Chapter 1: Bibingka

40 0 0
                                    

"Klang..klang...klang.

Hudyat na malapit ng magsimula ang misa. Ito na din ang nagsilbing alarm clock ni  Faith..

Ngunit may mas maaga sa inaasahan...

"Bianca, Bianca wake up! Bilisan mo male-late tayo nyan sa simbang gabi. D ka kase nag-aalarm eh... pang-gagambala ni Faith kay Bianca..

"Nag-alarm kaya ako...Nauuna ka lang sa tunog.. Pwede ba Faith ang laki-laku ng simbahan may mauupuan ka doon noh.." iritable kong sagot sa kanya..

"Iba pa din ang maaga noh! Para sa unahan tayo maka-upo.. "

"If I know...naaamoy mo lang ang bibingka ni Aleng Etchie..." namilog naman ang mata ng magkaibigan sa pag-imagine ng special bibingka ni Aleng Etchie.

" O ayan bihis na ako.. Halika na para makapag-pareserve ka na at ng dika maubusan.. hirit naman ni Bianca kay Faith.

Ilang minuto lang ay narating na nila ang simbahan at gaya ng inaasahan maingay ang tunog ng kampana nito na nag-iimbita sa maraming tao at naamoy na din sa simoy ng hangin ang manamis-namis na bibingka ni Aleng Etchie.

Halos hatakin naman ako ni Faith upang makapunta sa tindahan ni AleNg Etchie para magpareserve pero dahil sa dami ng tao nabitawan niya ako. Naramdaman kong may nakaumbok na lupa at ako ay natalisod....

"aaaahh...nakapikit kong hinihintay ang aking pagdapa pero naramdaman kong unti-unti na may nagtatayo sa akin at alam kong hindi ito natuloy dahil naagapan niya ito..

"Of all people nga naman oh! Bakit ikaw pa ang nakasalo sa akin sana hinayaan mo na lang ako madapa..

"Eto naman siya na nga tinulungan siya pa galit...

MISA DE GALLOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon