Claudine's POV
Masyasodong marami ang ginawa namin sa office kaya naman mag hahatinggabi na akong uuwi pati ang ibang staff. Mag kakaiba kami ng rutang tatahakin kaya naman mag isa nalang akong nag lalakad sa nakakabinging katahimikan at tanging liwanag ng buwan ang nagbibigay liwanag sa madilim na daan. Pundi na kase ang mga street lights sa sobrang tagal na siguro. habang naglalakad ay may narinig akong iyak ng isang bata. Tiningnan ko ang aking relo at malapit ng mag 11:00 pm.
Hinanap ko ang pinanggalingan ng iyak nang makita ko ang isang batang babae na nakaupo sa bench at umiiyak. Napansin kong mag isa lamang siya kaya agad akong lumapit.
Tinanong ko siya."bata ayos ka lang ba?Asan ang parents mo?Anong pangalan mo?" sunod sunod Kong tanong ngunit miski isang sagot ay wala akong narinig sa bata.
Kapansin pansin din ang marumi nyang damit at iisang pares ng tsinelas na suot. Mukha syang pulubi eh.
"ahm.. Bakit ka ba umiiyak? Gutom kana ba?"tanong ko uli pero sa halip na sumagot ay umiyak pa sya lalo.
"nako, bata teka tumahan kana"pag aamo ko dito.
Akmang tatayo ako ng hawakan nya ang kamay ko, at sa sobrang gulat ko ay nahawi ko ang kamay niya.
"nako,pasensya kana ha nabigla lamang ako"pagpapaumanhin ko. Grabe napaka lamig na tila bangkay ang kamay ng batang ito. Bigla tuloy nagtaasan ang balahibo ko.
YOU ARE READING
11:11
Mystery / ThrillerThis is a work of fiction Names,characters,places,events, and incidents are either products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental. Plagiarism is a crime :)