Chapter 22 - Half Way 2

6K 130 2
                                    

'Maegan'

........................

"Aba'y akalain mo nga naman kanina e para kayong aso at pusa na naghahabulan ngayon nama'y para na kayong narugby sa pagkakadikit! Salamat naman at okay na kayo mga ineng dahil kahit nag aaway kayo e bagay parin kayo."





Namula kaming pareho ni Reinne ng ibalik na namin ang bangka. Naiiling iling itong nakangiti sa amin.




"e... maraming salamat po tata igno! mauna na po kami."




Tumango naman ang matanda. Nag umpisa narin kaming maglakad na makahawak kamay..

....




"Reinne!! Maghahanda lang ako ng meryenda sa kusina sumunod ka na lang ha??" Sigaw ko dito sa labas ng cr. naliligo pa kasi siya.



"okay..." sigaw niya.

...





Kasalukuyan akong nagtitimpla ng juice ng dumating si Ginger.




"aba...! maganda yata ang gising natin ngayon ah!"




"Yeah right! Hindi ka manlang ba Mag gogood morning! aga aga e inaasar mo ko!" Sabay irap ko dito ngunit ngiting ngiti parin ako.



"Haha! Right! Good Mor..."


"Ah Maegan! Saan ko isasam--"





Napatigil ang dalawa sa sabay na pagsasalita ng mga ito! shocks! Halata namang nagulat si Ginger dahil pabalik balik lang ang tingin niya sa amin ni Reinne.




"Ah... Ginger! Si Reinne! nga pala! ah... nagkita kami sa pantalan kanina!"


"Hi...!" bati rin ni Reinne.



Ilang sandali pa ang lumipas bago ito magsalita ng mahimasmasan sa pagkagulat.



"Oh!! Hi!! o e bakit dito ka pa nakiligo??"




Baklang to! ano to interogation??





"Ah... nabasa kasi siya kanina... tama! nabasa siya!" nag aatubiling sagot ko.





Kaso hindi parin kumbinsido ang baklang to! Inirapan lang ako! baka kung anu ng iniisip nito!!





"Hinabol ko kasi siya kanina sumakay siya sa bangka kaya tumalon din ako at lumangoy para habulin siya." malumanay na sagot ni reinne




Tumango tango ito mukhang kumbinsido narin.





"ah... halina kayo magmeryenda muna tayo." anyaya ko sa dalawa





"Oh no! no! dumaan lang ako sister! pabalik na kaya akong laguna! Reinne! i'll go ahead! you take care of my friend ha?"



"Yeah I will! Thanks!"





Sinenyasan ko si Reinne na ihahatid ko ito sa labas tumango naman ito.

...









"Hoy! bestie! ingat sa pagdidrive ha! call me."


"Oo na! ang OA naman e! okay na kayo nun? Ingat ka dun ha? "

Nguso niya sa loob ng bahay.








"Yes sister... thank you! sige na!"


"Grabe tinataboy na ako! o siya sige! bye!" Kumaway na ito at nagdrive na palayo. Bumalik narin ako sa loob!

...






"hey..."




Tumabi ako kay Reinne na nakaupo sa sofa na nagpapatuyo ng buhok. Inakbayan naman ako nito tska ngumiti.



"oh hey... you okay?" nag aalalang tanong nito.



"Oo naman! Meryenda na tayo?"

"Sige..."




Ngumiti ito ng pagkatamis tamis. Masaya naming pinagsaluhan ang simpleng meryenda.

..................................................................

O(∩_∩)O

Passion Of The Heart (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon