Chapter 6

192 41 6
                                    


Nagising ako sa isang di pamilyar na kwarto. Kulay pink ang ding ding nito pati ang kisame. Kulay pink ang wardrobe nito, pati ang sofa nito, pati na rin ang kama pero hindi, pinkpala lahat. Pink. Napabatok ako sa sarili ko. Pink, ang MAKO ko.

Pero may napansin ako, litrato. Isang litrato isang batang babae at isang lalaki. Si Pink at ang kanyang Ama. Nakangiti si Pink sa litrato pero pamilyar ang mukha niya. Napahawak ako sa ulo ko, bigla kasing sumakit.

May isang litrato ulit. Isang napakaduming bata na nagkalat ang hawak nitong icecream sa mukha niya pero abot tenga parin yung ngiti pero bakit? Bakit ako andito sa litratong ito? At ang katabi nitong babae na naka simangot na mas madumi pa kesa sa sakin? Si pink si Pink ang katabi ko sa picture na ito pero bakit kami andito sa litratong ito?

"Aish." biglang kumirot ang ulo ko. Putek! Hang over ata eto, pero teka di naman ako uminom ah. Nilagnat pala ako. Naglibot-libot ako sa kwarto ni Pink. May isang malaking picture frame. Isa siyang painting, isang batang babaeng nakasakay sa swing at isang lalaking nakasakay sa isa ring swing. Ako yung batang lalaki. Alam ko yun, ang scarf na sout ko sa litrato ay ang scarf na binagay ng kakambal ko.

" BLUE'Y ❤ PINK'Y "

Ang nakalagay sa litrato.

"Pinky? Bluey?" naguguluhan kong tanong sa sarili .

"Naalala mo na ba?" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.

Hindi ko alam kung paano nangyari basta bigla na lang nag flashback sa isipan ko ang lahat. Si Pink ang kaiisahang bestfriend ko na babae at ang first love ko.

"Bakit moko iniwan Pink?" seryoso kong tanong.

"Mabuti naman at naalala mo na." nilagpasan niya ko at tumayo siya sa malaking picture frame at hinihimas ito.

"Hindi kita iniwan. Umalis lang ako." bahagya akong napatawa.

"Umalis? Nang hindi nag papaalam? Bakit hindi mo sinabi na ikaw si Pinky? Na yung bestfriend kong nang iwan nang iwan ng walang pa sabi-sabi, alam mo bang mukha akong tanga na pabalik balik dun sa park? Nag hihintay at umaasang darating at makita kang muli pero wala ka. Maraming beses at ilang taon akong pabalik-balik doon pero wala, wala ka at nag eenjoy ka pa talagang lokohin ako! Ano? Masaya ka ba? At ngayon iiwan mo ulit ako matapos mo kong hinayaang mainlove sayo." nilamon ako nang galit ko at bilang sagot sa sinabi ko ay ang isang mahanghang na sampal ang natanggap ko mula sakanya.

"Ngayon? Ikaw pa yung galit? Ikaw yung inosente dito at ako ang mali? Ganon ba? Nag enjoy ka ba?" nakatanggap ulit ako ng sampal pero sa kabilang pisnge. Napahawak ako sa pisnge ko. Napangisi ako.

"Hindi kita iniwan dahil umalis lang ako. Namatay ang Lolo ko sa mga panahong iyon at sa mga panahong kailangan kita ay wala ka sa tabi ko. Ikaw Blue, ikaw ang nang iwan sating dalawa. Dumating din ang panahong Nagkasakit ang Mommy ko at kailangan ko siyang bantayan sa hospital. Kailangan ako ni Daddy. Sa mga panahong iyon rin pabalik balik ako sa lugar kung saan tayo nagkikita at tumatakas ako sa hospital. Uminit umulan umaasa akong makita ka doon."

"Hanggang sa nawala ang Mommy ko. You waren't there to comfort me dahil iniwan mo ko. Sabi nila umalis ka papuntang states and you left without any words."

Jane Pink POV

Sasagot pa sana siya pero inunahan ko siya,

"I waren't enjoyed but instead I get hurt knowing that you forgot me. You don't know that feeling right that you're not even recognize sa taong mahalaga sayo and right from the start I warned you but you're not even listening so it's not my fault after all." naging blanko ang kanyang ekspresyon.

Mako kasi Mahal Ko Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon