1

393 15 8
                                    

Type Kita [One Shot]

by: BlaxkpearlYuri

Dedicated sa kaibigan kong si Yayie-san. I hope magustuhan mo. Hehehe!! Yan lang laman ng isip ko.

****

I hate INJECTIONS. . . . . . .

I hate NEEDLES . . . . . . . . .

I hate BLOOD. . . . . . . . . .

But "Type Kita"

****

Type Kita [1]

"Type Kita: A PAMET Project in coordination with the Paranaque Local School Board" sinasambit nang pinsan kong si Angela.

"Punta tayo para malaman natin ang blood type" pagsang-ayon ko

"Sama ka Glenn" paglapit ni Angela sa paparating na si Glenn.

Binasa naman ni Glenn ang reply slip na pinamigay ng aming guro kanina bago kami kumuha ng pagsusulit. Tumango-tango naman si Glenn bilang pagsang-ayon.

"Waaaaaaaahhhhhhh!!!!!!!!!!!!!! Thanks Glenn" at napayakap ako sa sobrang tuwa. Nakiyakap na rin si Angela sa pagyayakap ng dalawa.

Bigla kong napansin ang isang lalaki na kahanay ng aming upuan at ang sama ng tingin niya sa akin.

Napabitaw agad ako sa yakap kay Glenn at nahihiyang yumuko. Nakakainis nakita na naman niya ko. Bakit ako ang napapansin niya? Bakit ganun lagi siya makatingin sa akin na animo'y may nagawa akong pagkakamali?

Siya nga pala si Anthony Sandoval. May kulay ang kanyang buhok na pula at laging seryoso ang mukha at isa ring manlalaro sa basketball. At iyon ang nagustuhan ko sa kanya. Pero sa kabila nun, hindi niya naman ako napapansin.

"Oh bakit ganyan ang mukha mo?" tanong sa akin ni Angela.

"Eh kasi . . . . . . . . ." habang nilalaro ko ang aking daliri.

Inangat naman ni Glenn ang aking mukha gamit ang kanyang kamay na nilagay sa baba ko. Tumingin naman siya sa likod ko.

Lilingon sana ako ng hawakan ulit ni Glenn ang baba ko at nagbitaw nang mga salitang nagpagulo sa utak ko. "Gumalaw ka na at baka maunahan ka pa"

****

2 days before the Program

Gulong-gulo pa rin ang utak ko sa mga binitiwang salita ni Glenn. Parang zombie akong bumangon sa aking higaan at ginawa ang morning rituals.

-SVNHS-

"Good Morning Yayie!!" masiglang bati ni Angela.

Tumango lang ako at ngumiti nang pilit. Umupo na ako sa seat ko at yumuko. Inaantok pa talaga ako.

"Oy! What's wrong?" tanong ni Angela at naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.

"Wala. Inaantok pa ako eh!" walang gana kong sagot.

Hindi naman nagsalita si Angela. Sa tingin ko ay naghahanda na siya para sa pagsusulit. Pipikit na sana ako para matulog nang magsalita ang di ko inaasahan. "Maricar, anong nangyayari sayo?" may halong pag-alala sa kanyang boses. Nang nilingon ko ito, siya nga. Si Anthony Sandoval.

"Anong nangyari sayo?" pag-uulit niyang tanong sa tonong pagkaalala niya pero seryoso parin ang kanyang mukha.

Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.

Type Kita [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon