#CGVSDB
Chapter 33 - Tiwala lang
ZEEK's POV
*may text ka!*
"Kuya Zeek! may text ka!"
Tinatawag ako ni Shirley mula sa living room. Nakalimutan kong naka-charge pala 'yon sa sala. Kaagad naman ako nagtungo sa sala para tignan iyong text message.
"Kuya! Ano yang tangay tanga ng bibig mo?" Turo niya sa chocolate stick na nasa bibig ko.
"Ito ba? Pepero." Paborio ko kasi 'to pero akala ko ubos na, meron pa pala.
"Waaa-kuya pahingi ako."
Umupo ako tsaka kinuha ang phone kong nasa table. Hindi ko na inalis pa ang charger, hindi pa naman full charge. Binuksan ko ang message, galing pala sa kanya.
[So, did you enjoy the show?]
Inalis ko ang pepero na kinakagat kagat ko, napakagat ako sa labi. Gusto kong magalit pero pinakalma ko na lang ang sarili ko.
Tama pala ang hinala kong meron siyang kinalaman sa nangyari kanina kay Neil sa mall!
BINABASA MO ANG
Crazy Girls VS Delinquent Boys
Teen Fiction[COMPLETED] ❝Sino ang magwawagi? Ang Crazy Girls ba? Ang Delinquent Boys? O ang totoong itinitibok ng mga PUSO nila?❞ [‼] WARNING: Kung kayo po'y minor at close minded ay maaari niyong i-skip ito dahil may mga salitang hindi kaaya aya kayong maba...