!
Chris: Wag ka na mahiya, klassmate naman tayo eh. Tara..
Wala na ako magawa kundi pumayag. Peste kasi yung motor na yun. Haaay! ang malas malas ko pa nung makilala ko pa tong Lalakeng palaka,...>_< Pero swerte naman at nakilala ko si Cool guy! este Chris....
BINABASA MO ANG
A Crazy love story
RomanceChapter 1 : SWERTE O MALAS? Ako si Eunice Ann Gonzales, Eunice for short. Hehe.. 3rd yr high school ako at nag aaral sa St.Jude HS. Syempre madaming friends na makikilala dun sa school kaya super excited na talaga ako pumasok. 7 palang gising na ako...