Jam's POV
URRGGGHHHH! Nakakainis naman si Kulet! Ang arte arte, daig pa babaeng may PMS! Bakit ko ba naging boyfriend yun? XP
Hahahaha jooooke. Lalabs ko yun si kulet eh. Mas maarte lang talaga sa akin minsan. :")
Ako nga pala si Jam Bonifacio. Isang college student na naging boyfriend ang kanyang super duper handsome, talented, sensitive but caring bestfriend na si Jerry Tan. Pangalan pa lang, boompanes na noh? Yiiee, hart hart. <3
"Good evening po, tita." Bati niya sa mama ko. Psh. Pambihira. Makikitulog siya dito tapos hindi niya ako papansinin? Sa kuwarto ko siya matutulog pero sa mama ko siya nagpapaalam? -___- Magaling, magaling. Kepel muks eh. XD
Ang babaw naman kasi ng pinagsimulan ng pagtatampo niya. Ganito kasi yun...
....FLASHBACK....
"Kulet, baby ko!" Pagtawag niya sa akin pagkalabas ko ng restroom ng girls. Nandito kami sa school ngayon at naghahanda para sa intrams.
"Oh, bakit kulet?" Tanong ko.
"Wala, na-miss lang kita." Sabi niya sabay yakap sa akin ng mahigpit. "Yiiee. Kinikilig si kulet oh. Hahaha." Pang-aasar niya pa.
Okay na sana eh. Haha. "Asar ka." Sabi ko at bumitaw sa yakap. Natawa nalang siya at umakbay sa akin.
"Nga pala kulet.." paninimula niya. "Bakit yun?" Tanong ko.
"Nood ka sa akin sa intrams ah. Gusto ko ipag-cheer mo ako. Yung kagaya ni Kathryn Bernardo sa SDTG? Gusto ko yun. Pero dapat "Go sexy, kulet!" ang sasabihin mo." Sabi niya habang ginagaya ang sayaw ni Kathryn.
"Nakakahiya naman yun! Ayoko nga. Sa palabas lang nangyayari yun eh. =3=" Sabi ko. Bigla naman niya akong ninakawan ng halik dahil naka-pout ako.
"Magnanakaw ka." Sabi ko habang natatawa. "Sus, ikaw kaya yun. Ninakawa mo nga ang puso kong matagal ko nang iniingatan eh." Banat niya.
"Wehehe. Waley ka, kulet." Sabi ko. "Hahaha. Sayo lang ako waley noh." Sabi niya.
"Ibig sabihin, sa ibang babae, havey ka? Ganun ba yun, Jerry?" Inis na sabi ko. Oo na, OA na ako. Ayoko lang talaga na gagawin niya sa iba yung ginagawa niya sa akin. He's mine! Bleeehh! :P
"Haha. Selosa ka talaga. Ikaw lang naman baby kulet my lalabs ko eh. Tsaka bakit Jerry tawag mo sa akin? Kulet dapat eh." Naka-pout na sabi niya.
"Edi kulet. Tss, arte. Halika nga dito." Sabi ko at niyakap siya with matching siksik ng ulo ko sa dibdib niya. "Ang bango mo, kulet." Sabi ko.
"Mabango talaga ako. Alam ko kasing aamoy-amoyin mo ako eh." Sabi niya at yumakap pabalik at bumitaw na. Tumingin siya sa orasan at ngumiwi. "Bakit?" Tanong ko.
"=3= Tapos na breaktime namin. *Tsup* Nood ka bukas ah. I love you so so so so so much! Bye, baby kulet my lalabs ko!" Sabi niya habang tumatakbo palayo at kumakaway.
Kumaway din ako pabalik at ngumiti. "I love you too!" Sigaw ko pabalik. Naglakad na ako pabalik sa room.
Pumasok ako sa room at sinalubong ako ni Lala. "Oh, patatas! Musta?" Tanong ni Lala. "Tss. Kanina lang, nagkita kayo diba?" Sabat naman ni Artemis.
"Adik ka na, Lala." Sabi ni Jin."May tinapa ba sa canteen?" Singit ni Matt. "Teka, ang iingay naman ninyo. One at a time. Kawawa si Jam!" Pag-awat ni Jen. "Oo nga!" Sabay sabay na sagot nila Josh, Joana, Jianne at Harraf
"Ang gulo niyo!" Sabi ni Maiyang. "Shhhhh! Walang maingay!" Sigaw ko. Grabe, ang gugulo nila! Kung nagtataka kayo kung sino sila, aba'y sila lang naman ang mga kaibigan kong baliw. Gumawa kami ng grupo na tinawag na "TPA or Taong Patatas Association" dahil uso ang patatas ngayon. Pfft.
"Walang tinapa sa canteen?!" Hysterical na tanong ni Matt kay Francis. "Malamang!" Sagot ni Francis. "Katarungaaaan!" Sigaw ni Matt na nakaagaw ng pansin ng classmates namin. Hinayaan nalang namin siya dahil sanay na kami sa kanya. Hahaha.
"Jam!" Tawag ni Francis sa akin. "Oh? Wazzup?" Pagbaling ko sa kanya. "Sama ka samin bukas ah." Sabi niya. "Saan? Papanoorin ko pa si Kulet eh." Sagot ko.
"Sa mall lang. May bibilhin kami. Tsaka hindi naman tayo magtatagal eh." Sabi niya. "Sige, sige." Pagpayag ko. Hindi naman magtatagal, makakanood pa ako ng laban ni Kulet.
~~~~~Kinabukasan sa mall~~~~~
"Ui! Bilisan na natin!" Sabi ko sa mga lalaking kasama ko. "Teka, ang haba kaya ng pila." Bagot na sagot ni Francis. "Psh. Wala namang tinapa dito." Sabi ni Matt. Sumama siya kasi akala niya may tinapa dito eh nasa store for clothes lang kami pumunta.
"Chill ka nga lang, Jam. Hindi pa magsisimula yun!" Sabi ni Jacob. "Bakit naman?" Tanong ni Vash kay Jacob. "Oo nga, bakit?" Tanong ko. "Hindi ko rin alam eh. Tanong niyo si Kaizer, alam niya yan. Haha!" Tatawa-tawang sabi ni Jacob.
"Kaizer, bakit hindi pa magsisimula yung game?" Tanong ko. "Wala pa kasi ako." Sagot niya. "Ano naman?" Tanong ko ulit. "Guwapo kasi ako. Walang magchi-cheer hangga't hindi nila nakikita kaguwapuhan ko." Mahangin na sagot niya.
"Tss. Walang kwenta. Bilisan niyo nga!" Banas na sigaw ko. "Oo na! Magbabayad na!" Sabi ni Francis. "Bili tayo tinapa mamaya ah." Sabi ni Matt kila Jacob. "Ge ba. Anong klase ba?" Tanong ni Jacob. "Yung chocolate flavored." Seryosong sagot niya.
Nagsitawa naman sila Kaizer, Jacob, Francis at Vash. Hindi ko nalang sila pinansin. Naiinis na ako. Ang tagal! Male-late na ako!!!
~~~~Sa School~~~~
Tumakbo na ako papuntang gym. Narinig ko na yung sigawan at yung buzzer. Pagpasok ko sa loob ay nakipagsiksikan pa ako para makita si Kulet. "Excuse me!" Sigaw ko para tumabi sila. Dumaan ako sa pagitan ng mga tao at nakaabot naman ako sa harap.
"Go Kulet!" Sigaw ko agad. "Wooooh! I love you, kulet!" Nakita ko siyang tumingin sa akin at nag-pout. Binalik niya ang tingin niya sa bola at naglaro. Ako naman, todo sigaw lang. Syempre noh, supportive girlfriend here!
Pagkatapos ng laro ay nanalo sila Kulet. Hinanap ko siya at nakita ko siya sa may locker nila. "Congratulations, kulet! Ang galing mo naman kanina!" Masiglang bati ko nung yumakap ako sa likod niya. "Bakit late ka?" Nagtatampong tanong niya.
"Galing kasi ako sa mall. Inaya ako nila Francis eh. Sabi nila--" pinutol niya ang sasabihin ko. "Francis? Sino pa kasama mo?" Tanong niya.
"Sila Kaizer, Vash, Matt, Jacob at Francis." Naka-pout na sabi ko. "Mga lalaki? Na-late ka sa game ko dahil pumunta ka sa mall kasama ang mga lalaking yun." Sabi niya at bumuntong hininga. "Sorry.." nakayukong sabi ko.
"Excuse me." Sabi niya at tinanggal ang kamay kong nakayakap sa beywang niya habang nakatalikod siya. "Kulet. Sorry na. Pinag-cheer naman kita eh." Sabi ko. Hindi niya ako sinasagot. "Uuwi na ako. Ingat ka." Sabi niya at umalis na.
....FLASHBACK....
That's it. And ngayon, nandito ako sa kuwarto ko at naghahanda ng higaan ko. Pumasok naman si kulet sa kuwarto ko kaya napatingin ako sa kanya at lumapit. "Bati na tayo?" Tanong ko.
Hindi niya ako sinagot at naglatag lang ng higaan niya sa airbed sa sahig. Nakatingin lang ako sa mga ginagawa niya. "Kulet, sorry na nga eh. Kung ayaw mong tanggapin. Okay, fine. Ako na nga itong nagso-sorry eh. Hindi ko naman kasalanan, sabi nila mabilis lang daw kami eh. Oo, puro lalaki kasama ko, pero ikaw lang naman.... tss. Bahala ka."