One Shot

11 6 3
                                    


Valentine By Jim Brickman Playing

If there were no words
No way to speak
I would still hear you
If there were no tears
No way to feel inside
I'd still feel for you

Nakatingin lang ako ngayon sa labas. Glass ang front nitong coffee shop kaya kitang-kita ang labas. Umuulan pero 'di naman kalakasan. Lahat ng nakikita 'kong dumadaan ay naka-payong, 'yung iba naman tumatakbo kasama ang boyfriend nila habang nasa ilalim ng iisang jacket na nakapatong sa mga ulo nila. Walang forever mga tsong! Mag-be-break 'din kayo! Not now, but soon.

February 14 ngayon kaya nagkalat sa bawat sulok ng Pilipinas ang magkakasintahan. Halos lahat nang mapuntahan 'kong restaurant at starbucksay punong-puno. Itong coffee shop nalang ang napuntahan ko na kakaunti lang ang tao.

And even if the sun refused to shine
Even if romance ran out of rhyme
You would still have my heart
Until the end of time
You're all I need my love, my valentine

Binalik ko nalang ang tingin ko sa laptop ko at nag-slide ng mga picture ng mga lugar na gusto 'kong puntahan kapag nandun na ako sa Canada. 4 months nalang at lilipad na ako papuntang Canada. Nag-migrate na ang pamilya ko 'dun at susunod na ako sa kanila. Sa ngayon, pina-process ko na ang resignation ko.


"Here's your Latte Ma'am." Nilapag na 'nung crew 'yung kapeng in-order ko.

"Thank You and Happy Valentines!" Dugtong nito,

"Thank you!" I said at ngumiti ako sa kanya at umalis na 'to. Iinom na sana ako ng mapansin ko ang isang note na nakadikit sa cup ng kape ko.

"Love does not begin and end the way we seem to think it does. Love is a battle, Love is a war; Love is growing up."

              - James Baldwin

Napangiti nalang ako sa nabasa ko at pinagpatuloy na ang pag-inom ng kape ko.

"Ma'am pinabibigay po 'nung lalaking 'yun." Tinignan ko ang kapeng hawak 'nung crew. Inabot ko 'to at tinignan ang lalaking tinuro niya na nagbigay 'daw' nitong kape sa'kin.

Nakatalikod ito kaya 'di ko makita ang mukha niya. Tiniklop ko ang laptop ko at pinasok sa loob ng bag ko pagkatapos ay dinala ko sa magkabilang kamay ko ang dalawang kape.

Hawak ko sa kaliwang kamay ko 'yung kapeng in-order ko at sa kanan naman ay 'yung kapeng binigay sa'kin. Lumapit ako sa mesa niya at nilapag ang kapeng binigay niya kaya napa-angat siya ng ulo mula sa pagbabasa niya ng libro at ngumiti sa'kin.

Infairness gwapo siya, halatang matangkad at maputi. Maputi pa sa'kin.

"No offend sir, pero 'di ako tumatanggap ng Kahit na ano mula sa estranghero." I said at pagkatapos ay lumabas na ng coffee shop na 'yun. Kahit umuulan ay tinungo ko parin ang kotse ko.

Pero 'di man ako tuluyang nakakalapit sa kotse ko ng biglang 'di ko na maramdaman ang pagbagsak ng ulan sa'kin kaya tumingala ako at nakita ko ang isang black na payong kaya agad akong napalingon sa likuran ko at nakita 'kong pinapayongan ako nitong estranghero.

Kunoo ko siyang tinignan pero naka-ngiti lang siya.

"Sino ka ba? What do you want from me?"


"I'm Liam Lim." At nilahad niya ang kanang kamay niya sa'kin para makipag-shake hands habang nakahawak naman sa payong 'yung kaliwang kamay niya. Kunot-noo ko lang tinignan ang kamay niya kaya binaba nalang niya ang kamay niya.

Perfect Stranger (One Shot Story)Where stories live. Discover now