Chapter Four
Hinagilap niya ang hotdog pillow niya at ibinato iyon sa walang-hiyang gumising sa kanya. She slept around one in the morning at heto ngayon si Mico, ginigising siya nang pagkaaga-aga. She wanted to kill the guy for making her sleep late and waking her up early in the morning. Nahirapan siyang makatulog kagabi dahil sa kakaisip sa binata at ang pumutol sa tulog niya ay ang lalaki rin mismo. Namumuro na ito, dammit!
“Get up now, Milyeta, or I swear I’ll bring you to heaven,” naring niyang banta ni Mico.
“You wouldn’t dare,” she grumbled under her blanket.
“Oh, so you wanted to be kissed by your Prince Charming, eh?”
Wala sa oras na napaupo siya sa kama at asar na tiningnan ang magaling na lalaki. Nakasandal ito sa pintuan habang nakapamulsa. He was looking at her with an annoying grin on his face. Mukha itong bagong paligo. Unlike her, he was looking neat and smelling good. Goddamn this man for being extremely appetizing early in the morning. Sigurado siyang pinagtatawanan siya nito sa isip dahil kahit ‘di siya tumingin sa salamin ay alam niyang mukha siyang isang malaking delubyo.
“Paano ka nakapasok dito? Alam mo ba kung anong oras pa lang, ha? It’s—” Nilingon niya ang alarm clock sa side table. “It’s still four thiry-five in the morning, for crying out loud! What is wrong with you?”
Inikot nito ang paningin sa kuwarto niya bago isinentro sa kanya ang atensiyon. Tila wala itong pakialam sa himutok niya. “I’ll teach you to ride a bike, remember?”
Tiningnan niya ito na para bang isa itong malaking langgam. Nasapo niya ang noo nang mapagtantong seryoso ito sa sinabi. Goodness! Nang dahil lang doon ay ginising siya nito? Seriously, this guy is crazy.
“You woke me up just because of that? Puwede bang sa ibang araw na lang? Kasi antok na antok pa ‘ko.”
Dinampot ng lalaki ang unan na binato niya kanina rito at inihagis pabalik sa kanya. Sa malas ay hindi siya nakaiwas kaya nasapul siya sa mukha.
“What the—”
“I’ll teach you today. ‘Wag ka na kumontra.”
Muli niyang inabot ang unan at ibinato sa lalaki na madali lang din naman nitong naiwasan. “Stop pestering me, will you?”
Ngumisi ito. “I can’t. ‘Pag hindi kita tinuruan, ako naman ang kukulitin ng kuya at mga magulang mo.”
Inis niyang kinamot ang noo. “Hindi ba puwedeng bukas o sa ibang araw na lang?”
Umiling ang binata sa kanya. “Nope. It’s your big brother’s birthday tomorrow at magiging abala ako sa mga susunod na araw dahil sa ipinapatayo kong restaurant. Sorry.”
She snorted. Sorry, my ass. He doesn’t sound sorry at all. Hindi niya alam kung ano'ng trip nitong gawin sa buhay ngayon pero inaantok pa talaga siya at wala siyang ganang makipag-asaran sa lalaki. Hinablot niya ang pinakamalapit na stuffed toy sa kanya, niyakap iyon, at muling nahiga patalikod sa binata.
“Inaantok pa talag ako, Mico. I’m too lazy to move or even take a bath.”
“Kung gan’on, ako na lang ang magpapaligo sa’yo,” ani ng binata.
Agad siyang napabangon muli sa kama dahil pakiramdam niya ay tototohanin ng lalaki ang sinabi. “Heto na, heto na! Babangon na ako at maliligo! Puwede bang lumabas ka na?”
Kumibot-kibot ang labi nito. Tila may gusting sabihin o marahil ay pinipigilan lang na matawa.
“What? Get out now,” aniya nang nakataas ang isang kilay.
BINABASA MO ANG
Something About Us (Completed)
RomancePinamaywangan siya ng babae. Hindi niya mapigilan pagmasdan si Milyeta. Madaling-araw pa lang kaya may kadiliman pa rin sa labas, pero parang nagliliwanag sa parteng kinatatayuan nila dahil sa kagandahan ng dalaga. She was wearing a yellow shirt mat...