Chapter 4: (seyzie's pov)

72 2 0
                                    

Sinara ko na ang libro ko.

Tapos na ako magaral para bukas. Dahil marami pa akong oras. Nagopen muna ako ng facebook at nakita ko na madami dami rin pala akong friend request pero laking gulat ko nung nakita kong ina-add ako ni justin. Inaccept ko nalng lahat

Habang natingin tingin ako may nagchat sa akin

Justin: pstt nerd!
Di ko nalang pinansin. Nag scroll down pa ako para magtingin ng mga kung ano anong nangyayari.

Justin: ay sikat? Seenzone lang ako?
Seyzie : bakit ba?
Justin: ay galit? Ikaw na nga tong chinat eh.
Seyzie: nakita mong galit?
Justin: hinde
Seyzie: ano ba kasing kailangan mo?
Justin: sa practical test na group essay?
Seyzie: oh?
Justin: punta ka dito. Gagawin natin
Seyzie: ayoko, tinatamad ako
Justin: ala naman'
Seyzie: ikaw gumawa leader ka ah?
Justin: talaga! The best leader!
Pff. Ang yabang talga!

Sandali lang di ko namalayan na nakangiti ako.

Wahh anyare?
Nag off nalang ako at nagbasa nalang ulit. Tinignan ko ang cellphone ko. Wala ba talagang may balak na kumausap sa akin? Bored na bored na ako dito sa bahay.

Ilang sandali lang.

"Seyzie!" nabigla ako ng tawagin ako ni nanay sa baba

"Po?!"
"Halika dito. May bisita ka"

Agad akong tumakbo pababa, sino ba yon?

O.O
.
.
.
"Ngayon ka lang nakakita ng poging dumalaw sayo?"

"Anong gingawa mo dito?"

"May gagawin daw kayong assignment anak," sabat ni mama

"Huat?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mama.

"Di mo sinabi eh.. Ay, nak. Dadating tito jerry mo, dun nalang kayo sa kwarto ni Sean, bantayan nyo narin" tinuro nya ang kwarto mh kapatid ko

"Ma?"

"Bilis baka dumating na!"

Best parents ever! *clap* *clap*
Napatingin ako kay justin, nakangiti siya sa akin.

"Taas na ako" nagtatakbo si justin pataas ng kwarto ni sean. Tinuro kasi ni mama kaya alam na niya.

Hinabol ko naman siya pataas.

"Ate! Anong ginagawa nya dito?" Tinuro ng kapatid kong 6 years old si justin

"Dito na ako titira!" Biro ni justin. Umupo siya sa kama ni sean

"Ayy, ano joke lang yon!" Nakangiting sagot ko,

Takang taka si sean.

"Gutom na ako!" Lumabas si sean para kumuha ng pagkain

"Kuha mo din ako!" Sabi ni justin

"FC masyado?" Sabi ko

"Eh sa nagugutom na ako"

"Di ka bibigyan non, ako ngang kapatid nya di binibigyan eh" sabi ko

"Well, ang liit pala ng bahay mo?" Sabi nya

Mayayaman nga naman.

"Syempre malaki bahay nyo eh" sabat ko. "Teka, paano mo nalaman bahay ko?" Dugtong ko.

"Kay joey? "

Si joey nakakatandang kapatid nya. Pumunta yon sa bahay namin nong nagaral kami para sa group quizbee.

"Ano ba talagang gagawin mo dito?"

"Group study? Ayaw mo sa bahay ko eh?" Humiga siya sa kama.

"Oh kuya!" Biglang pumasok si sean na may dalang cookies para kay justin

"Oy, salamat!" Kinuha naman ito ni justin.

"Ako wala?" Sabi ko sa kapatid ko.

"Di ka nagsabe ate!"

Inapiran naman ito ni justin. Hala? Close na sila ngayon?

"Gusto ko may katulong ako sa paggawa" sabi ni jusyin

"Aba bakit ako?" Tinuro ko ang sarili ko.

"May lakad tropa ko. May date, ako wala"

"Kasalanan ko?" Napatingin ako sa kapatid ko. Nagtatakbo sya pra kumuha ng libro sa bookshelf

nakita ko na tumaas siya sa closet.

"Wala lang ikaw nalang sana".

Umuga ang closet kaya konting nung gumalaw si sean.

"Wahhhh! SEAN!" nagtatakbo ako para masambot ko si sean pero dahil lampa ako.

Bagsak ako. Pagtingin ko kay sean nasambot siya ni justin.

Hay salamat!

"Wahh! Sean naman kasi" tumayo ako para kunin si sean.

"Lampa!" Rinig kong bulong ni justin. Lumabas siya ng kwarto

Wah bat kasi ang lampa lampa ko.

"Ayos ka lang sean?"
Pagtingin ko sa kanya nakangiti siyaa.

"Superhero si kuya!" Sobrang ngiti nya.

Teka ano ung sinasabi ni justin kanina? Sana ano? Ano un?

Bumalik si justin may dalang band aid.
Binigay nya saakin yon.

"Gagawin ko dito?" Kinuha ko ung bandaid. Wala namang galos si sean ah.

Tinuro nya ang braso ko. Wahh may sugat ,nadali pala ako sa kahoy na nakausli sa kama nung natumba ako.
Wahh! Ang sakit!

Kinuha nya si sean sa akin, tapos kinuha nya ung libro na aabutin sana ni sean.

Napatingin ako sa kanila. Napatingin ako kay sean saka kay justin habang ginagamot ko ang sugat ko.

May kabutihan din palang alam tong si justin. Hindi puro yabang.
---
End of seyzie's pov

Friendly EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon