"Sorry, ayoko na. Pagod na ako, sawa na ako."Nagbago ka na.
Hindi mo na ako mahal.
"Lahat nagbabago, pati ang puso ko."
Nagbabago ang lahat, pero 'wag naman sana ang puso mo.
"Pagod na ako."
Pagod ka lang, pwede ka mag-pahinga.
Teka. Ano bang napagod sayo, ang katawan mo o ang puso mo?
"Nagsasawa na 'ko."
'Yun lang?
"Apat na taon ang itatapon mo, Minghao."
"Hindi ko iyon itatapon, itatago ko lang...."
"Tapos kakalimutan ko."
Tapos kakalimutan ko. Tapos kakalimutan ko. Tapos kakalimutan ko. Tapos kakalimutan mo? Ang apat na taon, ang apat na taon na pinagsamahan natin, ang apat na taon na tayo'y magkasama, ang apat na taon nating dalawa, kakalimutan mo?
Kakalimutan mo ako? Kakalimutan mo tayong dalawa?
"Salamat, Jun. Salamat sa apat na taon ng pagpapasaya sakin, sa apat na taon na pagpaparamdam sakin na kamahal-mahal ako, maraming salamat sa lahat ng naidulot mo sa buhay ko, masaya man o malungkot, maganda man o hindi. Salamat sa apat na taon na pagiging parte ng buhay ko, kahit ngayon ay aalisin na kita dito."
Aalisin mo ako, para may maka-pasok na iba. Magbibigay ka ng espasyo para sa kanila, kahit ang kapalit e ako.
"Paalam."
Sanay akong maiwan, sanay akong marinig ang katagang 'yan. Ang hindi lang ako sanay, ay ang ikaw ang nagsabi, sayo nanggaling. Sanay ako sa ganyang bagay, pero iba pala kapag ang gumawa n'on e ang taong inakala mong hindi gagawin 'yon sayo. {//; lol gets nyo ba //;}
Tila na blanko ako, ang bawat paghakbang mo ay may mabibigat na tunog sa tenga ko. Ang pag-pihit mo sa hawakan ng pinto, parang pagkawasak ng puso ko. At ang tuluyan mong paglisan, ang pagbagsak ko. Para akong nasirang establisyemento.
Nagsimula ang lahat sa maraming hindi maipaliwanag na kadahilanan, ngunit natapos sa isang salita lamang.
Hinayaan kitang umalis hindi dahil hindi kita mahal, hinayaan kitang lumisan para mahanap ang pagmamahal na ninanais ng puso mo.
Lastly, I want to say, that in all memories I have, you're my favorite and the most precious one.
You are the scar in my heart, that'll never be erased nor removed.
_A/N:
hsjhsjshsk. hauP ka tAlagA jIyA, pinagshashabu mo. Feels ko talaga 'to oke. Tuwing gabi ako nagkakafeels tae bat ganon. Gusto ko sana 'tong gawing entry pero wag nalang, dami pa pala kong problema. Ok bye guiz. Smile ka na :>
YOU ARE READING
Lastly, I want to say.
Short Storyjunhao fanfic // "Forever your name on my lips." ©eseoul