Prologue
"Laro na lang tayo. Kiss, marry, kill." ani ni Dylan na kararating lamang.
"Oi, sali ako!" sumingit si AC at saka tumabi sa amin.
"Game!"
"Start kay Dylan. Kiss, marry, kill?" sambit ko habang nagaayos ako ng bag.
"Sino?"
"Angeline, Zhei, Suzette?" tanong ni Paulo na nakaupo sa desk.
"Waliya!" natatawang singhal nito sa amin. "Hindi ko na pagsusunod-sunurin, ah. Kill Angeline, kiss Suzette, marry Shei." pailing-iling niyang sambit.
Naghiyawan naman agad ang mga kaklase ko na kasama sa laro. Natatawa na lang ako habang naglalapag ng bag sa upuan.
Napuno ang silid ng tawanan at asaran namin dahil sa laro. It was about to be my turn when someone interrupted.
"May naghahanap po kay Makayla." napalingon kaming lahat sa may pintuan bago ako tumayo.
"Kayo na lang muna. Labas lang muna ako." paalam ko sakanila. Tinanguan lamang nila ako kaya't naglakad na ako palabas. Ngunit nang mapansin ko ang taong naghahanap daw sa akin ay agad na nag-init ang buong mukha ko. Shems! Panaginip ba 'to o ano? Ghad!
I tried to compose myself before speaking, pero naunahan niya na ako sa pagsasalita.
"Makayla." I suddenly moved and walked towards him.
"H-huh? Ah, si Yeng ba? Wait hahanapin ko, wala kasi sa room e-eh." hindi ako mapakali kaya natataranta ako habang nagsasalita. Pero napansin ko ang mga kaibigan niya na pailing-iling lang habang natatawang nakatingin sa amin---sa akin pala eksakto.
Hinarap ko siya at akmang tatalikod na ako nang magsalita siya ulit.
"Ikaw talaga ang pakay ko rito." ano daw? Ako raw? Shems!
"A-ako? As in ako? H-huh? Bakit, may kailangan ka bang hiramin? Ano?" natataranta kong tanong.
Napansin ko ang pagbuntong hininga niya. Bumaling siya ng tingin sa kaliwa bago sa mga kaibigan niya at saka siya muling tumingin sa akin. URGH! Here comes my heart again, napakabilis nang pagtibok nito na animo'y nakikipaghabulan.
"Meron." mas bumilis ang tibok ng puso ko. Kaunti na lamang ay baka atakihin na ako rito, pero siyempre charot lang. Nakakahiya kay crush kung sa harapan niya ako hihimatayin. Pero sabagay, ok na din. Baka saluhin ako, hihi!
"Ano 'yun? Baka may dala ako, ipapahiram ko sayo." sagot ko na may halong pagpipigil ng hininga.
He stayed silent for a second and just stared at me. Halos mawala ako sa aking sarili dahil sa paraan ng kaniyang pagtitig. Ang gwapo niya pala talaga kahit sa malapitan. This is the first time na kinausap niya ako sa personal ng ganito kaya sobrang saya ko. Wala na ngang mapaglagyan ang sayang nadarama ko sa mga oras na ito eh, sa totoo lang.
I was hit back to reality when he stepped forward.
"Ja--- I mean, kuya Jace..."
"Ipapahiram? Temporary lang? Ayoko no'n, gusto ko akin na talaga." ano raw? Anak ng tupa. Edi bumili siya. Hmp!
"Bili ka." pambabara ko sakaniya. Biglang nagtawanan ang mga kaibigan niya kaya't napangisi ako nang makita ko ang reaksyon ni Jace.
But my laugh became softer and almost stopped when he said something.
"Magkano ka ba? Ikaw 'yong kailangan ko, eh. Pano ba 'yan?" he went down para magpantay ang mukha namin. Believe me, halos maduling na ako sa paraan ng pagtitig niya, idagdag mo pa na ang lapit ng mukha niya sa akin.
"Jace..."
"I want you to be mine, Makayla."
And his words left my heart beats faster than before.
"Makayla!!! Gising na!" agad akong napamulat nang sigawan ako direkta sa tainga ni Janella. Akala ko totoo na, eh. Panaginip lang pala, takte naman!
"Kailangan mong sumigaw?" nakangiwi kong tanong.
"Sarreh." she just grinned.
Whatever!
---------dela cruz x cy series--------
BINABASA MO ANG
Until He Fell
RandomIsang simpleng babae lang naman si Makayla na nagaaral sa pribadong paaralan. Ngunit hindi niya inaasahang mahuhulog na lamang ang loob niya sa pinsan ng kaniyang matalik na kaibigan. Noon ay nilalampas-lampasan niya lamang ito, ngunit dumating sa p...