Iyak ng iyak ng mga oras na iyon si King dahil sa paghihiwalay nila ng kanyang 2 year boyfriend na si Niko. Nakipag hiwalay sa kanya si Niko sa di malamang dahilan. Ilang beses na nitong tinanong si Niko ngunit walang ibang lumalabas sa bibig nito kundi ang paghikbi. Nang dahil din yun, naisipang ni King mag file ng vacation leave for a month para makalimutan ang masalimoot na pangyayari sa relasyon nila ni Niko.
Naisipang mag out of town ni King ngunit dahil sa nangyari kailangan niya kumuha sa isang agency ng personal driver upang ipag drive siya.
Maagang dumating ang ni recommend na driver ng agency sa bahay ni King. (Door bell rings) Agad na lumabas si King sa kanyang bahay upang pagbuksan ang magiging driver niya sa kanyang 1 week out of town vacation. Pagkabukas ng gate agad bumati ang driver na dala dala ang kanyang backpack kay King. "Good morning sir" ayon sa driver. "Good morning din, halika pasok ka muna" sagot ni King. Pagpasok pa lang nila ng bahay agad na napa "wow!" ang driver sa laki nito. "Upo ka muna" sabi ni King at tumuloy tuloy na ito sa kusina upang ipagtimpla ng juice ang driver. Habang papaupo ng sofa ang driver tumingin tingin siya sa paligid ng bahay at napansin niya dito na si King lang ang gumagala at wala ng iba. Papalapit na si King dala ang juice na para sa driver ng magsalita itong "Sir, nag abala pa kayo... Ito po pala ang requirements at papeles na nagpapatunay na ako ang magiging driver niyo." Tinanggap naman ito ni King habang nakipagpalitan siya ng dala. Sa nakita ni King sa picture ng driver, napapansin nito ang maamong mukha kaya naman tiningnan niya ito agad agad. "Napaka amo naman ng iyong mukha, driver ka ba talaga?" tanong nito. "Yes sir. Ako nga po pala si Paul, Paul Yuzon" sagot nito. "Ako naman si King, King Barrameda" pagpapakilala naman niya. "Ahm, Paul... Pwede wag mo nalang ako tawaging sir kase di naman yata nagkakalayo ang edad natin. Nakakatanda kase pakinggan, King nalang ang itawag mo" pahabol naman nito. "Okay po sir este King" sagot agad ni Paul. Walang ano ano ay sinabi na ni King kung saan sila pupunta. "Sa rest house ko sa Oslob, Cebu ang destination natin Paul. So tara na?" sabi ni King. At agad naman tumayo si Paul upang hingin kay King ang susi ng sasakyan. "Sir este King, ang susi... Ahhhmm andyan na ba lahat ng gamit mo?" tanong ni Paul. "Heto...Oo, nailagay ko na kanina" sagot ni King. Sumakay agad si Paul sa sasakyan upang ito ay ilabas ng gate habang si King naman ay sinisiguradong naka lock ang pinto ng bahay. Ni lock narin nito ang gate at sumakay.
Habang nasa biyahe sila...