CHAPTER ONE
-TAONG BAHAY-Minelle'
Boring.
Kung gagawin sigurong play ang buhay ko, eh walang magkakainteres na manood. Walang interesting sa buhay ko na pwede kung ibahagi sa iba.Graduate na ako, sa kursong business management. May kinalaman sa mga kompanya-kompanya na yan. Ito ang kursong gusto ng parents ko, not my choice, ito kasi ang makakapagpasaya sa kanila kaya ito na ang inaral ko.
Sa ngayon, 2 moths graduate pa lang ako. Isa akong certified taong bahay for two months. Well may mga kompanyang gusto akong kunin pero parang masyado naman atang maaga para magtrabaho na. Fresh graduate ako, cum laude pa, kaya siguro naman mataas ang chansa kung makakuha ng trabaho agad.
Sa ngayon ay dito lang muna ako sa bahay, kasama ang lola ko at ang mga maids namin. My mom is in US, doon siya nakatira. And my dad, ayon sumakabilang bahay na. In short broken family ako.
5:35 p.m. march 4, 2019
Nandito ako sa balkonahe ng bahay dito sa taas, hawak ang isang tasa ng caramel coffee. Nakaupo habang pinagmamasdan ang unti unting paglamon ng dilim sa paligid. Nakakaumay din ang ganitong klase ng senaryo araw araw.Humigop ako sa kape ko.
Kasabay nun nang may biglang humawak sa balikat ko dahilang para magulat ako. Si Lola Victorina lang pala.
"Pinagmamasdan mo na naman ang paligid apo, " banggit ni lola sabay upo sa tabi ko sa may bakanteng silya sa harap ng round table.
Nginitian ko lang si lola. At inilapag ang kape sa may lamesa.
Malamig na simoy ng hangin, at ingay ng paligid lang ang maririnig. Pagsayaw ng mga dahon sa mga puno dahil din sa hangin.
"Bakit po kayo nandito lola? "
"Eh wala kasi akong makausap sa loob kaya pinuntahan na lang kita dito sa may balokonahe, " sagot ni lola.
"Ganun ho ba lola, eh wala naman po ata tayong mapaguusapan, "
Sixty five (65) years old na si lola. Malakas pa ito at kaya pa ang ilan sa mga gawaing bahay. Siya din ang nag-asikaso sa akin nang iniwan kami ni papa at nang magpunta ng US si mama.
"Eh kailan ka pala maghahanap ng trabaho? " tanong ni lola.
"Lola matagal pa po, ayoko pa ng mga stress, ayokong tumanda ng maaga, dito na lang muna ako sa bahay, " at humigop ako ng kape.
"Eh hanggang kailan ka tatambay dito sa bahay ha? "
"Ewan ko lola, basta kapag ready na ako, kusa po akong maghahanap ng trabaho, "
"Oh siya sige, maiwan na kita jan apo, "
Hindi na ako sumagot at tumingin lang, ulit sa paligid. Kanina ay may liwanag pa, ngayon ay tuluyan ng dumilim. Bumuntong hininga ako saka ininom lahat ng natitirang kape sa tasa ko na ngayoy malamig na.
Kimaumagahan, 7:35 a.m. Nandito pa rin ako sa kama. Nakabalot sa katawan ko ang makapal na kumot na may disenyong sunflower. Mahilig ako sa mga sunflower, lahat din nh staff dito sa kwarto ko ay inspired sunflower lahat.
Sunflower brighten up my day kaya paborito ko itong bulaklak. Maganda na, napapasaya na ako.
Ayokong igalaw ang katawan ko, gusto ko lang na nakahiga ako. Ayoko pang bumangon, tutal wala naman akong pupuntahan na importante. May nararamdaman din akong sakit ng katawan, agad akong nagpakuha sa isang maid namin ng isang tasa ng kape. Coffee lover ako, bahala na kung maging nerbyosa ako.
"Thank you manang," sambit ko sa katulong nang mailapag na niya ang kape sa may lamesa dito sa kwarto ko.
"Manang! " tawag ko sa katulong ng hindi pa siya tuluyang nakakalabas sa kwarto.
"Po? "
"Si lola? "
"Nandun po sa dining area, kunakain na po at pinapasabi po pala niya na bumaba na raw kayo at kumain kasama siya, "
"Thank you, sabihin mo na wala akong gana at masama ang pakiramdam ko, "
Tumango lang naman ito bilang pagsang-ayon. Nang tuluyan ng makalabas ang maid ay umayos ako ng upo at nag-umpisang inumin ang kape sa table.
PS: sana magustuhan nyo tong story. Pramis sa dulo may twist ito.
Fb:facebook.com/ehmjayytolentino0007
IG:instagram.com/itsehmjayytolentino
Twitter:twitter.com/2001ehmjayy
YouTube:youtube.com/ehmjayytolentino
Email:mjcasilao007@gmail.com😘
BINABASA MO ANG
Just Fall In Love Again (complete)
Ficción Generaljust fall in love again is literary a work of fiction. It is about how two people forget their past together and on how they face the reality. #Romance #fiction #highschool #teens #crush #comedy