Teaser

130 1 2
                                    

PBA Series II
The Wrong Move


"Keith! Please kumalma ka naman!."

"Hindi."

"Nakakahiya sa mga tao." hila nito sa akin.

Hinarap ko ito.

"Hayaan mo sila! Hindi naman sila ang pinunta natin dito eh." huminga ako ng malalim.

"Saan na yung gagong lalaki?." lumabi naman siya at tinuro ang isang table.

Nagliliyab ang mga mata kong tinungo ang mesa at walang sabi sabing sinaboy sa lalaki ang laman ng wine glass na nasa mesa nila.

Napasinghap naman ang ka-date nito. Pero hindi ko ito pinansin.

Napangisi ako sa satisfaction ng makitang basang basa ang buhok nito. Hindi ko pa nasisilip ang mukha nito, marahil ay nahiya na at dala na rin ng gulat.

"Tarantado ka! May girlfriend ka pala pero nilandi mo pa tong kaibigan ko. Kayo talagang mga lalaki hindi man lang makontento sa isang babae!." sinundot ko ito sa balikat.

"O ano? Bakit di mo akong magawang harapin huh? Ang galing-galing maglandi, duwag naman pala! Harapin mo ako sabi! Ngayon ka pa--."

Bumulong si Sheena sa likod ko.

"Hindi siya si E-eric."

Nilingon ko ito.

Nanginginig pang tinuro ng mga daliri niya ang isa pang table sa bandang likod.

"A-andoon sila sa dulo. Mali yung nalapitan mo. Sabi sayo kase makinig ka muna!." maktol nito.

Saka ko lang din napansin ang mga nakikislapang flash ng camera sa loob mismo ng resto kung nasaan kami. Napapalibutan din kami ng mga tao na parang nanonood lang ng shooting ng isnag pelikula.

Slow-mo kong nilingon ang lalaki.

Mula sa pagkakayuko ay marahas nitong pinasadahan ng mga daliri nito ang buhok nitong basa ng wine.

Nagliliyab ang mga mata nito...

Nagtagis ang mga bagang nito..

Salubong ang makakapal na kilay.

"You. Are. So. Dead. Woman!."

Nalunok ko dila ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PBA Series II: The Wrong MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon