VIII

39 0 0
                                    

Lauren POV

Unti unti kong minulat ang mata ko at umunat. Naalala ko palang kasama ko si Mitch na isang side ito nang higaan habang tahimik itong natutulog. Kaya umupo na muna ako sa side at tinignan ang orasan. Alas sais na nang umaga pero tulog pa yung kasama ko. Siguro pagod talaga ito sa biyahe kahapon. Kaya dahan dahan akong umalis sa pinag higaan ko at pumunta ng cr naligo at nag toothbrush tsaka nagbihis nang damit. Paglabas ko ng cr ay naabutan ko padin si Mitch na tulog na tulog padin hanggang ngayon kaya dahan dahan akong lumabas ng kwarto namin para mag ikot sa buong palasyo na to.

Halos mabali na yung leeg ko sa naglalakihang chandelier nang palasyo at sobra ding ganda ng mga painting sa hagdan nito. Pagbaba ko nakita kong nakaprenteng naka upo sa mahabang hapagkainan na may nakasabit pang mga mamahaling baso. Kaya tumingin ito sa direksyon ko. Habang umiinom ito nang kape. Dahil narin siguro sa sobrang lamig.

"Will you just stand there? Come here let's eat" Yaya nito sakin at ngumiti . Shit bakit sobrang gwapo nito parang tambol yung puso ko sa sobrang bilis nang tibok.

Kaya lumapit ako sa isang upuan na apat ang layo sa kanya.

"Remember why we here?" Nakangising sabi naman ni Zach. Napabusangot tuloy ako sa sinabi niya. 

"Eto na po MAHAL na prinsipe lalapit na po ako sainyo." Sabi ko sakanya habang papunta sa isang tabing silya. Tumawa lang ito.

Halos tumulo ang laway ko sa sobrang daming nakahain sa harapan ko. Pero hindi ko naman alam kung anong klaseng pagkain ang mga to. Pero mas pinili ko nalang kainin yung nagustuhan kong itsura na mukhang masarap at kape. Habang busy ako sa pagkain nakatitig lang sakin si Sir Zach.

"Masarap?" Tanong sakin ni Zach. Kaya pinaubos ko muna ang laman sa bibig ko. Tsaka uminom ng tubig.

"Oo naman" Tipid na sagot ko sakanya. Pero nakatitig parin ito kaya medyo nahiya ako sakanya.

"Why?" Tanong nito sakin bigla tuloy ako natawa.

"Anong why? Kailangan bang dapat sabihing why?" Sagot ko naman sakanya.

"Bakit masama bang magtanong?" Sagot naman nito sakin. Tsaka uminom ng kape.

"Siyempre ni minsan sa buong buhay ko ngayon lang ako nakatikim nang ganitong klaseng pagkain..... Pati sa bahay niyo pero doon saamin.... Asin nga lang depende pa yun kung magkakaroon ako ng extrang pera doon lang kami ni mama makakakain ng masarap na ulam" Sagot ko sakanya. Bigla naman itong kumunot ang noo.

"Why?" Tanong ulit nito. Tumawa ulit ako sa sinabi nito.

"Bakit na naman Why?" Sagot ko sakanya puro kasi siya why, why, why. Nakakaloka.

"I mean, what about your parents? Where are they?" Nagtatakang tanong ni Zach sakin.

"Yung papa ko meron na siyang sariling pamilya, at yung mama ko naman... kakamatay lang nung nakaraan dahil inatake sa puso." Kwento ko sakanya. Biglang lumongkot ang mukha nito.

"S-sorry.... about that." Malungkot na saad ni Zach sakin. Pero imbes na umiyak sa harap niya, nas pinili ko nalang tumawa. Tsaka pinisil ko ang pisngi niya.

"Alam mo ang drama drama mo rin ano" Natatawang sabi ko pero seryoso padin ito.

"I feel you.... And i know it hurts." Sabi ni Zach sakin. Tama siya, masakit. Oo kasi alam ko na kahit anong mangyari hindi na mababalik yung buhay nang mama ko. At kahit kailan hindi na magbabago ang pakikitungo sakin ni papa. Kahit kailan hindi siya naging mabuting ama sakin. Kahit na ilang beses kong sinubukan na magpaka anak sakanya pero wala. Wala.

Pagkatapos nang ilang oras ay tumayo na si Zach at inilahad nito ang kamay.

"Para saan naman yan?" Tanong ko sakanya.

"Edi aalis tayo muna dito. Don't worry hindi kita ililigaw dito promise." Nakangiting saad ni Zach sakin kaya tinaggap ko ang kamay nito.

Habang palabas kami ay hindi nito tinaggal ang pagkaka hawak nang kamay nito sa kamay ko hanggang sa nakarating kami sa kotse at pinagbuksan pa ako nito ng pinto. Wow namen ang sweet. Char.

Kaya naman from Palace to other places na niya ako dinala. Mahaba din ang biniyahe naming dalawa pero sulit dahil nakarating din agad kami. Pero hindi ko makita dahil narin naka piring ang mata ko.

" Yung totoo saan mo ba talaga ako dinala? Ha?" Pang sampung tanong ko sakanya. Pero imbes na sagutin ang tanong ko narinig kong tumawa lang ito.

"Well i told you.... it's a secret" Bulong ulit nito sakin kaya imbes na mainis dito lalo ay nanatili nalang akong tahimik. Ramdam ko namang sobrang lamig dito sa ganitong lugar. Maya maya ay nagsalita ulit ito.

"Welcome to Cingue Terre"Sabi ni Zach habang tinatanggal ang piring na nakatakip sa mata ko.

Halos maluwa ang mata ko dahil sa sobrang ganda nang lugar meron ditong Restaurant at meron ding malapit sa seaside at mga ilang tindahan at ganun din ang kulay nang mga bahay  makukulay lalo na at gabi na, sobrang ganda ng mga kulay na nakapalibot na kulay.

"Grabe!!! sobrang ganda dito" Halos tili na ang pagkakasabi ko nun dahil sa sobrang ganda. Buong buhay ko ngayon lang ako nakarating sa ganitong klaseng lugar. Tapos si Zach naman ay nakaupo lang sa isang bench. Lumapit ako dito.

"Happy?" Tanong nito sakin. Tumango lang ako rito.

"Lagi ka bang pumupunta dito?" Tanong ko rito at tumango.

"Yeah, I'm always been here. Since when i was young... kapag malungkot ako o kaya naman ay may problema... dito ako lagi pumupunta." Saad nito sakin habang nakangiti. Hinawakan ko naman ang kamay ni Sir Zach.

"Salamat sa lahat.... Zach" Sabi ko sakanya habang nakatingin ako sa malayo.

"Wala yun... basta gusto ko lang nakikita kang masaya at nakangiti." Sabi nito sskin na ikinatibok nang puso ko. Kaya napahawak ako bigla sa dibdib ko.

"A-ah ganun ba... S-salamat padin" Ulit na pasalamat ko sakanya. Ngumiti naman agad ito.

Ilang oras din kaming dalawang naka ganun nakatingin lang sa makukulay na ilaw at lugar. Pero sa nararamdaman ko ngayon para kay Zach, alam kong nakararamdam ako ng pagka gusto sakanya. Pero hindi pwedeng mangyari yon at alam kong hinding hindi mangyayari yun. Nandito lang ako para samahan siya para sa trabaho, yun lang at wala nang iba.

Desiring HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon