** CHAPTER 6 **

76 2 0
                                    

[Sabado]

Nandito lang ako sa bahay.

Si kuya umalis na naman.

anu pa bang aasahan ko dun?

lagi namang wala yun. kung hindi nasa school,nasa work or nasa networking meeting.

Makaligo na nga. At makapag luto na ng makakain. 6pm na rin.

After 50 golden years ng paghihilod ng balat para sa mga nakadikit na mga libag,natapos rin ako sa pagliliwaliw sa banyo.

Sakto namang paglabas ko,nag ring cellphone ko.

Sino naman kaya yun?

(Mheii calling...)

"Oh Mheii napatawag ka? May problema ba?"

{wala naman. yayayain sana kita mag-mall.}

"Ayee...Call ako dyan! Bored na bored ako dito sa bahay."

{Sabi mo yan ah. hintayin ka namin nila Trisha at nila LecLec. Textan na lang.}

"Okay. I'll be ready after 30mins."

{30 mins. teh? Ang bilis ah. osige sige. bilisan mo.}

Ahaha! Sus! May magagawa rin sa wakas. Buti naman at nagyaya tong mga to.

After ko magbihis at kung anu-anu pa, ready to go na ako. Excited na nga ako eh.

Check ng gasul.

Isara lahat ng bintana.

Unplug all the appliances. Mahal ang kuryente no. At baka pag iniwan ko to pagbalik ko sunog na ang bahay namin.

And lock the gate.

Malapad na ngiti.

Sipol habang naglalakad.

Sensya naman. Masaya lang. Gagala eh. ^__^

"Hi!"

"Ay kalabaw!"

O.O

(O___O)

kurap.Kurap.

Kuskos mata.

~Am I only dreaming?

   Or is this burning

   An eternal flame?

ERASE!!! Bakit may pagkantang nagaganap?!

Eh kasi naman..

Nananaginip ba ako?

Si------

"Ah? Claudette?"

*Snap*

"Ah...Hi! Zane Ikaw pala."

"Dati palaka tawag mo sa akin nung nagulat ka, ngayon naman kalabaw. Daig ko pa ang pokemon na nag-eevolve ah. Hahaha."

GASH!! Nakita ko na naman syang ganyan. Tumatawa siya.

"Pokemon talaga? Wag mo sabihing nanonood ka non." -- Ako

"Nakakahiya mang aminin." -- Sya

"HAHAHAHAHAH!!!" Natawa talaga ako dun. Akalain mo yun. Ang isang tulad niya nanonood non? Ako aminado ako na nanonood ako nun. Halos memorize ko na nga mga species dun.

Insecurities May Kill --- (-is on HIATUS-)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon