II: Josiah

6.5K 9 0
                                    


"Ahhhh, shit. Sige bilisan mo naman ng konti parang kulang ka sa energy. Ahhh fuck"

Dinampot ni Jo ang sinturon niya na nahulog sa sahig sa sobrang bilis ng pakikipagtalik niya kay Anika.

Hindi.

Hindi sila magkasintahan, ginagawa lang nila kapag lasing, kapag masaya sila, madalas pag bored.

Nakatulog ang dalawa nang mahigit limang oras dahil sa pagod. Alas-siete na sila ng umaga nagising.

"Magbu-birthday na si Xandria, anong plano" alam ni Anika na may gusto si Jo kay Xandria pero hindi nito masabi sa kanya. Hindi niya rin alam kung bakit ba siya nakikipag sex dito gayo't alam naman niyang ganon ang sitwasyon.

"Dating gawi, cake, inuman, KTV"

"Mas kailangan niya ng pera ngayon, Jo"

"Edi regaluhan mo ng pera. Anika, kahit gaano kadesperada ng tao sa pera mas maganda pa din na nageffort man lang atleast tayo sa birthday niya. Something na mageenjoy siya"

Sinuot ni Jo ang Tshirt niyang pinangtrabaho kagabi para umalis.

"Magpalit ka, baka kung anong sabihin sa trabaho" huling bilin ni Jo kay Anika bago lumabas ng motel.

Habang naglalakad pauwi masigasig na pinagiisipan ni Jo ang ireregalo kay Xandria sa 23rd birthday nito.

"Bag? Sapatos? Kwintas? Wag baka kung ano isipin niya."

Dumeretso siya sa department store para doon magpalipas ng oras sa paghahanap ng regalo. Sa kabilang dulo ay nakita niya si Xandria na may kasamang Indiano, nakita rin siya nito kaya nagpaalam siya sa kasama niyang indiano na magha-hi lang siya sa kaibigan niya.

"Jo!"

"Xandeng! costumer mo?"

"Oo, mayaman yan. Investor yata yan ng isang mall na itatayo dito.

Ngumiti lang si Jo. Alam naman niyang hindi gusto ni Xandria ang ginagawa niyang sex dito, sex doon para kumita ng pera. Alam niyang martaas ang pangarap nito.

"Ano ginagawa mo dito? May ka-date ka?" iniliko liko ni Xandria yung ulo niya para maghanap.

"Ah hindi, naghahanap ako ng bagong uniform para sa kabila kong work. Wag ka magalala pag sumahod ako doon papahiramin kita." ngiti ni Jo.

Nginitian lang din siya ni Xandria at bumalik na sa kasama niyang indiano na hinawak hawakan agad ang pwet niya paakyat sa damit niyang backless na napaka baba ng harapan.

Nagpatuloy sa paghahanap ng regalo si Jo pati na rin ang cake na madadala niya bukas. Nagpa reserve na din ng KTV para surpresahin ang kaibigan.

"Oh siya anak, magiingat ka diyan, pakisabi nalang kay Xandria na happy birthday, at isama mo naman minsang dadalaw ka dito" malambing na pakikipagusap ng Nanay ni Jo sa kanya, si Aling Felixberta.

"Oho nay, wag kayo magalala ikakamusta ko din kayo kay Tiyay Belen, di ko na din nakikita masyado dahil hindi ako pinapapunta ni Xandria sa kanila. Ingat ho kayo." pamamaalam niya sa ina.

Binalot ni Jo ang regalo niya kay Xandria sa plain na kulay dilaw na gift wrap. Paboritong kulay ni Xandria ang dilaw pero madalang na siyang nakakapagsuot nang ganong kulay. Madalas red, black at white na mga sexing damit ang lagi niyang suot.

Humiga si Jo sa malambot niyang kama. Maswerte pa rin siya at hindi maluho ang sarili niyang pamilya. Huminga nang malalim, kasing lalim ng kanyang pagiisip.

Kinabukasan, excited si Jo na ayusin ang munting salo salo sa KTV. Nag excuse siya sa kabila niyang trabaho bilang call center agent para lang dito. Matagal na siyang nagpaalam doon dahil taon taon niya itong ginagawa para kay Xandria.

Cake, spaghetti, lumpia, barbeque at alak lang sapat na para sa kanila. Si Jo, Anika, tatlo pang ibang kasama sa trabaho sa bar at si Xandria.

"Happy birthday!" sabay sabay nilang bati sa pagpasok ni Xandria sa kwarto.

Masigla ang ngiti nito pero halata ni Jo na hindi naman totoo.

"Grabe sila, salamat ha. Alam kong kapos at busy kayong lahat nagawa niyo pa to."

"Kailangan din namin to noh. Sa sobrang stressfull ng mga schedule ko sa pakikipag laplapan ko sa mga hapon kong costumer mukha gusto ko namang lumaplap ng labi ng redhorse." Si Dawn, Donita ang buong pangalan pero ang baho daw pakinggan.

Inabot ni Jo ang regalo niya kay Xandria. Ngumiti ito, paborito niyang kulay ang dilaw.

"Mamaya ko na siguro bubuksan pagkatapos ng party?" tumango lang si Jo.

Naglasingan ang magkakaibigan, takam na takam sa kasiyahan dahil sa mga pilit nilang ginagawang illegal na trabaho para lang may maipasok na pera sa kani kanilang tahanan.

Nang matapos ang party, ihahatid na ni Jo si Xandria sa kanila, hindi rin naman maiiwasan dahil magkalapit lang sila ng kanto.

"Magreresign na ako sa bar." malumanay na sambit ni Jo kay Xandria.

"Ah ganun ba. Good for you"

Nagpatuloy sa paglalakad ang dalawa. Hindi naman tinatanong ni Xandria si Jo kung ano ang dahilan pero kusang niyang sinagot.

"Nataasan na kasi ko ng sweldo sa kabila. Syempre mas humingi sila ng mas mahabang oras. Kinuha ko na din."

Hindi totoo ang sinasabi ni Jo.

Sa totoo lang, sa loob ng tatlong taong pagpa- part time niya sa bar ay hindi niya masikmura ang trabahong pinapasok ng kababata niya. Napilitan lamang talaga siyang pumasok dito noon dahil kinalangan niya ng extrang kita para sa pagha highschool ng bunso nila, at para na rin masilayan si Xandria.

"Oh paano Jo. Seeyou tomorrow. Siguro naman may ilang araw kapang ipapasok bago ka magresign"

Ngumiti si Xandria at nag aambang papasok sa bahay nila.

"Xandria"

Lumingon ang dalaga.

"Bakit?" sabi nito.

"Ah wala naman, baka lang may oras ka sa susunod na buwan. Namimiss ka na daw ni Nanay, luwas tayo sa Tarlac."

-"Nako Jo, tignan natin. Medyo busy eh" ngumiti ang dalaga. Napagod ito sa araw na iyon. Pero masaya siya.

Lumakad si Jo. Maliwanag ang buwan. Kahit walang mga poste ng ilaw dahil sa kapabayaan ng Mayor ng lugar nila. Masaya na din siya.

Walang PamagatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon