Panimula

14 0 0
                                    

Kulubot na balat sa daliri ang dumadampi sa malamig na bote ng serbesa ng kawa-awang mag-isa sa maliit na mesa. Pamunas na papel ay patuloy nililipad, mistulang nakikipaghabulan sa hangin at hamog ng maingay na gabi. Sa sulok ay doon siya nakapuwesto habang pinagmamasdan ang tunog ng halakhakan at pinakikinggan ang mga mukhang hindi nangangawit sa pagngiti. Maliwanag na kapaligiran, hindi baba sa isang daang ilaw ang nakabukas na bumubulag sa mga matang namumula sa pagluha. Mga mamahaling alak ang dekorasyon sa bawat pader ng bahay inuman na ito. Lahat may kanya kanyang modus sa pagsasaya, may mga nagwawala sa paraan ng pag indak ng mga paang sumasabay sa tutugtuging nakakabingi sa tenga. Meron din may kumakanta habang pinapalakpan ng mga kasama sa loob ng kwartong pang magkakaibigan o pang pamilya.

Eksaktong labing-isang boteng wala ng laman. Dumighay sa pangalawang bote, nahilo nung pang lima, nakalimot sa pang walo, naalalang lahat sa huling lagok ng ika-labing-isa. Nagtatalo ang sikmura at puso sa kung uubusin paba, panghuling boteng nagsasabing, "wala na nga".

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 10, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kasarinlan sa Dalawang SalitaWhere stories live. Discover now