Nakakakilig na chapter. joke
---------------------------
*Deck the halls with bows of holly falalalala~~~*
Feel na feel ko na ang pagpikit ko dahil konting urong ko na lang e magtatagpo na ang labi naming dalawa. YES! Pero NO! Kasi biglang pumasok si Tyrell at may hawak na mga regalo. "Ho! Ho! Ho!" I'm Santa Claus! At dala ko ang mga regalo mula sa iyong mga fans sa labas!" masayang bati nya. "OOPS!" naibagsak nya ang mga bitbit na regalo dahil nakita nyang nag-aapoy na ang mga mata ko at ang nakangusong labi ko. "Sorrehh.~" ngiti nya.
Kinuha ko ang unan sa tabi ko at binato sa kanya, "Bastos ka talaga! Sana kumatok ka muna di ba?!" sigaw ko sa kanya.
Natatawa naman ng mahina si Qwerty sa tabi ko, hay nako! Moment na yun oh! Yun na eh, yun na pinakahihintay ko after several years. Tas sisirain lang nitong Tyrell na 'to! Huhu, lagi na lang.
"Nagsorry na nga eh, ito naman.." pinulot nya yung mga regalong nabagsak nya.
"Haha, nagsosorry na naman si Tyrell, teka tulungan na kita." tumayo si Qwerty at tinulungan si Tyrell na mag-ayos ng regalo.
"Grabe, mahal na mahal ka ng fans mo." sabi ni Tyrell.
"And so?" binuksan ko yung tv at tas naglipat ng channel.
"Bad vibes ba talaga pagpasok ko? Gusto mo lumabas ulit ako?" tanong nya at aakmang lalabas nga.
"WAG NA!" pigil ko sa kanya. "Okay na yun, baka kung ano pa abutan mo kung hindi ka dumating agad."
Agad naman akong hinampas ni Qwerty ng unan na hawak nya sa ulo. "Kung ano-ano na naman yang pumapasok sa kukote mo!" tapos ay inirapan nya ako ng matindi.
"Wag kang feeler. Di ka maganda." sabi ko sa kanya pero sa pagkakataong ito e napikon na ata sya at sinabunutan ako ng sobra.
"AARAY! WAG! HOY!!!" pigil ko sa kanya. "MASAKIT!"
"Di pala ako maganda ah! Sige lang!" mahigpit pa rin ang paghila nya sa buhok ko.
Lumapit si Tyrell at namagitan sa aming dalawa, "Tama na yan!" pigil nya kay Qwerty. Agad naman nyang binitawan ang buhok ko, "ouch~" mahina kong bulong habang hinihimas yung nabanat kong anit.
"Makakalbo mo na si Stone eh." sabi ni Tyrell.
"E kasi naman." naghalukipkip na lang sya at huminga ng malalim. Napatingin na lang kaming lahat sa palabas sa tv.
"Di pa rin sila nagsasawa sa palabas ni Anthony?" tanong ni Tyrell.
"Tss" 'Anthony na naman.'
"Patayin mo na lang yung tv, tignan mo, kunot na naman yang noo mo eh." pinitik ni Qwerty yung noo ko.
"Masakit yun ah! Oo na." tinurn-off ko na yung tv at humiga na muli ako sa higaan ko. Samantalang abala si Tyrell sa pagbubukas ng regalo.
BINABASA MO ANG
Best Absolute Pogi (BAP Book 2) [DISCONT.]
Humor"Ako si Moon Stone, ang pinakapogi sa balat ng tinalupan, pero si Qwerty melabs hindi pa rin tinatalaban ng poging powers ko. Paano na?" Ang prologue po nito'y nasa last part ng Book 1 Cover credits: @cutiegogo ^__^