"Ano 'to? Grades mo ba talaga 'to?"
"Yes, Ma."
"Bakit bumaba? Nag aaral ka ba talaga ng mabuti? Alam mo? Kaka-social media mo 'yan! Kaka-cellphone! Hindi ka na nakakapag-focus sa acads mo! Ayusin mo 'yan! Sayang ang pinagpapa-aral sa'yo! Wala kang kwenta!--"
Pinikit ko na lamang ang aking mga mata. Pinapapasok ang mga salita sa isang tenga, at ilalabas din sa kaliwa. Nakakasawa na ang ganitong eksena, tila ba walang katapusan at paulit-ulit na lamang.
Pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng gusto niyang sabihin ay dumiretso na 'ko sa aking kwarto. Inilabas ang dinadala sa aking dibdib, habang ang unan ay nakadagan sa aking mukha.
Wala ba talaga 'kong kwenta?
Hindi pa ba sapat lahat ng ginagawa ko para sa pamilya na 'to?
Paulit-ulit na lang ba? Hindi na ba pwedeng magbago?
BINABASA MO ANG
wait, what?
Short StoryI am really tired of everything. School, friends, tapos-- lovelife? wait, what?!