Mag alastres na ng hapon ng marating ko ang hinahanap ko. Nasa tapat ako ngayon ng isang malaking bahay, ito yung address naka lagay sa papel na hawak ko ngayon. Lumapit ako sa isang maliit na gate at pinindot ang doorbell sa may gilid. Maya maya pa ay may nag bukas nang gate.
“Sino po sila?” Tanung ng babaeng naka uniform ng pang katulong.
“Ako po si Jhennica Sandoval ako po yung pinapunta dito ni manay Mirna para pumasok na kasambahay…” Ngumite ako sa kanya pag katapos kong mag pakilala sa kanya.
Binuksan nya ang maliit na gate sa may gilid at pinapasok ako sa loob. “Ah oo na itawag ka na sa akin ni manay Mirna kanina pa.. tara tuloy ka...”
Pag kapasok ko palang sa loob literal na napanganga ako sa sobrang ganda ng bahay sa harapan ko, Nilibot ko ang mata ko sa buong paligid sa kanan nakita ko ang punong puno ng magandang bulaklak. Sa kaliwa naman may isang mini version ng falls na puno ng makukulay na isda habang sa may bandang dulo sa may gilid nakita kong may ilang kubo naka paligid sa isang swimming pool na may malinaw na tubig.
“Tara pasok muna tayo sa loob habang wala pa sila kua..” Sumunod na ako pag katapos kong madinig ang pagyaya nya sa akin.
Pag pasok namen sa loob lalo akong humanga sa ganda ng bahay na kinaroroonan ko, puro makabangong kagamitan ang nakikita ko, tv na sobrang laki naparang nasa sinihan ka na sa lake. Makikita at alam na alam mo na sobrang yaman ng nag mamayare ng bahay nato.
Nakasunod padin ako kay ate dko alam pangalan nya ehh… Tumapat kame sa isang pinto at pumasok doon. “Dito ang k'warto natin, dun ka sa kabilang higaan, Dalawa lang tayo dito sa kabila sila manay.” Tumango ako sa kanya at tinungo ang kamang nakalaan para sa akin.
“Ahh ate.! mababait po ba yung amo natin?”. Tanung ko sa kanya.
“Oo mababait ang mga amo natin, kaso may topak lang minsan yung bunso anak ni sir.. kaya kung ako sayo iwasan mo yun” Sagot nya sa akin.
“Ate.!” Tawag kong muli sa kanya. Lumingon siya at ngumite sa akin. “Oh bakit? may kailangan ka paba?”
“Masungit po ba siya?, Babae po bayun?” Hinde ko alam kung anu yung tinanung ko pag kasabi niya kasi ng may topak yung bunso anak ng amo namen medyo na curious lang ako bigla.
Ngumite siya pag tapos ng tanung ko sa kanya. “Lalaki yung bunso ni sir.. mamaya makikilala mo sila pag uwi nila, oh siya ako’y babalik na sa ginagawa ko, mag pahinga ka na muna. bukas ka pa naman siguradong mag uumpisa sa trabaho mo dito.”
Dumiretso na siya lumabas ng pinto kaya pinagpatuloy ko ang pag aayos gamit ko sa kabinet na katabe ng higaan ko. Humiga ako nakatingin lang ako sa kisame at lihim na nag dadasal na sana maging okay lang lahat sa pag luwas ko dito sa maynila.
Nagising ako sa pag kakatulog,marahil sa pagod at sa layo nang biniyahe ko paluwas nakatulog ako nang hinde ko namamalayan. Tumayo ako dahil nakaramdama ako nang uhaw, tumingin ako sa loob nang k'warto tinignan ko kung may lagayan ba nang inumin, pero wala akong nakita kaya’t tinungo ko ang pinto para lumabas at hanapin ang kusina. Tumingin din ako sa kabilang higaan at nakita ko nang natutulog ang kasama ko dito.
BINABASA MO ANG
Fingers On Her Bra
General FictionHinde alam ni jhennica na mas magiging kumplekado pa pala ang kakaharapin niya pag luwas ng maynila. Hinde siya mapakapaniwala na mangyayare ang mga bagay na hinde niya inaasahan ng ganun kadali..