Nagising na lang ako..at may mga naririnig akong nag-uusap pero mahihina lang parang nagbubulung-bulungan lang sila para hindi ako magising..pero wala namang kwenta dahil gising na talaga ako..pagising ko tiningnan ko agad paligid ko may nakita akong isang matandang babae hindi naman ganon katanda mga 40+ ganon tapos ayun may binata tsaka dalaga at may matanda ding lalaki parang mga kaedad din nung isang babae basta ganun anggulo..
" Isabelle ayos na ba ang iyong pakiramdam?may masakit pa ba saiyo?" Sunod- sunod na tanong sakin nung matandang babae..
Hindi ako sumagot sa halip kumunot lang noo ko naguguluhan ako sa nangyayari bukod sa mga nakikita ko sakanila kakaiba ang kasuotan nila balut na balot ang init init kaya tsaka..ay teka pamilyar sila..ngayon lang nagprocess sakin lahat sila yung nasa panaginip ko tsaka yung pananamit nila luma na ang gara tingnan..
"Ina baka hindi pa maayos ang kalagayan ni Isabelle?" Sabi naman nung dalaga sa matandang babae..tingin ko base sa pagtawag niya sa matanda nanay niya yon..
"A-asan a-ako?" Tanong ko sakanila..
"Iha ayos na ba ang iyong pakiramdam? Andito ka sa iyong silid pagkat nawalan ka kanina ng malay tao" pagsagot sa akin nung matandang lalaki...
Bumangon ako sa pagkakahiga tinulungan naman nila ako.."P-pero hindi ko naman kwarto to tsaka sino ho ba kayo?"pagtataka ang bumabalot sa buong mukha ng mga taong nasa harapan ko...
"Isabelle bunso hindi mo ba kami nakikilala?" Sabi naman nung binatang lalaki..
Umiling naman ako..kasi actually di ko talaga sila kilala guysuee charengg!! At talaga nga naman nagagawa ko pang magbiro sa sarili ko sa oras ng sakuna! Charengg!
"Paano niyo po nalaman yung pangalan ko?" Tanong ko naman sakanila
Pero sa halip na sagutin nila ako nagtinginan lang sila..kaya nagtanong ako uli makulit kasi yung lahi ko."Kilala niyo po ba ako? Kasi ngayon ko lang po kayo nakita tsaka pwede po ba iadjust niyo ng konti (with matching actions sa kamay ko kasi nga konti) yung pagbasa niyo sa pangalan ko y-sa-bel hindi po Isabel sounds old kasi heheh" pakiusap ko sakanila na may pa smile pa konti para naman magmukha akong mabait minsan lang yann..so balik tayo..
" diyos ko po! Iha ano bang nangyayari sayo? May masakit ba? Bakit parang hindi ka ang amin anak? Isabelle?" Emosyonal na sambit nung matandang babae at may paiyak pa ang lola niyo! Myghad! Wala naman akong ginagawa sakanya bigla na lang nag-iiyak..nagkagulo tuloy sa kwarto..ako naman ayun shookt! Nagsipasukan naman yung mga maid sa loob ng kwarto ko kasi narinig nila ata ang iyak ng matandang to..
" paulita ilabas mo muna ang aking asawa upang siya'y kumalma" utos naman nung matandang lalaki dun isa sa mga dalaga na pumasok sa kwarto
Tapos yung iba naman mga maid yass! Maid dahil mukha silang mga katulong..hindi naman sa mapanglait ako medyo lang pero hindi base kasi sa itsura nila at pananamit..
Ayon nakatunganga lang nakatingin lang sakin.."Isagani lumabas na muna kayo ni Celestina ako ng bahala rito" utos naman nung matandang lalaki dun sa binata na pangalan pala ay Isagani tapos dun naman sa dalaga Celestina pala pangalan.
"Ngunit ama..paano po si Isabelle?" Tanong naman nung Celestina sa tatay niya ata ewan ko bala sila dyan!
Di ko na dapat problemahin ang kailangan kong gawin ay makalayas at umuwi na samin tsaka asaan ba si kayla? Anukaba! Naman ysabel ba't ngayon mo lang naisip hanapin yung kasama mo shit! Mamen..paano ko nga pala siya hahanapin eii ako nga di ko alam kung saan to! Jusko po ano tong pinasok ko!?!
"ako ng bahala rito.."mahinahong sabi nung tatay nila sakanila at mukhang wala naman silang nagawa at umalis na sila pati yung mga maids..
Biglang humarap sakin yung matanda tapos nakatingin siya sakin ng sobrang seryoso napalunok naman ako sa sobrang kaba at mukhang may sasabihin siyang napakaimportante kaya naman nung pagkasarado nung pintuan nung kwarto nagsalita siya agad..
BINABASA MO ANG
The Girl In The Past
Ficción históricaIts a story of a girl in the present that travels back in the past to do her mission to fix someone's life....