Ang Pagtanggap kay Jesus

87 0 0
                                    

Sinulat ko ang storyang ito para ibahagi sa mga readers na may Diyos na handang kumalinga sa kanila at handang ibalik sila sa tamang landas ang mga tauhang mababanggit ay mga pawang kathang isip lamang ng inyong lingkod na manunulat.

  Maraming tao ngayon ang ligaw ang landas marami din sa kanila ay di alam kung papaano             makakaalis sa sitwasyong kinalalagyan nila. Karamihan ay pinili na lamang na manatili na lang sila sa gaanoong buhay pero merong iba na hinahanap ang paraan kung paano makakaalis. Ngunit paano nga ba mapunta sa landas ng katotohanan? Paano nga ba magkaroon ng buhay na matiwasay? yan ang ibabahagi ko sa inyo ngayon dito sa storyang ito kung paano ako inabot ng Panginoon mula sa madilim na mundo patungo sa liwanag at tamang landas.

     Ako nga pala si William uumpisahan ko ang kwento noong high school student ako sa aming probinsiya 2nd yr pa lang ako marami na akong bisyo pag-iinom paninigarilyo pati droga natikman ko na. Madalas pa nga ay nagcutting class pa kami para lang mag-inuman,minsan din nagdadala kami ng sigarilyo sa loob ng eskwelahan di na namin iniisip kung mahuli kami basta magawa lang namin ang bisyo namin. 

   William ano dala mo ba yung paborito natin labas mo na yan tuyong tuyo na labi ko oh sabik na sa sigarilyo to eh " sabi ni Roy isa sa mga kaklase ko at matalik na kaibigan 

Oh ito na tol oh isang kaha nga dala ko ngayon eh alam mo na para di tayo mabitin hanggang uwian na yan. Ano ayos ba ? "  sabay abot ko naman kay Roy ng sigarilyo 


Ayos yan tol maaasahan ka talaga eh kung ganyan ba naman talagang magkakasundo tayo " masayang sabi sakin ni Roy 

  Hanggang sa paglabas namin ay puro kalokohan pa din ang ginagawa namin ni Roy nangungursonada kami kung sino ang trip namin at bubugbugin. Kaya nabansagan kami noon sa eskwelahan na BADBOYS at proud pa kami doon. Halos lahat ng estudyante iwas na samin madalas din na nasa principal's office kami dahil sa mga pinaggagawa namin. Sumasakit na din ang ulo ng nanay ko sakin pero tengang kawali lang ako sa mga sermon niya pero kapag natapos na alis ulit ako para tumambay sa labas. At naging 3rd yr na nga ako pero halos ganon pa din at walang pagbabago halos walang pagbabago at mas lumalala pa ata. Dahil natatandaan ko pa noon na tuwing may exam may dala na akong patalim at pa simpleng tinututukan ang honor student namin para nakapagpakopya ng sagot.


Uy! tol kamusta exam ano makakapasa ba ng 4th yr ha? " tanong sakin ni Roy 


Oo naman ako pa balisong lang naman ang katapat niyang sagot na yan sa exam eh "  pagmamalaki ko naman kay Roy

Ikaw talaga kahit kelan ka Willian di ka nagbago puro kalokohan ka pa din " sabi sakin ni Roy

Habang nag-uusap kami ni Roy eh biglang dumating ang girlfriend ko si Fe .

Hi Babe! " sabay yakap sakin ng mahigpit at may kasama pang halik sa labi 

Oh Babe! ano uwi na ba tayo " tanong ko kay Fe


Sige tol alis na din muna ako susunduin ko pa din gf ko eh alam mo na baka magtampo " biglang singit ni Roy

Sige tol ingat ka ah " sagot ko naman sa kanya at umalis na din kami ni Fe


Babe hatid mo ako sa bahay and dun ka na muna wala naman sila mama at papa dun eh kahit sandali lang inom muna tayo ok lang ba " Aya sakin ni Fe

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ligaw na LandasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon