CHAPTER 23

3.4K 67 26
                                    

Decilllo Advertising Company Anniversary Night....

Nagkakagulo na sina Sarah sa bahay ng mga Decillo. Kanya kanya na silang ayos nina Gara, Letty, at Myka. Sina Grendon, Luisa, at Gerald ay nauna na kasi sa Manila Hotel upang icheck kung ok na ang lahat.

"Ate Sa, akin na isara ko yung zipper mo." boluntaryo ni Myka na noon ay nakaayos na. Nakablack dress ito na tinernuhan ng red stilletos.

"Sige nga Myka... ok lang ba yung gown ko? parang nahihiya ako.." anaman ni Sarah.

Isinara muna ng dalaga ang zipper bago sumagot. 

"Ayan Ate Sa! You're so pretty grabe!" hangang hangang wika ng kapatid ni Gerald.

Bagay na bagay kay Sarah ang kanyang floor length na gown. Kulay white ito na kumikinang dahil sa mga sequence na nakaburda dito. Sleveless at turtle neck ang pagkayari nito, malalim din ang tabas nito sa bandang likuran kaya't litaw na litaw ang likod ng dalaga. Lumabas din ang korte ng kanyang baywang dahil sa pagkabody hugging nito. 

Ang buhok naman niya ay itinaas lamang habang ang kanyang make up ay dark sa bandang mata na pinaresan ng light colored lipstick. 

Maging sina Nanay Letty at Gara ay napahanga din sa sobrang ganda ni Sarah. Hindi mo talaga aakalain na simpleng babae lamang ang dalaga dahil sa ganda ng katawan at height nito. Idagdag pa ang napakakinis na kutis nito. Talagang maihahanay siya sa mga sikat na modelo at artista.

"My gosh!!!! Ang gondooooooo!!!!!!" tuwang tuwang saad ni Gara.

"Naks si Ate Gara talaga oh! kaw din kaya ang ganda mo!" balik puri ni Sarah dito. 

"Siyempre naman noh!" pabirong sang-ayon nito na hinawi pa ang buhok.

"Ang gaganda naman ng tatlong dalagang ito... grabe!" puri sa kanila ni Nanay Letty.

"Siyempre naman! Mana kaya kami sayo Nay!" sagot ni Myka na ikinatawa nilang lahat.

"Oo nga Mama, ang ganda mo.. mukha kang dalaga! baka mamaya pag-uwi natin may boyfriend ka na ha.." tumatawang biro ni Sarah sa ina.

"Hindi malabong mangyari!" maarteng sagot ni Nanay Letty kaya't nagkabungisngisan na naman sila.

"Ay naku! o.a na itong bolahan natin... Sa susunduin ka ba ni Lloydie? diba siya ang date mo ngayong gabi?" ani Gara.

"Hindi Ate Gara sasabay na lang ako sa inyo, male-late kasi siya ng dating dahil may meeting pa daw sila. Doon na lang siguro kami magkikita." tugon ni Sarah.

"Eh mabuti pa'y tayo na! baka matraffic tayo..." utos ni Nanay Letty.

Manila Hotel....

Hindi mapalagay si Gerald ng mga oras na iyon. Naguumpisa ng magdatingan ang mga tao. Hinahanap ng kanyang mata kung dumating na ba sila Sarah. Ilang linggo niya na kasing hindi halos nakikita ito. Kahit nakatira sila sa isang bubong ay kapwa naman sila nagiiwasan. Nahihiya siya sa dalaga dahil sa huling nangyari sa kanila, ngunit ngayong gabi ay gusto niya itong makausap at humingi ng tawad. If he cannot save the love he wants to save atleast their friendship. Hihintayin niya na lamang ang tamang panahon... Yung time na ready na ang dalaga na harapin ang pag-iibigan nila. 

ASHRALD FANFIC PRESENTS; KUNG AKO NA LANG SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon