5 M I N U T E S
written by: Fermaine
Her P.O.V:
"Saalmaaa!"
"Ma, 5 minutes." Inaatok kong sagot sa sigaw ni Mama. Imbes na bumangon, bumaling lang ako sa ibang direksyon at mas lalo pang niyakap ang unan.
"Hoy, babae. Gising na. Kanina pa yang 5 minutes mo." Nagmulat ako ng isang mata.
"Ma naman eh. 5 minutes pa." Pinikit ko ulit ang isa kong mata.
"6:45 na. At sa tingin mo,----"
Hindi na natapos sa pagsasalita si Mama nang automatic akong napabangon. "Whaaat?! 6:45 na!" Napatingin ako sa alarm clock kong walang silbi. Juice ko po! Its 6:48 na. "Ma naman! Bat di niyo ako ginising agad. May exam po ako." Nakatayo na ako at hinanap agad ang towel. Shet! Late na ako.
"Magbreakfast ka muna." Salubong ni Mama nang makalabas ako ng kuwarto matapos kong maligo at magbihis.
"Saka na po, late na po ako." Sagot ko bago patakbong lumabas ng bahay.
Shet!
"Pahamak na 5 minutes na yan! Argh!" Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Naiimagine ko na yung sarili ko pag tinanung ni Sir kung bakit ako late.
'Sir, kasi po hindi ako hinintay ng oras.' WTF! Anong klaseng logic yun! Bilisan mong mag-isip, Salma!
"Manong, para po!" Mabilis na bumaba ako ng jeep. "Ay putcha, 5 minutes na lang malalate na ako!" Dahil sa pagmamadali, nahulog pa yung book kong dala. Mabilis ko yung pinulot nang...
Peeeep! Peeep!
Napalingon ako sa nakakairitang busina. Nanlaki ang mga mata ko nang diretso sa direksyon ko ang paparating na single motorcycle. Napapikit na lamang ako habang hinihintay ang pagbunggo nito.
Vroom! Vroom!
Naramdaman ko ang pagsapol ng katawan ng motorcycle sa akin. And God knows kung anong sumunod na nangyari basta nawalan na ako ng malay.
"Miss, hold on. You can't sleep." Napamulat ako at sumalubong sa akin ang mukha ng lalaki. Shet! Ang yummy! Ang guwapo! Mahigpit ang hawak nito sa kamay ko. Payak pa akong napangiti.
Napapikit ulit ako dahil sa nararamdaman kong kirot. Ito na ba ang katapusan ko. Shetness naman oh! Ni hindi pa ako nagkakaboyfriend. Mamamatay akong walang lovelife. Ang saklap, mas masaklap pa toh sa lovestory nina Romeo and Juliet, Athena at Kenji, Jack and Rose.
"Miss..."
"Ma, 5 minutes." Akmang gagalaw ako nang mapangiwi dahil sa kirot.
"Are you alright?"
Dahan-dahan akong nagmulat sa boses na iyon. Husky. LOL! Boses pa lang, nakakakilig na.
Shetness overload! Nasa langit na ba ako. Isang greek god ang bumungad sa akin. "S-sino ka? Anghel ka ba?"
He smiled. Oh my God! That smile. 5 minutes please. Bigyan niyo ako ng limang minuto para titigan ang greek god na nasa harapan ko.
"No, you're not. Thank God, you're okay." He answered. "May masakit ba sayo?"
Napahawak ako sa ulo ko. "N-na-amnesia ba ako? At hindi ko maalalang boyfriend kita?"
This time he chuckled. Shet! Seriously, Salma. Ofcourse, wala kang amnesia. Naaalala mo nga kung sino ka diba. Naaalala mo pa nga cellphone number ng mga crushes mo.
"No, I'm not." Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. "Ako yung nakabundol sayo. I'm sorry."
Nanlaki ang mga mata ko. "Ikaw?! Abat--- aray!" Napahawak ako sa ulo ko. Shet! Kailangan panagutan toh ng lalaking ito. Hmm. Obligahin ka kaya siyang pakasalan ko. LOL! Landi mo, Salma.
BINABASA MO ANG
5 Minutes (Maikling Kuwento)
Teen FictionKaya mo bang mainlove sa loob ng five minutes? Kaya mo bang magmove on sa loob ng five minutes?