Chapter 1 (First Day)

21 0 0
                                    

"Haaaaay" Isang malakas ba buntong-hininga ang pinkawala ko pagdating ko sa JU. Eh kasi naman, Nakita ko sa may bulletin board yung nga section at napunta ako sa III-Sampaguita. What the hell! Wala pa kong classmate don na classmate ko dati. Haaaay buhay talaga parang life. Okay paakyat na ko ngayon doon sa room ko. Kinakabahan talaga ako, Late pa ko dahil doon sa clearance na papapirmahan pa sa head ng faculty ba 'yun? Basta. So yun na nga.

*Akyat* *akyat*

Nandito na din sa wakas. Hmm andito na yung teacher ko at may pinapagawa siya. Kinuha na niya yung pinapirmahan ko at naupo sa katabi ni anne. Actually may kakilala pala ako dito si anne pero di kami close kasi si anne e di naman kami nagkakausap masyado. Nagkakilala lang kami nung elementary so ayun nga. Tumabi ako sakanya at naglabas ng isang buong papel kaai magssketch daw kung gano kalayo yung bahay mo sa JU. What the hell! Isa ko.pa yung problema, Di ako marunong magdrawing. -_____-"

Ay magpapakilala muna ako bago ang lahat.

Hello, I'm Danielle Buenavista. I'm 3rd yr hs. in Jung University. 13 yrs old.

Ayan okay na yan. Hahaha. So ayun na nga. Maya maya pa. Para akong nakalaklak ng enervon sa sobrang pagka energetic ko. So ayun nakipagusap usap.

"Hi, Anung pangalan mo?" Sabi ko babeng morena na chubby.

"Hello, ako nga pala si claude. Ikaw?" sabi niya sakin ng nakangiti.

"Hi, Danielle." Nakangiti kong sabi.

"Eh ikaw anung pangalan mo?" Sabi ko sa maitim na babae na kasing tangkad ko lang din.

"Krizelle" maikli niyang sagot.

"eh ikaw?" turo ko sa babaeng chubby din na maputi..

"Jennelyn." Whooaa! Mukhang mataray. :o Hahahaha. chika chika lang. Hahahaha maya maya. Bumulong si anne sakin. Sabi niya.

"Danielle, Siya yung crush ni cara." Sabay turo nya sa lalaking mapayat, Matangkad, maputi, may itsura.

"Oohhh." Sabi ko sakanya.

"Yan si grey." Aaaaahhh.

Ginanahan naman ako ng pagkapilyo ko. maya maya inasar ko si anne na.

"Anne crush mo siguro no?"

"Hindi ah" naiinis nyang sagot. defensive? hahahaha

"Weehh? Claude, Jennelyn, krizelle. Crush ni anne yun oh" Sabay turo kay grey.

Maya maya napukaw ng antensyon ko yung lalaking maputi na parang naninilaw, May nunal sa ilalim ng mata. Kasing tangkad ko at ang amo ng mukha.

Waaaah! crush ko na ata. :o

Sinabi ko naman kay Claude na may crush ako dto sa room pero ayaw ko sabihin kung sino.

Dumating na yung uwian. Hanggang sa bahay. Iniisip ko yung lalaking yun. Di ko alam pangalan niya e. Basta bahala na...

He's the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon