Andito ako ngayon sa kwarto ko. Medyo late na pero, hindi padin ako tinatamaan ng antok. Hindi dahil stress o malungkot ako. Kundi dahil sa sobrang kinikilig padin ako sa ginawa ni Denise kanina.
Hanggang ngayon, hindi padin ako maka get-over! Biruin nyo yun? HINALIKAN NYA AKO!! Kahit anong pilit ko matulog, hindi ko magawa. Ramdam ko pa kasi yung mga labi nya sa pisngi ko.
Alam ko na! Tumayo ako sa pagkakahiga ko sa kama at lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng gatas. Sabi kasi nakakatulong daw yun para mas mabilis makatulog. Matapos ko uminom ng gatas, bumalik na ulit ako sa kwarto. Ilang oras ulit ang lumipas bago ako tuluyang tamaan ng antok.
Simunod na umaga. Maaga akong nagising. Ewan ko pero kahit 3 hours lang yung tulog ko, feeling ko energized na energized ako. Idagdag mo pa yung saya na naramdaman ko nung mabasa ko yung text ni Denise sa akin. Simpleng Good Morning lang naman yun, pero yun ang nagpakumpleto ng araw ko.
Nireplyan ko naman sya. Magandang umaga, isa kang bulaklak. Ang corny, pero yun talaga yung sinend kong message. Gusto ko, kahit sa text, maramdaman nya na special sya sa akin. Parang bulaklak. Hindi sya nag reply kaya inisip ko nagpeprepare na sya para pumasok. Kaya ganun din yung ginawa ko.
Agad akong Bumangon sa kama tapos dumiretso na sa banya, naligo tapos nag bihis na ng uniform. Pumunta na ako sa dining room para magbreakfast na. Naabutan ko si Dad. "Good morning, Dad." masaya kong bati sa kanya. "Good morning, Anak." sabi nya. Napansin kong medyo fidget si Dad. Bakit kaya? "Dad, may sasabihin ako.." "Mico, I want to tell you something.." sabay kami nagsalita, kaya pareho kami natigilan. Nagfrown ako sa kanya. "What is it?" tanong ko. Kinamot nya muna yung noo nya bago sya nagsalita.
"Anak. I'm seeing someone." sabi nya. Hindi muna nagprocess yung sinabi ni mad sa akin. "You mean, You're dating someone?" tanong ko. Yun kasi yung pagkakaintindi ko. "Yes." sagot nya. "Really?" masayang tanong ko. Nagulat sya sa reaksyon ko. "It's okay with you?" tanong nya. "Ofcourse, Dad! I'm 18. Matanda na ako para hindi ka maintindihan Dad. Tsaka it's about time, na magkaron na ako ng kapatid. haha..." pagbibiro ko sa kanya. Huminga naman ng malalim si Dad, feeling ko na relief sya na hindi ako galit. "So, What's her name?" tanong ko ulit. "Julia." sagot ni Dad. "What should I call her, Tita? or Mommy?" nakangiti kong tanong. "You can call her, Tita, or Mommy." nakangiti nya ding sagot. "Thank you, Son." sabi nya.
"So, what do you want to say?" tanong nya. Ay oo nga pala. "Uhmm... Me and Denise. Are in a good terms, right now." sabi ko.
Natapos na kami magbreakfast. Nakakatuwa naman ngayon. Love is working well for me and dad. haha... Biruin nyo yun, kung tutuusin. Sabay pa kami magkaka-Lovelife. Haha...
Nakasakay ako sa motorbike ko papunta sa school. Nang malapit na ako sa gate, nakita ko si Denise na naglalakad kaya binagalan ko yung takbo ng motor. Para masabayan sya. "Good morning, Denise." bati ko sa kanya. Lumingon naman sya sa akin.
Huminto ako sa tapat nya tapos inalis ko yung helmet sa ulo ko. Matapos yun, binigyan ko sya ng isang magandang ngiti na sinuklian nya din ng ngiti. "Sakay ka na," sabi ko. Tumawa sya ng bahagya, "Wag na, andtito na tayo sa gate eh." sagot nya. "Sige na, please!" pagpapacute ko. "Sîge na nga!" sabi nya. Haha... Laging gumagana pag papacute ko sa kanya. Dapat pala dati ko pa naisip magpacute. Nagpark lang kami. Tapos pagbaba namin, kinuha ko yung dala nyang bag para ako na magdala.
Nung una, umaayaw pa sya pero dahil mapilit ako at... Ahem, Cute. Pumayag din sya. Habang naglalakad kami, ramdam na ramdam ko yun 'sexual tension'. I mean, yung 'romantic na sexual tension'. "Denise?" sabi ko sa kanya. "Hmm..?" sagot naman nya. "Okay lang, kung hahawakan ko yung kamay mo?" tanong ko, pero hindi na ako naghintay ng sagot. Hinawakan ko na yung kamay nya. Halatang nagulat sya, pero hindi naman sya nagreklamo. Kaya I assume, okay lang sa kanya.
Sa hallway, lahat ng tingin ng mga estudyante nasa amin. Holding Hands padin kasi kami. Nakita kong makakasalubong namin si Marion, and nakatingin din sya sa amin. Napansin kong naging uncomfortable si Denise. Tinry nyang kumawala sa pagkakahawak ng kamay namin pero I don't let her.
Hindi na ako papayag na, makawala pa sa akin itong chance na 'to. Mas lalo ko pang hinigpitan yung hawak sa kamay nya, hanggang makalampas sa amin si Marion.
BINABASA MO ANG
ALMOST Lover
Short StoryIto ay ang kasunod na istorya matapos ang Third Party story at #CertifiedTorpe entitled Almost Lover.