Naniniwala ba kayo na pwedeng ma-inlove ang yaya sa kanyang AMo ?
Basahin niyo ang ginawa kong One Shot Story na ang pamagat ay "When Yaya is Fall in Love "
**********************************************************************************************************
" Nay ! payagan niyo na kasi akong magtrabaho sa Maynila " Sabi ko kay Nanay.
" Anak hindi nga pwede baka kung mapanu ka lang dun at anong papasukan mo dun ? Mag-popokpok ? Sige nga anak mag-isip ka " Sabi ni Nanay. Eto talaga si Nanay kung anu-ano ang iniisip. Porket Maynila Pokpok agad . Eto talaga si Nanay ang Nega Nega kahiy kahit kailan.
Ako nga pala si Jasmin Crito or you can call me Jam. I'am 22 years old. Ang pangarap ko ay maiahon ang aking pamilya sa kahirapan dahil ako lang ang inaasahan nila sa pamilya namin kasi ako lang ang nakatapos ng sa highschool. Ang tatay ko naman ay lasinggero kaya hindi na kami umaasa na mag-tatrabaho pa yun. Ang nanay ko naman ay tumatanggap ng mga labahan, ang kapatid ko naman ay nag-aaral pa. 3 kaming mag-kakapatid ako ang panganay kaya kailangan kong magsipag para maiahon ang aking pamilya sa kahirapan.
" Anak tulungan mo nga ako sa mga labahan ko para may pangkain tayo mamaya " Utos sa akin ni Nanay.
~~
Kinagabihan ay nagpasya akong lumuwas ng Maynila para nga maiahon ang aking pamilya. Hindi na ako nag-paalam dahil sigurado akong hindi ako papayagan nun . Bago ako umalis ay gumawa ako ng isang liham para dun na magpaalam saka hinalikan sila sa Noo.
Malayu-layo rin ang biyahe ko dahil galing akong Aklan papunta sa Maynila. Napag-isip-isip ko na rin na kahit anong trabaho ay tatanggapin ko wag lang ako mag-benta ng aking katawan.
Pagdating ko ng Maynila ay agad naman akong naghanap ng trabaho. May nakita akong nakapaskil na "WANTED WAITRESS" sa isang carinderia. Agad naman ako tumungo doon at nagtanong
" Mam Magandang Tanghali po pwede po ba akong mag-apply ng trabaho ?" Tanong ko dun sa isang babae
" Nasaan ang I.D mo at birthcertificate ? " Tanong sa akin ni Mam.
Tinignan ko ang aking bag pero ang dala ko lang I.D wala akong birthcertificate.
" Mam pasensya na po pero I.D lang ang dala ko " Sabi ko kay Mam
" Sige pwede na yan " Sabi ni Mam " 800 ang sweldo kasama ang pagkain at isang kwarto bawal magdala ng boyfriend pwede ka na magsimula ngayon " Dugtong pa niya.
" Sige po salamat " Sabi ko.
Agad ko namang nilapag ang bag ko sa isang kwarto at nagbihis para mag-simula ng mag-trabaho. Maraming costumer na ang dumating kaya todo ngiti ang boss ko. Sobrang pagod ko ay yung baso ay nahulog ko. Buti na lang hindi ito babasagin. Kaya sinigawan ako ni Mam.
" Ano ba yan ang bobo mo naman paano pa kaya kung babasagin yang dala mo edi basag yang lahat " Sigaw ni Mam sa akin
" Mam pasensya na po hindi na po mauulit " Pagmamakaawa ko
Kinagabihan ay may lumapit sa akin na isang mayamang babae habang naglilinis ako ng mesa
" Ms. I'am Mary Joyce San Pascual " Sabi niya sabay nakipag-shake hands ako
" Jasmin Crito po " Sabi ko
" Jasmin Naghahanap ako ng maid para sa aking anak at mukhang ikaw ang hinahanap ko dahil nakita kong hindi ka karapat-dapat na mag-trabaho dito. Tataasan ko ang sweldo mo . Magkano ang sweldo mo dito ? " Tanong ni Mam Mary
" 800 po kasama na po yung pagkain at isang kwarto " Sabi ko
" Edi gagawin kong 5,000 kasama na yung masasarap na pagkain at di-aircon na kwarto " Nakangiting sabi ni Mam