Chapter Seventeen

26 0 1
                                    


SEVENTEEN



"Paano ba yan Xyrus. Dito na kami." Paalam ko dito. Nna kasi kami ngayon sa school at kakahatid lang niya sa amin sa room namin ni Sab.




"Okay, bye. See you later Ella." Sabi nito at naglakad na paalis. Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin pero parang ipinapahiwatig niyang hindi pa ito ang huli naming pagkikita.




"Bye fafa Red. See you din." Kinikilig naman na sabi ng katabi ko. Walang iba kundi si Sabrina.




"Oh tara na couz. 'Wag kang mag-alala sinabi naman niyang magkikita pa kayo diba? Kaya 'wag kang magdamdam diyan" sabi nito sa akin. Natawa naman ako sa kanya. Loka-loka talaga 'tong pinsan ko.




"Tara na nga!" Natatawa kong sabi kay Sab. Nagsimula na kaming maglakad papuntang classroom. Pagkapasok namin sa room wala pang Prof. kaya nag hanap na kami ng mauupuan namin.




"Alam na ha." Paalala ko dito. Sumang ayon lang ito sa akin at tumungo na kami sa likuran upang malaman kung may bakante pa doon. Umuupo kami lagi sa likuran para pag naghaharuta kami o nagdadaldalan hindi kami mahuhuli ng Prof. Nagkwentuhan lang kami doon ni Sab at iniintriga niya ako tungkol sa amin ni Xyrus na wala naman talagang kami.



Tinanong niya ako kung kami na daw ba o nanliligaw na daw ba sa akin at marami pang iba. Iniiba ko na lang yung topic tungkol sa kanila ng gay crush niya na wala rin namang sila. Maya-maya pa at dumating na din si Prof. kaya tumigil na din siya sa kakatanong niya sa akin.




"Hindi pa tayo tapos. Mamayang break ha?" Pahabol pa nito. Inirapan ko lang ito.




"Okay class. Let me introduce to you Mr. Xyrus Red Sandoval, the one and only son of Mr. Xian Sandoval. Magiging classmate niyo na siya sa subject at sa time ko." Pagpapakilala ni Prof. sa kanya. Iba talaga kapag anak ng may-ari ng school. Prof. pa talaga mismo ang nagpakilala sa kanya at mukhang alagang-alaga ng school ito. No wonder na spoiled siya.




"Hi, i'm Xyrus red but please, call me red. Dahil espesyal na tao lang sa buhay ko ang tumatawag sa akin ng Xyrus." Nakangiting pakilala nito sa sarili pero mahahalata mong may kasama itong pagbabanta. Pagkatapos na pagkatapos niyang magsasalita, yung tahimik na klase kanina naging maingay dahil sa mga babae at binabae naming classmate na kilig na kilig kay Xyrus. Susme!




"Class quiet! Okay, you can find your seat now." Sabi ni Prof. kay Xyrus este Red pala sabi niya. Baka ipabugbog ako bigla eh.



Tumango lang ito kay Prof. at iginala ang mga mata para makahanap ng mauupuan niya. Lahat ng kaklase kong babae ay inaaya itong umupo sa tabi nila pero parang hangin lang sila na hindi nito napapansin. Panay ang lingon nito na para bang may hinahanap na kung sino nang biglang nakisali si Sab sa pang-aaya kay Red.




"Dito ka na lang Red!" Pang-aaya din ni Sab dito. Akala mo naman maaaya niya ang isang yan.



Grabe. Ganito ba kagwapo ang lalaking 'to kaya nagkakaganyan ang mga kaklase ko? Pati ang mga bakla. I mean, oo gwapo nga siya at ang init din pero siya na lang ba ang gwapong nilalang sa mundo?




"Baka matunaw ako niyan Babe?" Sabi nito sa akin? Nagulat na lang ako ng nasa harap ko na pala si Red at naririnig ko ang bulung-bulungan ng mga kaklase ko lalo na ng mga babae.





"H-huh? ako?" Sabi ko sa kanya at itinuro ko pa ang sarili ko para makasigurado.





"Sino pa ba ang babe ko? Ikaw lang naman eh. Walang iba, promise!" Sabi nito. Itinaas pa niya ang kanang kamay na parang nangangako talaga.




"Upo ka na sa tabi ng babe mo fafa Red hihi." Kinikilig pang sabi ni Sab. Kahit kailan talaga 'tong babaeng ito.




"Uy Sabby, sino 'yang fafa ni girl?" Pang iintriga ni Cooper kay Sab. Yep, classmate namin siya.



Ang gay crush ni Sab na 'Sabby' daw. Classmate namin siya sa first and last lang na subject dahil parehas kami ng course na tatlo and i think pati itong Red na 'to. Mag classmate din kami sa Cooking Lesson dahil HRM ang course namin. Ewan ko lang dito sa isang 'to.




"Si Red, boyfriend ni couz!!" Sabi ni Sab. Kilig na kilig pa rin ito. Buti hindi pa siya napapagod.




"Tigil-tigilan mo ako Sabrina ha." Pagbabanta ko rito. Nakakakilabot kaya.




"Chill girl, i'm sure liligawan ka din niyan!" Dagdag pa niya. Did i mention na ang bulong ni Sab ay sigaw? ang lakas kasi bumulong niyan.





"Oo nga girl!" Bulong din ni cooper na malakas din naman. Sana hindi na lang sila bumulong diba.




"Oo nga babe." Singit naman ni Red. Nakangiti pa ito na abot bunbunan na ata.




"Nako tigilan niyo ako ah." Sabi ko at tumingin na lang kay prof. Kahit nasa galaxy pa ata ang utak ko. Itong tatlo kasi ang kukulit.



**


AbnormaLove (abnormal love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon