Tom's POV
Lahat kami ay naghahanda na nila mommy ngayong araw ng birthday ko. Masquerade theme party ang naisip ni mommy.
I'm wearing a white tuxedo and white mask. Si Audrey naman ay red gown ang napili at red mask.
Dadating kaya si Jade?
Minsan, naiinis na sakin si Audrey dahil bukang bibig ko palagi si Jade. Malinaw naman kay Audrey na magkaibigan lang kaming dalawa. Sinabi ko naman sa kanya na si Jade talaga ang gusto ko.
Pero dadating kaya si Jade? Sana dumating siya. Magiging masaya ako kapag pumunta siya.
Kinakabahan ako kasi isa-isa nang nagdadatingan ang mga bisita ko. Ang iba sa kanila ay kilalang tao talaga dito sa pilipinas.
Haaayy... Wala pa ang mga kaklase at mga kilala ko ah? Nasaan na ba sila?
"Nagdadatingan na pala mga bisita mo." Umakbay sa braso ko si Audrey. "Oo nga eh." Grabe kinakabahan talaga ako. Sana dumating ang mga kaibigan ko.
"Bro!" Dumating na din sa wakas sila Dave at Gabe. Naka black tuxedo at black mask si Gabe, si Dave naman ay naka red tuxedo at white mask.
"Kinakabahan ako akala ko hindi na kayo dadating. Mapapahiya ako kila mommy pag hindi pumunta mga barkada ko." Niyakap nila akong dalawa at inabot ang regalo nila sa akin.
"Happy Birthday bro, And cute dress Audrey." Kinindatan ni Dave si Audrey at parang nandiri naman si Audrey sa kanya.
Natatanaw ko na sila Tina, Jeremy, mga minions ni Donna, at si Donna.
Si jeremy ay naka blue tuxedo at black mask si Tina naman ay naka pink gown at pink mask, si Sher at Carol ay naka blue gown pero magkaiba ang design at white mask. Si Mandy ay naka red gown at red mask. Donna look so elegant in black gown and black mask. She stands out.Teka, nasaan si Jade?
"Sino bang tinatanaw mo diyan? Dumating na ang mga kaklase mo." -Audrey
"Sino pa ba? Edi si Jade." -Dave
"Haaayyy.. Mukang walang Jade dito ah." -Gabe
Nadisapoint ako.
Nung birthday niya nandoon ako. Ako ang unang bumati sa kanya. Ako ang unang nakasama niya. Napaka unfair mo talaga Jade.
"Ladies and gentlemen!" Lahat kami ay napatingin kay mommy na naka dark blue gown at white mask. Terno sila ni Daddy na naka dark blue tuxedo at white mask. "Maraming salamat sa pagpunta ninyo dito sa kaarawan ng nag-iisa at napaka guwapo kong anak." Lahat kami ay natawa sa sinabi ni mommy. "Sobra kong Naapreciate ang mga bagbati at mga regalong pinadala ninyo sa office ko kahit hindi naman ako ang may birthday." Nagtawanan ulit kami. "Anyway, enjoy the night!"
Grabe, may orchestra pang inimbita sila mommy. Classical na 'Happy birthday' ang tinugtog nila.
Napatitig ako sa babaeng naka white gown at white mask na nagpi-piano at tinanggal ko ang mask ko.
She look so beautiful in her white gown.
Pero hinila ako ni Audrey papunta sa table namin at hindi ko na siya matanaw.

BINABASA MO ANG
I was made for Loving you
Novela JuvenilLumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko habang nakatitig sa mga mata ko papunta sa lips ko. Gosh.. Parang kinukuryente ang stomach ko. He's making me nervous. But I like it. Oh my gosh. Why do I like it? "Jade, I want to kiss yo...