Prologue

225 1 0
                                    

  "Hi J! You know what? I love you!  Can you love me too? Can you just focus on me? Can you be my man?" bulong ko sa litratong nasa cellphone ko. "Andito naman ako eh! Alam mo J Nakakainis kana ah!  Ako yung nasa tabi mo nung iniwan ka ng babaeng pinakamamahal mo. Haist, pag ibig nga naman!  Siguro nga mahal mo na talaga yung bago mo ngayon kaya siya nalang ang babaeng nag eexist sa mundo mo" nagpiyok na yung boses ko.

  Kasi naman eh! Nakakainis ka chloe!  Sa lahat ng lalaking pwede mong mahalin, bakit siya pa?  Siya pa na una palang alam mong di kaniya kayang mahalin pabalik.  Siya pa na may magagandang chiks na alam mo namang wala kang binatbat sa mga yon. Naku naman kasi eh! May mainit na tumulo sa pisngi ko. Luha.  Tama umiiyak nanaman ako dahil kay J.  Nasasaktan nanaman ako kahit walang kami. "Nasasaktan ako kahit na walang tayo.Nasasaktan ako kahit na walang tayo, walang tayo, walang tayo, oohhhhh" napalingon ako sa gilid ko. "Anong ginagawa niyo dito? Kasali ba kayo sa kwento ko?" tanong ko sa ex b.  "Ahhh pasensiya na nadala lang kami sa drama mo eh. Atsaka napag utusan lang,malaki kasi ang bayad eh ehehe babuuuuu" sabi ng isa sa mga member.Flow G ata pangalan nun?  Ah basta. "Oh sige na shoooo nagdadrama pa ako dito eh" pagtataboy ko sa kanila.

  Nung nawala na sila sa paningin ko, napatingin ulit ako sa litrato ni J.  Ang gwapo gwapo mo talaga J. Humapdi na ang mata ko at naramdaman kong unti unti nang pumipikit ang mata ko...

He who broke my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon