#CongratsIsiahandSteven
Hello everyone,
May ipapapublish na po akong kasunod na story•The Savage Queen
Portrait by IUPlease add your author at her fb
Neftali Asher
And your authors group page
A writers page..------_-------_------_-------_------
OTHER PEOPLE's POV
Nagdiriwang ang mga studyante sa University ng Paris ang Mond.Shire de University. Isa sa mga kilalang school sa Madeline. Pag mamay-ari ito ng mga Mondroadou.Maaga din ang lahat ng mga students dahil graduate na sila. Maaga din ang mga magulangng bawat students.
Si Isiah at Steven ay maaga din, kasama ang kanilang kambal na pinagkakaguluhan ng mga kaibigan nila. Na surprised din sila kasi dumating sina Sky, Seven at ang grandparents nila para dumalo sa kanilang graduation.
Summa cumlaude si Isiah, 'di naman yun pagtatakhan at matalino siya. At ang natamong awards ay karangalan din ng Mondroadou corp. Dahil scholar siya ng company. Ano man ang matamo niya malaking karangalan na yun.
"Lolo, Lola, I'm glad nakarating kayo." Masayang salubong ni Steven sa Lolo't Lola niya
"Oo naman hijo, karangalan sa amin ito." Sagot naman ng Lolo niya.
Niyakap niya si Isiah at Steven, ganun din ang Lola nila yumakap sa kanilang dalawa, at natoon ang atensyon nila sa mga apo nila sa tuhod na ang cute at ang gaganda.
"Mommy, I want to pee." Ani Zys.
"Ayytz the program is about to start darling, Tita yaya will take you to the CR. Is it okay honey?" Saad ni Isiah sa anak.
"Yes mommy," ngiti. "Tara na po Tita Yaya." Aya ni Zys sa Yaya niya.
Nagulat sila na nakakapagsalita ng tagalog si Zys. Sinabi ni Isiah na tinuturuan din nilang magtagalog ang mga bata, at pati na rin ang mag Korean. Napahanga naman ang dalawang matanda sa pagpapalaki ni Isiah sa mga bata.
"Mas magaling si Zys sa tagalog, while Jyx in Korean." Pagmamalaking saad naman ni Steven.
"They're both smart." Ani Sky.
"Why si Miss Suzie wala?" Tanong ni Isiah nang mapansing wala si Suzie.
Napatingin naman si Seven kay Sky, tingin na parang may gustong aminin o sabihin. Kaya napatingin si Isiah kay Sir Sky, himala lang kasi na wala si Miss Suzie.
"Ako na ba magsasabi?" Ani Seven
Tinapunan siya ng tingin ni Sky, May LQ ata ang dalawa ah, tinitigan lang ni Isiah si Sky na tila nag-aantay sa isasagot niya.
"Nag-break sila." Ani ulit ni Seven.
Pagkasabi ni Seven ay tumakbo siya palayo, samantalang si Sky naman napabuntong hininga lang.
"Parang kaylan lang nung huli nilang dalaw dito ang sweet nila, ngayon hiwalay na?" Ani Isiah sa isip niya.

BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Romansa"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...