Chapter 43

508 14 15
                                    

Unbearable

Mahigit isang oras na ang nakalipas pagkatapos ng emosyonal na pag-uusap namin ni Grae. I can still feel that he's hurting. Nakatitig lang ito sa kawalan habang hindi binibitawan ang kamay ko. Namumula rin ang mga mata niya dulot ng pag-iyak.

Napabuntong hininga ako. Sana pala hindi ko nalang sinabi ang mga salitang 'yon sa kanya, edi sana hindi pa siya natakot at nasaktan na baka iiwan ko na siya.

Maya-maya pa ay magkasamang dumating sina Mommy at Daddy. Mabilis na lumapit si Mommy sa akin habang si Daddy ay nanatiling nakatayo habang nakatitig sa amin ni Grae.

Umupo si Mommy sa tabi ko. Tipid akong ngumiti sa kanya.

"Anak. Kinausap ulit kami ng doctor mo." Malungkot na sabi nito. Napapikit ako. Ayokong marinig ang sinabi ng doctor. Ayokong iparinig 'yon kay Grae.

Pwede bang isipin ko nalang na ayos lang ako at walang sakit? Pwede bang mawaglit muna sa isip ko na may taning na ang buhay ko?

"My, gusto ko sana kayong makausap ni Daddy ngayon." Mahinang sabi ko.

Tumango lang siya at tumingin kay Grae. Gumalaw ito at tumingin sa 'kin. He nodded and kissed my forehead.

"Sa labas lang ako." Aniya at malungkot akong tinitigan kaya ngumiti ako sa kanya.

"Wag kang lumayo." Bilin ko bago siya hinayaang lumabas. Bawat hakbang niya palabas ng kwarto ko ay nagpapabigat sa aking dibdib. Gusto kong nandito lang siya sa tabi ko. Gusto ko, wala akong sasayangin na oras para iparamdam ko sa kanya kung gaanu ko siya kamahal habang nakakasama ko pa siya.

Nalipat ang mga mata ko kay Daddy nang makalabas si Grae sa kwarto ko.

"Dad.." Tawag ko sa kanya kaya napapitlag siya. "I'm sorry Dad. I'm sorry for everything. Lahat ng 'to ay mali kaya sana patawarin mo 'ko. A-ayoko pang umalis, ayoko pang iwan kayo.. pero kung sakali mang ito talaga ang nakatadhanang mangyari, may hihilingin lang sana ako sa inyong dalawa ni Mommy." Tumigil ako at tumingin sa kanila. Umiiyak si Mommy sa tabi ko habang si Daddy ay unti-unting lumalapit sa akin.

"Alam kong hindi kayo okay. Alam kong ipinapakita niyo lang na okay kayo sa harap ko pero kapag hindi ko na kayo nakikita hindi kayo okay. Sana magkaayos na kayo, sana maayos pa natin ang pamilya natin. Nandito pa naman kami ni Kuya diba? Nasa tabi lang rin natin si Kuya Vince. He's watching us everyday, every minute. Buo pa naman tayo diba? Alam kong mahirap 'tong hinihiling ko dahil sa akin lahat nag ugat kung bakit humantong sa ganito ang lahat.. pero--"

"Hindi Yash.. Ang pagiging malupit ko sa inyo na mga anak ko ang ugat ng lahat. I've been very hard to your Kuya and even with you, I'm very selfish.. akala ko kasi para iyon sa ikabubuti niyo pero mas lalo ko lang kayong pinahamak.. napakawalang kwenta kong ama, ako mismo ang pumapatay sa sarili kong mga anak." Said Daddy and kneeled down in front of me.

Umiyak ako habang umiiling. Hindi totoo lahat ng sinabi niya. Ginawa niya 'yon dahil 'yon naman talaga ang tama pero mas pinaglaban namin ang kagustuhan ng puso namin kaya humantong sa ganito ang lahat.

"Daddy wag kang magsalita ng ganyan... kahit kailan hindi ko 'yan naisip sa 'yo. You've been a good father to us-- kami 'yong mali. Pinaglaban namin ang kagustuhan namin. I'm sorry for making you feel  like taking all the blame from what happened to me and kuya Vince but believe me Dad, wala kang kasalanan. Ang gusto mo lang ay itama kami. I'm sorry."

"Kung naging mabuting ama lang sana ako hindi nawala sa atin ang Kuya mo. If I didn't humiliate him for being Gay, If I didn't repudiate him.. sana kasama pa natin siya. Halos hilingin ko noon sa diyos na sana ako nalang 'yong namatay. Sana ako nalang 'yong nawala kasi marami pang pangarap 'yong anak ko na hindi pa natutupad.. pero anong ginawa ko? Ako mismo 'yong nagtulak sa kanya sa kamatayan. Akala ko noon, natuto na ako. Pero hindi pa pala dahil--dahil naulit 'yon muli sa 'yo. Kung inuna ko 'yong pagpapagamot sa sakit mo kesa sa maging  malupit at paghigpitan kayong dalawa ni Grae sana hindi na humantong sa ganito ang lahat." Napatigil siya sandali dahil sa pag-iyak.

"Kung hindi lang sana napabayaan ang sakit mo sana hindi ko maririnig mula sa Doctor na may taning na ang buhay mo. Halos isumpa ko ang sarili ko no'ng nawala ang Kuya mo at hindi ko na kakayanin pang mawalan muli ng isa pang anak. Patawarin mo ang Daddy, anak. Patawarin mo ako." Ani Daddy at humagulhol sa harap ko.

Inabot ko siya at niyakap. Walang tigil ang kanyang pag-iyak. Akala ko namamandhid na ang puso ko sa sakit, akala ko sanay na ito pero may isasakit pa pala 'yon. Seeing my parents hurting like this is so painful in my heart.

"Daddy, gagawin ko ang lahat. I want to live longer. I'm sorry." Iyak ko. Gusto kong palakasin ang loob nila at ipakita sa kanila na kaya ko pa pero ang hirap. Sobrang hirap magkunwari.

Bumukas ang pintuan at pumasok si Kuya Jarred. Nagulat ito sa nakita niya.

"Mommy, what happened?" Kabadong tanong niya.

Hindi sumagot si Mommy at nilapitan siya nito at niyakap.

"Mommy, I'm sorry. Kuya.." iyak ko.

I'm sorry if I can't make it. I'm sorry for giving my life up.

"Anak, mangako ka kay Daddy. Mangako ka sa 'kin. Mangako kang hindi mo kami iiwan. Mahal mo kami diba? Mahal mo si Grae diba? Ipapakasal ko pa kayong dalawa kung 'yon ang gusto mo. Hahayaan ko kayong dalawa. Just promise me."

I smiled weakly. Parang pinipisil ang puso ko sa narinig mula kay Daddy. Sana nga hindi pa huli ang lahat. Sana.

Lumapit si Mommy at kuya sa amin at nakiyakap. Mas lalong lumakas ang pag iyak ni Mommy.

"Mahal na mahal ka namin. Ikaw ang prinsesa namin anak, hindi namin kakayanin kung iiwan mo kami." Pagmamakaawa ni Mommy.

Pumikit ako at sinulit ang natitirang oras na nasa mga bisig nila ako.

Don't worry about me. Makakasama ko naman si Kuya Vince doon. Gusto ko pa kayong makasama ng matagal pero kailangan ko na ring magpahinga. This is God's Will. At hindi ko 'to pagsisihan dahil magiging isa na ako sa mga anghel na nasa tabi niya...

Naramdaman kong nagkakagulo ang paligid nang biglang marinig ang pagtunog ng lifeline machine na nakakabit sa aking katawan. Kahit wala na akong lakas, sinikap kong tingnan iyon at unti unting napapalitan ng straight line ang nakadisplay sa screen.

Narinig ko ang pagtakbo ni Daddy sa labas at pagtawag ng Doctor. Nakaluhod naman si Mommy sa gilid ko at niyuyogyog ang mga kamay ko.

Pinilit kong minulat ang aking mga mata para matingnan si Kuya Jarred.

Gusto ko mang haplusin ang pisngi niyang basang-basa ng luha pero hindi ko na magawa pa dahil wala na akong lakas.

"Kuya.. I-I'm sorry kung.. hanggang di-dito nalang... ang.. ma-maka-kaya.."

"Stop it Yash. Ayokong nagpapaalam ka. Hindi ka pa mawawala sa amin. 'Wag kayong unfair sa akin. Iniwan na tayo ni Vince diba? Pati ba naman ikaw, iiwan ako?" Umiiyak na wika niya.

Isang butil ng luha ang lumabas sa aking mata bago tuluyang bumagsak ang katawan ko sa dibdib niya.

"Yashie.. Damn  it! Don't do this to us. I'm begging you." Halos nagpapanic na sabi niya habang niyayakap ako.

Bumukas ang pintuan at biglang pumasok si Grae. Halos napako ito sa kinatatayuan niya nang makita ako. Takot, lungkot at pagmamakaawa ang nakikita ko sa kanyang mukha.

Ngumiti ako ng matamis sa kanya.

Kung sakaling mabuhay ulit ako sa kasalukuyan, hihilingin ko pa rin sa diyos na sana si Grae pa rin. Siya at siya lang lang dapat. Kahit maulit muli sa parehong sitwasyon, ikaw pa rin ang gugustuhin ko Grae.

Hanggang sa muli....


Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon