I realized when I fall for him since August, this school year. September ngayon.
Hindi ko matandaan kung ano ang nagustuhan ko sana upang mahulog ako sa kaniya ng ganito. Siguro dahil sa madalas kami ang magkasama? Magkausap? Halos kabisado na namin ang isa't isa? I don't think so. Para kasi sa akin, hindi ko iniitindi na bakla siya. Ni isa ay wala akong pinagsabihan kung ano ang nararamdaman ko para sa kaniya. Basta ang alam ko, masaya ako kapag kasama ko siya. Ilang beses ko din pinag-iisipan kung infatuated lang ba ako sa kaniya. Pero hindi rin. Natitigilan lang ako kapag nagtatama ang aming paningin. Hindi ko lang alam kung nararamdaman ba niya kung ano ang ikinikilos ko. Kahit na mapagkakatiwalaan ko naman si ate Tata ay hindi ko rin masabi sa kaniya kung ano ang pakiramdam ko ngayon. Kahit na may karanasan na siya sa pakikipagrelasyon, wala pa rin akong sapat na lakas ng loob para magsabi. Para sa akin ay tama na siguro ang ganito. Na mamahalin ko ang baklang nang palihim. Nang hindi niya nalalaman.
Tahimik lang akong nakadungaw kay Killian na abala sa pagchicheer mula dito sa kinakatayuan ko. Bakas sa mukha niya ang kasiyahan habang nagchicheer siya para sa mga player ng section namin. Nakapagpalit na ako ng damit. Nakauwi na din sina Lola, ate Tata at ate Jennifer. Kasabay nila ang mga kapatid ni Killian dahil may dala silang sasakyan. Wala siyang pakialam kung ano ang kasuotan niya, kung nagtitili siya, kahit nakakuha na siya ng pansin ng iba naming kapwa-estudyante.
Hayyy, bakit kasi kailangan pa niyang magsuot ng ganyan? Bakit may costume pa siya eh pupwede naman siyang magcheer nang nakauniporme o simpleng damit man lang. He's really going all out of what he have.
Kumawala ako ng malalim na buntong-hininga at nagpasya akong umupo sa bakanteng espasyo sa bleachers na malapit lang sa akin. Pero bago man ako tuluyang makaupo ay nagawa pa akong pansinin ang iba pang estudyante. Ang hindi ko pa inaasahan ay binati nila ako sa pagkapanalo ko kanina. Ngumiti ako sa kanila at nagpasalamat. Hindi daw nila expect na magagawa ko ang bagay na 'yon. Ang iba pa sa kanila ay instant daw na naging fanboy. Imbis na pumalakpak ang tainga at lumaki ang ulo ko sa mga matatamis nilang papuri ay pinili ko nalang na magpasalamat sa kanila na bukal sa aking kalooban. Ayoko lang magbago ang pakikitungo ko sa kanila dahil pareho pa rin kaming estudyante dito. Imbis makanood pa ako sa laban ay may mga nagpapicture pa sa akin hanggang sa dumami na sila nang hindi ko namamalayan.
Gustuhin ko sanang tumanggi na dahil medyo pagod pa ako buhat kanina ay hindi ko magawang isaboses 'yon. Maliban nalang na may marahang humatak sa akin mula sa mga tao. Nang tingnan ko kung sino 'yon ay medyo nanlaki ang mga mata ko dahil si Killian ang humawak sa akin.
"Pagod ang reyna, tama na." saway niya sa mga ito. "Makikita ninyo naman siya bukas. Siya, layas." at marahan niya akong inilayo sa mga nagkukumpulang mga kapwa din naming mag-aaral.
Kusang sumunod nalang ang katawan ko. Hindi ko man alam kung saan niya ako dadalhin. Bakit sa tuwing nahahawakan niya ako, napapakalma niya ang sistema ko? Bakit ganoon? Bakit nagiging abnormal na naman ako? Bakit ganito ang epekto mo sa akin, Killian?
"Ayos ka lang ba, inday?" biglang tanong niya sa akin nang napagtanto ko na nasa labas na kami ng Gymnasium. "Kaloka, nanalo ka lang kanina, sikat na sikat ka na." saka humalakhak siya.
Ngumiwi ako. "Mas tahimik pa rin ang buhay ko kapag hindi ako kasali sa mga ganoon. . ." then I looked away.
"Pero kung hindi ko ginawa 'yon, wala kang confidence para sa sarili mo."
Muli ako tumingin sa kaniya nang sabihin niya 'yon. Bakas sa mukha ko ang pagkagulat. "B-bakit. . .?"
Ngumuso siya saka humalukipkip sa harap ko. "You're so timid, inday." tugon niya habang nakatingin siya ng diretso sa akin. "Kahit noong una palang tayo nagkita, masyado kang mahiyain. Habang tumatagal, ang akala ko makikita ko kung gaano ka mahiyain. Pero kapag nasa inyo ka naman, ang lambing mo. Kaya ang ginawa ko, isinali kita sa mga ganyan para naman mawala ang pagiging mahiyain mo sa harap ng maraming tao."
BINABASA MO ANG
A Wave Of Nostalgia | On Going | R18+
Любовные романыHOT & NASTY NIGHT SERIES 15 : #SYNOPSIS : Habang nagdadalaga ay napagtanto ni Jovelyn na nahuhulog na siya sa kaniyang kababata na si Killian Ho. Ang problema nga lang, hindi sila talo. Bakit nga ba? Papaano kasi, hindi ang tulad niya ang hanap n...