Epilogo

54 5 1
                                    

Memories

Ericka's POV

Ano 'bang nangyayari? Bakit nag kaka gulo ang lahat? nalilito na ako.

"Dito ka lang Ericka. Maliwanag ba?" agad na sabi ni Cedric. Kahit hindi ko alam ang mga nangyayari ay tumango ako.

Agad na lumabas si Cedric, nang tumingin ako sa paligid, ang daming tao. Sugatan. Ang iba'y naka higa na sa sahig.

"Akala ninyo talaga ay matatakasan niyo ako? Hindi!"

Nangunot ang noo ko nang marinig ang boses na iyon. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang mapa dapo ang tingin ko kay Cedric.

"Cedric!" sigaw ko.

"Huwag!" sigaw niya.

Muntikan na siyang masaksak! may lumilipad na kutsilyo... Mabuti nalang at mabilis ang katawan niya, madali siyang naka iwas doon.

Ano 'ba talagang nangyayari?

Hindi ko alam pero, nag simula akong maka ramdam ng kaba. Hindi para sa sarili ko, kundi para sakanila. Para kayla Shawn.

"Nag babalik ako para mag higanti." nanlaki ang mata ko nang mapag tanto ang boses na iyon...

Ang demonyong si Mr Parker. Bakit nandito siya?

Wala na kaming narinig na balita tungkol sakanya o sa school. Dahil na rin siguro sa pag kaka watak namin at pag hahanap sa isa't isa. Wala na kaming balita tungkol doon.

Ipinikit ko ang mga mata ko.

You have to be brave Ericka. Be brave.

Idinilat ko ang mga mata ko. Nakapag desisyon na ako.

Dahan dahan akong lumabas sa loob ng ferris wheel. Kumabog ng malakas ang puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Siguro sa kaba at takot? hindi ko alam.

I'm sorry Cedric, hindi kita sinunod.

"Mga hangal! akala ninyo ay hindi ko kayo nakikita? sige Cedric, mag tago ka lang diyan ng mabuti. Tiyak ay ngayon na matatapos ang buhay m-"

Napa takip na agad ako sa tenga ko nang marinig ang boses niya. Gusto kong sumigaw, gusto ko siyang saktan, pahirapan, o kahit ano, basta magantihan lang namin siya sa pananakit na ginawa niya.

Nagulat ako nang may nag babadyang luha ang gustong lumabas, natatakot ako para sa kaligtasan ng taong mahal ko. Ni Cedric.

Napapikit ako dahilan ng pag tulo nito.

Ano 'bang dapat kong gawin?

Hindi na ba talaga matatapos ito?

"Ericka!" may narinig akong bumulong. Mabilis akong napa lingon.

"Dito Ericka!" kumunot ang noo ko at napa lingon sa kabilang bahagi. Nanlaki ang mata ko nang makita si Dominique doon, nag tatago.

Lumingon lingon ako. Nang makita kong walang tao doon ay mabilis akong nag lakad. Kumakabog na naman ng malakas ang puso ko. Malakas akong napa tili at napa talon nang may dumaplis sa aking kutsilyo!

"Shit." agad kong nasambit dahil sa gulat.

Mabilis akong napa hawak sa pisngi kong nag dudugo na. Tumulo ang luha ko. Kinuha ko ang panyo ko at ipinunas dito. Muntik ko nang maka limutang may dala akong panyo.

Lumingon muli ako kay Dominique, nakita kong palingon lingon din siya. Lumingon siya sa banda ko. Nag ka tinginan kami.

Mag lalakad na sana ako nang mapa tili na naman at ako nabitawan ang panyo! napa singhap ako at nanginginig nang kuhanin ko ang panyo.

Pillar AcademyWhere stories live. Discover now