Untitled Part 1

11 1 0
                                    

Naranasan nyo na ba ung palagi nalang ikaw nalang ung............. Mali? Well ako, oo! Araw araw pa! Kung tatanungin nyo kung masaket? Kulang pa ang salitang 'Masaket' para masabi mong masaket talaga. Yun bang palagi ka nalang, Mali, tas palagi ka nalang naiikumpara, Nakakasawa na, nakakasawa na ung ganitong buhay.

"Chin"-Mahinahon nyang tawag saken.

Kita ko sa mga mata nya ang awa. Ngumiti ako sa kanya para ipaalam na ok lang ako. Ganun naman palagi e, ngiti lang para kunyare di masyadong masakit kahit sa loob loob ko, pinapatay nako sa sobrang saket.

"Chin, Tara! Mamasyal tayo, wala naman ang mommy't daddy e"-Aya nya saken, BTW He's Shion, my brother thank god dahil may kapated akong gaya nya, kasi tuwing pinapagalitan ako nila Mommy't daddy sya lagi ang tagapag tanggol ko kahit wala naman talaga kong ginagawa, nakakainis lang dahil puro nalang Mali ang nakikita nila Mommy't daddy saken sabagay ang gusto kasi nila 'PERFECT' kapag less than perfect ka Hindi ka nila kailangan. masyadong maimpluwensya ang pamilya ko,Masaket lang na si Ate Claire at Kuya Shion kaya nilang ipagmalaki habang ako eto! Hindi sa kinakahiya nila ko pero, yun kasi ung nararamdaman ko. Muling tumulo ang luha saking mata, aisshhh! Bwiset naman ihh.

"Baby, sige na! Sumama kana para naman........ Malibang ka"-Pagpupumilit ni kuya Shion.

"Ayoko kuya"- Diko alam kung Anong gusto netong gawin, di naman kasi sya mahilig lumabas or kaya lalabas lang kapag may mga okasyon kakain sa labas ganon.

"Ano ba gagawin naten? Kung lalabas tayo?"-Tanong ko.

Napatingin sya saken ng di makapaniwala.

"Seriously? Baby Chin? Don't you remember?"-Tanong nya pa.

"Baket? Ano bang meron?"-

Ang totoo alam ko talaga, ayoko lang masaktan ng todo, ayokong umasa kase malamang......... N-nakalimutan din nila Mommy't daddy at ate, masyado ng masakit ung parang di nila ko kayang ipagmalaki na may anak din sila na kailangan sila kaya ayoko ng umasa pa.

"Wala"-Sagot nya agad.

--------

Hyst! Iniisip ko kung ano kayang ginagawa ni ate Claire sa State? Yep! Andun sya! Sya na kasi ang namamahala sa Company namin dun, habang ako wala! Wala nga kasing 'kwenta' tss! Siguro kung andito si Ate baka di nya hinahayaang mangyare saken to.

********

'I love you baby sis, sorry kung wala si a-ate nung mga panahong k-kalingan mo ako ahh? Babawi si Ate sayo baby'-

Naalimpungatan ako ng parang naramdaman Kong andito si Ate Claire at humalik pa sa pisngi ko, Pero agad ding nadismaya ng nakita kong wala.

Madilim na pala, diko man lang namalayan. Bumaba ako at hinanap agad si kuya. Nakakapagtaka.......­ Baket, Baket walang tao? Nilibot kopa ang buong bahay at, wala talaga!

Pumunta ako sa Garden at baka andun si kuya, pag punta ko........
.
.
.
.
.
Anong meron? Andito kasi sila Mommy't daddy at kuya tsaka si.............. Ate.

"M-mommy, k-kailan pa po kayo u-umuwi?"-Tanong ko agad Kay mommy.

Namiss ko sya, sila ng sobra, siguro, siguro alam nilang ngayon ang kaarawan ko kaya umuwi sila, napangiti ako ng palhim dahil don.

"Nang malaman namin na umuwi ang ate mo umuwi nadin kame para naman ma celebrate, di mo man lang ba babatiin ang ate mo? Successful na sya! Mas lalong lumalaki ang Company naten at dahil sa ate mo yun" -Agad na napawi ang ngiti ko.

Kakasabi mo lang Chin na wag aasa pero eto ka nanaman! Nakakainis ka Chin.

"Ahh! C-congrats a-ate"-Nakangiti kong bati sa kanya.

Nakita ko ang awa sa kanyang mata, ate! Wag please! Wag ngayon, pagod na pagod nakong umiyak e.

"Mom, dad did you forgotten that----"

"Sige po! Lalabas po muna ko may kukunin lang po ako sa kaklase ko"-Diko na pinatapos magsalita si Ate, ang labas mapapahiya nanaman ako at wala naman silang pake dun, at Anong dulot saken? Sakit! Sobrang saket.

Nararamdaman kong nasa akin ang tingin nila ng umalis ako at hanggang sa lalabas ako at alam kong sumunod si kuya at........... Ate

Diko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko, kakasabi kolang na napapagod nakong umiyak e pero eto nanaman.

Dahil punong puno ng luha ang mga mata ko diko masyadong nakita ang daan at diko rin alam kung San nako papunta, pero wala nakong pake don.

Lutang akong naglalakad habang lumuluha parin ng maramdaman kong may sasakyan...... Shit!

Huli na para makaiwas ako at.........
.
.
.
Naramdaman ko nalang na tumilapon ang katawan ko sa malayo.

"CHIIINNNNN"-Rinig na rinig ko ang pag sigaw ni Ate at kuya sa malayo.

Napangiti ako ng mapaet, hanggang dito nalang ba? Sana......... Yun ang hinihiling ko pero, gusto ko pang maranasan na mahalin ng isang magulang, gusto ko pang maranansan na, Ipagmalaki nila ko, gusto ko pang maranasan na........ Mahalin din nila ko bilang anak nila, pero mukang........... Dito nalang talaga.
.
.
.
.
.
.
.
Happy last birthday chin...........

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

~IMPERPECTION~Where stories live. Discover now